You are on page 1of 3

LAPG FILIPINO - PAGBASA GRADE 3

I. Bilugan ang titik ng tamang sagot. Piliin ang kahulugan ng nakasalungguhit na salita.

1. Ang anak ng aso ni Lito ay pito. A. bilang B. silbato 2. Malakas ang tunog ng pito ng pulis. A.
bilang B. silbato 3. Pukpukin mo at ibaong mabuti ang pako. A. halaman B. matulis na metal 4.
Maraming dahon ang pako. A. halaman B. matulis na metal 5. Saan ka ba galing? A. mahusay B.
pinagmulan 6. Ang galing mo naming magsaulo ng tula. A. mahusay B. pinagmulan 7. Masarap
ang ginataang gabi. A. kabaligtaran ng araw B. halamang ugat 8. Nakakatakot maglakad kung gabi
na. A. kabaligtaran ng araw B. halamang ugat 9. Masarap ang isdang inihaw sa baga. A. bukol B.
nag-aapoy na uling 10. Si Tiya Lumen ay tinubuan ng baga sa suso. A. bukol B. nag-aapoy na uling

II. Bilugan ang titik ng tamang sagot. Piliin ang kahulugan ng nakasalungguhit na salita.

11. Ang dami mo namang tapon sa gilid ng pinggan. A. takip B. kalat

12. Lagyan mo ng tapon ang bote. A. takip B. kalat

13. Aba, ikaw pala ang nanalo! A. isang kagamitan B. hindi akalain

14. Pahiram po ng pala ninyo. A. isang kagamitan B. hindi akalain

15. Isang bara ang kanyang saya. A. duming nakaharang B. nagsasaad ng haba

16. Pundido na ang pila ng flashlight. A. hanay B. baterya

17. Tuwid ang pila ng mga bata. A. hanay B. baterya

18. Ang taas ng talon niya dahil sa tuwa. A. pababang agos B. lundag

19. Maganda ang talon ng Daranak. A. pababang agos B. lundag

20. Bata ako sa ate at kuya ko. A. kasintahan B. hindi matanda

21. Bata siya ng kuya ko. A. kasintahan B. hindi matanda

22. Mainit ang mga mata ng pulis sa holdaper. A.maalisangan B. minamanmanan

23. Mainit ang panahon. A. maalisangan B. minamanmanan

24. Maluwag ang bahay nila ngayon. A. hindi makipot B. nakaririwasa

25. Maluwag ang suot niyang pantalon. A. hindi makipot B.nakaririwasa

III. Bilugan ang titik ng ibig sabihin ng pangungusap.

26. Hirap sila sa buhay. A. naghihikaos B. pagod

27. Hirap ako sa pagdadala ng maraming aklat. A. naghihikaos B. pagod


28. Mahirap lang kami. A. hindi mayaman B. hindi madali

29. Mahirap ang leksyon namin kahapon. A. hindi mayaman B. hindi madali

30. Mataas ang gusali. A. mayabang B. hindi mababa

IV.Bilugan ang salitang nagsasaad ng damdamin sa bawat pangungusap.

31. Takbo, hayan na ang asong ulo! A. gulat B. takot

32. Aray, aray ko po! A. lungkot B. sakit


33. Totoo nanalo ako? A. galit B. tuwa
34. Bakit ako ang sisisihin mo? A. galit B. gulat
35. Hu-hu-hu! Nasagasaan ang tuta ko. A. lungkot B. sakit
36. Sayang, hindi ako nakasama sa piknik. A. pagsisisi B. panghihinayang

37. Mabuti pa ay hindi na ako umalis ng bahay. A.pangako B. pagsisissi

38. Hayan na sila salubungin natin! A. pangamba B. pananabik

39. Ayoko, ayoko na! A. pagkainis B. pagkainip


40. Sino, ako? Huwag na lang! A. pagyayabang B. pagkasuklam
41. Hindi yata iyan ang pinili ko. A. pagdududa B. pag-aayaw
42. Kasi ikaw, eh. A. pagpuri B. paninisi
43. Siya, siya tama na! A. pagkainis B. pagsaway
44. Bakit kaya narito si Vina? A. nag-uusisa B. nagtataka
45. Tanghali na. Ang tagal naman ni Inay! A. naninisi B. naiinip
------------------------------------------------------------------------------------- PaGe - 2
2015 LiGhT | All Rights Reserved. | For Personal Use Only. www.slideshare.net

You might also like