You are on page 1of 1

Hesus Na Aking Kapatid

[Verse 1]
Hesus na aking kapatid, sa lupa nami'y bumalik
Iyong mukha'y ibang-iba, hindi kita nakikilala
Dulutan mo aking mata, mamulat sa katotohanan
Ikaw Poon makikilala sa taong mapagkumbaba

[Verse 2]
Hesus na aking kapatid, putikin man ang Iyong sapin
(Hesus na aking kapatid, putikin man ang Iyong sapin)
Punit-punit ang Iyong damit (Punit-punit ang Iyong damit),
nawa ika'y mapasa-akin
Dulutan mo aking mata, mamulat sa katotohanan (Dulutan
mo aking mata, mamulat sa katotohanan)
Ikaw Poon makikilala sa taong mapagkumbaba

[Verse 3]
Hesus na aking kapatid, sa bukid ka nagtatanim (Hesus
na aking kapatid, sa bukid ka nagtatanim)
O sa palengke rin naman (O sa palengke rin naman) Ikaw
ay naghahanap-buhay
Dulutan mo aking mata, mamulat sa katotohanan (Dulutan
mo aking mata, mamulat sa katotohanan)
Ikaw Poon makikilala, ikaw Poon makikilala
Ikaw Poon makikilala sa taong mapagkumbaba

You might also like