You are on page 1of 18

2

Filipino
Ikaapat na Markahan - Modyul 7:
Paggamit ng Pang - Ukol
Filipino – Baitang 2 Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 7: Paggamit ng Pang - Ukol
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Jen – Jen G. Maglalang
Patnugot ng Wika: Remedios C. Gerente PhD(CAR)
Marieanne C. Ligsay PhD
Tagasuri: Edquel M. Reyes MLIS
Alma T. Bautista PhD
Remedios C. Gerente PhD(CAR)
Sonny N. De Guzman EdD
Marieanne C. Ligsay PhD
Ellen Duka-Tatel
Tagaguhit: Isagani D. Tique, Norman B. Cruz
Armando Deogines A. Garcia, Norman B. Cruz, Roel S.
Tagalapat:
Palmaira
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Ronilo Al K. Firmo PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Engr. Edgard C. Domingo PhD, CESO V
Leondro C. Canlas PhD, CESE
Elizabeth O. Latorilla PhD
Sonny N. De Guzman EdD
Remedios C. Gerente PhD(CAR)

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 3


Address: Matalino St. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail address: region3@deped.gov.ph
2

Filipino
Ikaapat na Markahan - Modyul 7:
Paggamit ng Pang - Ukol
Alamin

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang magagamit mo


nang wasto ang mga pang-ukol na ni/nina, kay/kina, ayon sa,
para sa at ukol sa (F2WG-liih-i-7).

Subukin

Gawain ng magulang/guro: Gabayan ang bata sa gawaing ito.


Panuto: Punan ng wastong pang-ukol ang patlang upang mabuo
ang pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang
sagot.
1. Pumunta kami _____ Dette at Rhea kahapon.
a. kay b. kina c. ni

2. Iniabot _____ Ana ang bagong bag.


a. kay b. kina c. ni

3. May paparating na bagyo bukas, _____PAGASA.


a. Ayon sa b. ukol sa c. para

4. Nanonood kami _____Ruby, Remy at Rosa ng “Daig kayo ng


Lola ko”.
a.ni b. kina c. nina

5. Kinuha _____Alma ang lapis sa bag.


a. nina b. kina c. ni

CO_Q4_FIL 2_ Module 7
Aralin

1 Paggamit ng Pang-Ukol

Ang pang-ukol ay tumutukoy sa pinagmulan, patutunguhan,


kinaroroonan o kinauukulan ng kilos, gawa, balak o layon.
Iniuugnay ng pang-ukol ang mga pangngalan o panghalip sa
ibang salita sa pangungusap.

Balikan

Gawain ng magulang/guro: Gabayan ang bata sa pagsagot.


Panuto: Piliin ang angkop na pamagat sa bawat talata. Isulat sa
sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

1. Ang aking nanay ay masipag. Maaga siyang


gumigising upang magluto ng almusal. Mahal na mahal
ako ni nanay.
a. Mahal ako ni Nanay
b. Mabait si Nanay
c. Ang aking Nanay

CO_Q4_FIL 2_ Module 7
2. Ang aking aso ay mataba. Malakas siyang kumain.
Paborito niyang kainin ang Adobo.
a. Ang Adobo
b. Ang Paboritong Ulam
c. Ang aking Aso

3. Ayaw ni Berto na naiiwan siyang mag-isa sa bahay


lalo na kung gabi. Lumaki siyang matatakutin. Iniisip niya
na siya ay kukunin ng mga multo.
a. Gabi ng Lagim
b. Si Bertong Matatakutin
c. Ang mga Multo

4. Nagplano ng piknik ang pamilya Dizon sa parke.


Kinabukasan ay inihanda na nila ang maraming pagkain na
kanilang dadalhin. Masayang-masaya sila dahil iyon ang
unang pagkakataon na magpipiknik sila sa parke.
a. Ang Pamilya Dizon
b. Ang Parke
c. Ang Piknik sa Parke

5. Matalik na magkaibigan sina Suso at Pagong. Lagi


silang magkasamang naglalaro sa ilog. Sabay silang
kumakain at natutulog. Hindi nila kayang malayo sa isa’t
isa.
a. Sina Suso at Pagong
b. Paglalaro sa Ilog
c. Magkasamang Maglaro

CO_Q4_FIL 2_ Module 7
Tuklasin

Gawain ng magulang/guro: Gabayan ang bata sa pagbabasa.


Sa isang pamilya, mahalaga ang pagmamahalan,
pagtutulungan at unawaan. Nakatutulong ito upang mas maging
masaya at mapalakas ang ugnayan ng bawat miyembro ng
pamilya.
Panuto: Basahin mo ang isang kuwento upang malaman
kung bakit masaya ang kanilang pamilya.

Masayang Pamilya
ni Jen-Jen G. Maglalang

CO_Q4_FIL 2_ Module 7
Maagang ginising ni Tatay Karding ang kaniyang pamilya.
Ibinalita niya na kailangan na nilang mag-ayos ng mga gamit
sapagkat aalis na sila sa kanilang tinitirhan.
Tuwang-tuwa ang mag-anak dahil lilipat na sila sa kanilang
bagong bahay. “Mga anak dalhin na ninyo ang mga gamit,” utos
ni nanay.
“Ayon sa mga kapitbahay natin, tahimik at maayos naman
sa paglilipatan natin,” sabi ni tatay kay nanay.
Nakarating nang ligtas ang mag-anak sa kanilang bagong
tirahan. Tanghalian na ng mga oras na iyon kaya nagdesisyon
ang mag-asawa na bumili na lamang ng lutong ulam.
“Kina Mang Erwin at Aling Marian daw tayo bibili ng mga
pagkain,” dagdag pa ni tatay.
Habang papunta si Mang Karding sa bilihan ng pagkain,
sinimulan nang ayusin ni ALing Marian at ng kaniyang mga anak,
ang mga gamit na kanilang dala.
“Huwag ninyong galawin ang kagamitan dito mga anak para
kay tiya Rhea ang mga ito”. “Opo nanay, hindi po namin
gagalawin,” ang sagot nina Obet at Jerick.
Bumalik si Mang Karding sa kanilang bahay bitbit ang
biniling pritong manok at ginataang gulay. Habang kumakain sa
hapag-kainan, biglang napaluha si Aling Marian. “Masaya ako at
nakalipat na tayo sa bagong bahay kahit na maliit ito basta
sama-sama at nagmamahalan tayong lahat,” naluluhang sabi ni
nanay at sabay yakap sa amin.

CO_Q4_FIL 2_ Module 7
Gawain ng magulang/guro: Gabayan ang bata sa pagsagot.
Panuto: Piliin ang mga salitang nakahilis sa kuwento at isulat
ang mga ito sa iyong sagutang papel .

1. ______ 4. _______
2. ______ 5. _______
3. ______

Suriin

Gawain ng magulang/guro: Gabayan ang bata sa pagbabasa.

Napansin mo ba ang mga salitang nakahilis sa kuwentong


binasa? Ang mga salitang nakahilis ay halimbawa ng pang-ukol
na ni/nina, kay/kina, para sa, ayon sa, ukol sa. Narito ang
pagpapaliwanag upang higit mong maunawaan ang mga ito.

Ang pang-ukol ay bahagi ng pananalita na ipinapahayag


ang mga ugnayan sa panahon o lawak o pagmamarka sa iba't
ibang semantikong pagganap.

Mga halimbawa ng pang-ukol:

kay/kina — nagmamarka ng pagmamay-ari o nagmamarka sa


pinag-uusapan na pangalan.
Mga halimbawa:
1. Ang saging na ito ay kay Anna.
2. Pupunta kami bukas kina Mang Kaloy at Mang Dino.
6

CO_Q4_FIL 2_ Module 7
ni/nina — nagmamarka ng pagmamay-ari o nagmamarka ng
pansariling pangalan.
Mga halimbawa:
1. Binili nina Alden at Nadine ang bagong bahay.
2. Ibinigay ni Jose kay Ester ang bagong damit.

ayon kay/sa — ginagamit upang iukol ang mga pananalitang


tinuran
ng isang may kapangyarihan o isang sanggunian.
Mga halimbawa:
1. Ayon sa mga hurado, ako ang nanalo.
2. Magaling na siya, ayon kay Amalia na isang nars.

para sa — ginagamit upang ipahiwatig ang gamit ng isang


bagay.
Mga halimbawa:
1. May libreng gamot para sa masa.
2. Para sa mga bata ang regalo.

ukol sa — ginagamit upang iukol ang mga pananalitang


tinuran ng isang bagay o ngalan na pambalana.
Mg halimbawa:
1. Napag-usapan namin kanina ang ukol sa batang
nakapulot ng pera sa daan.
2. Ukol sa aking kapatid ang paksa ng kanyang kaklase.

Pagyamanin

CO_Q4_FIL 2_ Module 7
Gawain 1
Gawain ng magulang/guro: Gabayan ang bata sa pagsagot.
Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na mga
pangungusap. Ilagay ang tsek (√ ) sa patlang kung tama ang
pagkakagamit ng mga sinalungguhitang pang- ukol at ekis (X)
kung hindi. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.
___1. Kay Berto at Boyet daw ang mga kamoteng ito.

___2. Nakita ni Mang Kulas ang mga kalabaw sa ilalim ng puno.


___3. Maging masunurin at mabait na bata tayo ayon sa Banal
na
Aklat.
___4. Sumunod sa mga utos nina nanay at tatay.
___5. Kina Bb. Gomez kami magluluto bukas.

Gawain 2
Gawain ng magulang/guro: Gabayan ang bata sa pagsagot.
Panuto: Hanapin mo sa Hanay B ang tamang pang-ukol para
mabuo ang mga pangungusap na nasa Hanay A. Isulat sa
sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

CO_Q4_FIL 2_ Module 7
Hanay A Hanay B

1. Masayang magtanim ng mga a) kay


halaman sabi ___ Lola Felly.

2. Nakakita kami ___ Tiya Marsha at Tiyo b) para sa


Darwin ng makukulay na mga
bulaklak.
c) kina
3. ___ Mang Ben namin nakuha ang mga
bato na gagamiting palamuti.
d) ayon sa
4. Bumili naman ako ng paso ____ mga
maliliit na halaman.
e) ni
5. Ang kulay berde ay maganda at malamig
sa mata, ____ aking guro.

Gawain 3
Gawain ng magulang/guro: Gabayan ang bata sa pagsagot.
Panuto: Piliin mo ang angkop na pang-ukol sa loob ng bilog.
Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

1. Malapit lang ang bahay namin kay, kina Gng. Melanie.

2. Magalang na bata ang anak ni, nina Mang Abner at Aling


Maria.

3. Para sa, Ayon sa ating lahat ang mga biyayang ito.

CO_Q4_FIL 2_ Module 7
4. May pagpupulong daw ang mga kapitan ngayon
ukol sa, ayon sa kaligtasan natin.

5. Kay, Kina Joseph at Shiela ang mga gamit na ito.

Isaisip

Gawain ng magulang/guro: Gabayan ang bata sa pagsagot.


Panuto: Punan ng tamang salita ang mga patlang upang mabuo
ang ang talata. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.
Ang pang-ukol na __________, __________, __________,
__________, __________, __________, __________, ay tumutukoy sa
pinagmulan, patutunguhan, kinaroroonan o kinauukulan ng
kilos o gawa.

Isagawa

Gawain ng magulang/guro: Gabayan ang bata sa pagsagot.


Panuto: Punan mo ng angkop na pang-ukol ang kahon upang
mabuo ang mga pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang
tamang sagot.

1. “Huwag tayong lumabas ng bahay,” sabi


Tatay Rick dahil sa delikadong sakit na Covid-19.

10

CO_Q4_FIL 2_ Module 7
2. kapitbahay natin, ang ating baranggay ay
magbibigay bukas ng bigas, gulay, at prutas.

3. “Huwag tayong mawalan ng pag-asa, manalig lang tayo sa


Diyos,” sabi inay at itay.

4. Ang pagbabalita ng DOH ay kaligtasan ng mga


mamamayan.

5. Si Tatay Erwin ay bumili ng gamot ubo at


sipon.

Tayahin
Gawain ng magulang/guro: Gabayan ang bata sa pagsagot.
Panuto: Piliin mo sa loob ng kahon ang angkop na pang-ukol
upang mabuo ang sumusunod na mga pangungusap.

ni ayon sa nina para sa

kay ukol sa kina

1. Kinain _____ Ana at Ramon ang bagong lutong kamote.

11

CO_Q4_FIL 2_ Module 7
2. Ang laruan ay ibinalik _____ Donna _____ Dina.

3. Para _____ Joy at Maria ang nakatagong mga prutas.

4. Bumili ka ng gamot _____ kanyang Lolo Roy.

5. _____ Gng. Maglalang nila iniabot ang mga tulong.

Karagdagang Gawain

Gawain ng magulang/guro: Gabayan ang bata sa pagsagot.


Panuto: Iguhit sa patlang ang hugis puso kung tama
ang gamit ng sinalungguhitang pang-ukol sa bawat
pangungusap at hugis bilog naman kung mali. Gawin mo
ito sa iyong sagutang papel.

_____1. Magtapon ng basura sa tamang basurahan, sabi ni


Biboy.

_____2. Maglilinis kami ng bahay kina Aling Rosana at Mang


Benny mamaya.

_____3. Kina Tiyo Harold ang walis na nasa labas ng bahay.

_____4. Magdidilig kami ng halaman kay Perla at Trina.

_____5. Ayon sa aking magulang, pagkatapos kumain ay


hugasan ang
mga plato.

12

CO_Q4_FIL 2_ Module 7
Susi sa Pagwawasto

Subukin Balikan Pagyamanin Isagawa

1. B 1. A Gawain 1 1. ni
2. A 2. C 2. Ayon sa
3. A 3. B 1. X 3. nina
4. B 4. C 2. / 4. Para sa
5. C 5. A 3. / 5. Para sa
6. 4. / 6.
5. X

Tayahin Gawain 2
Karagdagang Gawain
1. nina 1. E
2. ni, kay 2. C 1.
3. Kina 3. A
4. para sa 4. B
5. D 2.
5. kay
Gawain 3
3.
Tuklasin 1. Kay
2. nina
1. Ni 4.
3. para sa
2. Ayon sa
4. ukol sa
3. Kay
5. kina 5.
4. Kina
5. Para kay

Isaisip

Kay, kina, ni, nina, ayon sa,

para sa, ukol sa

13

CO_Q4_FIL 2_ Module 7
Sanggunian

A. Mga Aklat

Balaso, Alili M. and Rogador, Marissa C. Wikang Sarili.


(Quezon City: Abiva Publishing House, 2016).

Garcia, Nilda S., Jackelyn F. Aligante, Melany B. Ola, Aida J.


Cruz, Erlinda B. Castro, Virginia C. Cruz, Matilde N.
Padalla, Galcoso C. Alburo, and Estrella C. Cruz.
2013. Ang Bagong Batang Pinoy Filipino 2 Kagamitan ng
Mag-aaral : Rex Book Store Inc.

Julian, Ailene B. C. Pinagyamang Pluma. Wika at Pagbasa para


sa Elementarya. (Quezon CityPhoenix Publishing House
Inc., 2016).

P.O. no.21, s2019. Policy Guides on the Kto12 Basic Education


Program

Pontigon, Harriet O. C. Haraya Pagbasa at Wika. (Sta.


Ana Manila : Innovative Educational Materials, 2019)

B. Hanguang Elektroniko
Final-K-to-12-MELCS-with-CG-Codes.pdf. (n.d.). Retrieved
August 12, 2020, from
https://drive.google.com/file/d/1mVy9HGntydQmosvrBksua
jcXteE7EJHm/view?fbclid=IwAR3fPyTybsC17dkIUfS-
sj7LqrSeYdtU2tADVDRnUuM3zgTQbFwesGsSBj8

14

CO_Q4_FIL 2_ Module 7
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like