You are on page 1of 1

Ako po si Michael Angelo Reyes, nasa hustong gulang, nakatira sa Barangay Bagbaguin,

Meycauayan, Bulacan bilang Freelance Mechanic, ako po ay may sampong taon ng nag
memekaniko ditto po sa Barangay Perez, Meycauayan Bulacan. Ako po ay na-hire ng Koyodex
Trucking noong 2018 bilang taga maintenance ng kanilang trucking. Ang nasabing trucking sa
tuwing bumabiyahe sa malalayong lugar, ito po ay aking iniinspekyon o chine-check up ng
isang beses sa isang linggo. Bali apat na beses sa isang buwan ang nagagawa kong check up sa
kanilang truck.

Bago bumyahe ang nasabing truck ng Koyodex, akin pong chine-check up ang kanilang
tubig sa radiator at engine oil, brake fluid at hangin ng mga gulong, at air brake nito na kung
saan na lumalabas ang weekly routine na aking ginagawa sa tatlong 10 wheeler truck ng
Koyodex.

Kaya po kung magkakaroon po ng mechanical error ang isang truck ng Koyodex sa aking
palagay, wala pong magaling na mekaniko ang makakapagsabi kung kalian masisira ang
nasabing mechanical brake o paglusot ng kanilang preno upang maging sanhi ng nasabing
aksidente sa bawat truck na bumabiyahe ng Koyodex.

Kaya po bilang isang Maintenance Mechanic ng Koyodex Trucking, sa aking palagay,


wala pong kapabayaan na nangyari sa 10 Wheeler truck ng Koyodex.

Ang pag-gawa ko ng salaysay na ito ay bilang report para sa Koyodex Trucking bilang
ako po ay kanilang Maintenance Mechanic. Ang report na ito ay akin pong pinatutunayan na
wala pong kapabayaan sa isa nilang 10 Wheeler truck na nakaaksidente sa Baguio City noong
buwang __________ , taong _________.

Kaya po ang dahilan ng mechanical brake error o paglusot ng preno ay walang


makakapagsabi kung kailan po ito masisira kahit po sabihin natin na ito ay brand new galing sa
Casa. Ang pangyayaring sa aksidente ng isang 10 Wheeler truck ng Koyodex, ang masasabi ko
po dito ay nabibilang na rin po sya sa tinatawag na Act of God. Kaya po ang aksidenteng ito ay
walang makakapagsabi kung kailan po ito magaganap sa mga truck sa kalsada. Maraming
Salamat po

Lubos na gumagalang,
Michael Angelo Reyes
Mechanic

You might also like