You are on page 1of 1

TAWAG NG PAGKAKAISA

Verse 1:
Tayo’y isang katawan
Sa harapan ng Maykapal
Hinubog ng Kanyang palad
Upang maging kagalakan
May isang Diyos na may layunin
At may utos niyang dapat sundin
Magmahalan, magpatawaran
Bunga ng pag-ibig
Diyos ang pinagmulan
Chorus:
Iabot mo ang ‘yong kamay
Kapitbisig sa pagkakaisa
Kung may tampuhan man
O kaya’y may alitan
Tapusin na, limutin na
Tayo’y magkaisa
Bridge:
Pagkat ngayon, ang panahon
Ng pagsasama-sama
Sino ka man
Saan ka man
Di na ito mahalaga

You might also like