Professional Documents
Culture Documents
Lagrana, Ma. Angelica A.
Lagrana, Ma. Angelica A.
1. Bakit mahalagang maging mahusay ang mga Pilipino sa ating sariling wika na “Filipino”?
Ang wikang Filipino ang nagsisilbing representasyon ng ating pagiging isang Pilipino, isang simbolo
kung saan naibabahagi natin ang ating malikhain at makulay na kultura. Kungkayat nararapat lamang na
maging mahusay tayong mga Pilipino pagdating sa ating sariling wika dahil ito ay nagsisilbing isang
kasangkapan upang makapag bahagi ng kaalaman, ideya at opinyon. Isa rin itong tulay kung saan malaya
tayong nakakapag bahagi ng saloobin ng maayos at matiwasay. Kaya naman, ang kakulangan sa kaalaman
pagdating sa ating sariling wika ay maaaring magdulot ng isang malalang di pagkakaintindihan o mas
higit pang mga suliranin.
2. Bakit mahalaga ang “PAGDALUMAT” sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman kaugnay ng pag-aaral
ng ating sariling wika?
Ang "pagdalumat" ay mahalaga sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman kaugnay ng pag-aaral ng ating
sariling wika dahil ito ay nagbibigay ng mas malalim na pag-unawa at interpretasyon sa mga konsepto at
ideya sa Filipino. Ito ay nagpapalalim ng ating pag-unawa sa wika, nagtutulong sa pag-unlad ng kultura,
nagpapalawak ng akademikong diskurso, at nagbibigay ng mga kasangkapan para suriin ang mga bagong
kaalaman sa Filipino.