You are on page 1of 5

1.

Talambuhay ni Jose Rizal


Si Dr. Jos Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda (Hunyo 19, 1861Disyembre 30, 1896) ay ang pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Ipinanganak si Jos Rizal sa Calamba, Laguna. Sina Saturnina, Paciano, Narcissa, Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad ang kanyang mga kapatid. Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya sa Bian, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila. Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan noong ikadalawa ng Enero 1872. Ayon sa isang salin ng Noli me tangere ni Guzman atbp., sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan. Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Pamantasan ng Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya ang kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong Mayo 5, 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente" (napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa Pransya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan natamo pa ang isang titulo. Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang dalubwika si Rizal na nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas.

6. Mga Babae ni DR. Jose Rizal


Segunda Katigabak - Ang unang pag-ibig ni Rizal. Sa gulang na 16 na taon, pagkaraan ng pagaaral sa Ateneo, nagsimulang umibig si Rizal sa isang dalagang 14 na taong gulang taga-Lipa, Batangas. Ang dalaga ay kaibigan at kasama sa inuupahang bahay ng kapatid ni Rizal na si Olimpia na ang-aaral sa kalehiyo ng La Concordia. Ito ang pag-ibig sa unang pagkikita at ito rin ang kauna-unahang pagkabigo sa pag-ibig ni Rizal sapagkat ang dalaga ay nakatakda ng ikasal sa isang Manuel Cruz.

Leonor Valenzuela - Sa pag-aaral ni Rizal ng medisina ay tumira siya sa bahay ni Donya Concha Leyva. Malapit sa lugar na iyon ang bahay nila Juan at Sanday Valenzuela na may anak na dalaga na si Leonor na kilala sa palayaw na Orang. Si Leonor ay matangkad na babae na kasing-taas ni Rizal. Dahil sa aking taglay na ganda ng dalaga, si Rizal ay humanga. Madalas silang namamasyal ng binata sa kanilang lugar. Niligiwan siya ni Rizal sa pamamagitan ng mga liham na isinulat sa inbisibol na tinta na ginawa niya buhat sa pinaghalong asin at tubig. Mababasa lamang ang anumang nakalagda kung itatapat ang papel sa liwanag ng kandila o lampara. Sila ni Rizal ay naging magkasintahan sa sandaling panahon lamang. Leonor Rivera - sweetheart sa loob ng 11 na taon; ayaw ng ina ni Leonor kay Rizal dahil sa pagiging pilibustero. Consuelo Ortega y Perez- nang umalis si rizal sa pilipinas, nakatagpo niya sa nmadrid si consuelo. bagama't hindi maliwanag kung nagkaroon ng unawaan o umibig si rizal sa babaing ito, ito ay pinaghandugan niya ng isang tula na " sa iyo, Bb. C.O. y P.". sa kanyang tala arawan naman ay isinulat ni xonsuelo ang alaala ng araw na si rizal ay tumigil sa tahanan ng kanyang magulang. ang huling pangungusap na isinulat ni consuelo ay "ang araw na lumipas ay isa sa mga araw na lagi na'y manantili sa aking alaala". O Sei San - Nagsimula ang pag-iibigan nina Rizal at Seiko nang lumipat si Rizal sa Legasyon ng Espanya sa Azabu, distrito ng Tokyo. Nakita ni Rizal ang isang magandang babae na dumaan sa harap ng gate ng Legasyon. Hindi niya alam kung paano niya makikilala ang babae kaya ang ginawa niya ay nagtanong-tanong siya sa mga empleyado at sinabi ng isang hardinerong Hapon na Seiko Usui ang pangalan ng babae.nang sumunod na araw ay hinintay ni Rizal si Seiko, nagpakilala siya dito at tinanggal ang sumbrero. Ito kasi ang naging kaugalian ng mga Aleman. Medyo mahina si Rizal sa Niponggo kay tinutulungan siya ng hardinero na magpakilala. Sinabi ng hardinero na isa siyang manggagamot na galing sa Maynila at bisita ng Legasyon. Humanga si Seko kay Rizal dahil sa pagkamaginoo nito at kahit hindi gaanong marunong ng wikang Niponggo ay pinipilt niya para lang makausap siya kaya ang ginawa ni Seiko ay nagsalita siya ng wikang Pranses at Ingles. Simula noon ay araw-araw na silang nagkikita at tinawag ni Rizal si Seiko na O-Sei-San. Madalas silang mamasyal at sinasabi na ang nagbuklod kina Rizal at Seiko ay ang sining. Nakita rin ni Rizal kay Seiko ang katangian na hinahanap niya sa isang babae mahinhin, maganda, kabigha-bighani, at matalino. Ang nagustuhan naman ni Seiko kay Rizal ay ang pagiging maginoo, may dignidad, matapang, at maraming talento na tao. Bukod sa pagiging magkasintahan ay naging tutor din ni Rizal si Seiko sa wikang Niponggoat gumagabay sa kanya sa pag-oobserba sa mga Village at Shrine sa Tokyo. Pagkaalis ni Rizal naiwang bigo sa pag-ibig si Seiko. Nagluksa siya sa pagkawala ni Rizal. Taong 1897 pagkatapos ng mahatulan si Rizal, nagpakasal siya kay Ginoong Alfred Charlton, isang guro. Ngunit namatay din ito noong Nobyembre 2, 1915. Namatay si Seiko sa edad na 80 noong May 1, Doon na sana titira sa Tokyo si Rizal dahil bibigyan siya ng trabaho ng Legasyon at makakasama niya pa si Seiko subalit mas pinili niya pa rin ang misyon niya sa pagpapalaya sa Pilipinas. Bago umalis si Rizal ay sumulat siya sa diary. Napakaloob dito na hindi niya makakalimutan ang mukha ni Seiko sa kanyang isip at binabanggit niya pa rin ang pangalan nito, ayon din sa kanya ay walang ibang babae na nagmahal at nagsakripisyo sa kanya tulad ni O-Sei-San. Umalis si Rizal na mabigat ang loob, bumalik sa Europa para sa isang misyon at sinakripisyo ang sarili. Gertrude Beckett - kulay asul ang mata. Labing walong taon si 'Gettie' nuon ng humanga sa isang Filipino na nangungupahan sa kanilang paupahan. Pero si rizal ay agad lumisan papuntang

Paris upang pigilan ang nararamdaman kay Gettie, para ipagpatuloy ang kangyang mga Gawain para sa pilipinas, iniwanan niya dito ang Group carving upang tanda ng kanilang sandaling pag iibigan. Nellie Boustead - Palaisip at relihiyosa, palaging pinangingibabaw ang dangal, intelektuwal, at may sariling desisyon. Minamahal ni antonio luna si nelly. Nagkakaroon ng di unawaan si rizal at nelly ukol sa paniniwala ni rizal sa relihiyon dahil sa protestante si nelly.Nang magsabi si rizal kay ginoong boustead ay hindi ito tumutol at ibinigay pa ang kanang suporta.Pinilit ni nelly na maging isang protestante si rizal ngunit di niya ito pinagbigyan, sa bandang huli ay naghiwalay rin silang magkaibigan. Josephine Bracken - May anyong europeang-europea maliban sa taas na limang talampakan at kalahating pulgada lamang. Nagpunta si josephine bracken sa dapitan para ipagamot ang mata ng kanyang ama-amahang si george. sa unang pagkikita ay nabighani na si rizal kay josephine at ganoon din si joephine kay rizal. sa loob ng isang buwang pananatili ni G toufer at josephine ay nagpasya si rizal na pakasalan si josephine. si josephine ay anak ni james bracken, isang sundalong naglilikod bilang private sa 28th regiment of foot at ng isang babaeng intsik. nang mamatay ang tunay na asawa ni james ilang araw matapos isilang si joephine ay ipinarehistro niya ang bata bilang lehitimong anak. ngunit dahil sa di niya kayang alagaan ang bata ay ipinaampon niya ito sa magasawang Taufer. Julia - nakilala ni rizal noong abril 1877.Nakilala sya ni rizal sa ilog dampalit, losbanos, laguna.labing anim na taon si Rizal ng makilala ang dalagita. sa pagkakatayo ni rizal sa may dalampasigan ay napagmasdan niya ang maraming kababaihang nagsisipaggugo ng kanilang mga ulo. isang magandang dalagita ang nakita ni rizal na lumabas mula sa malalagong halaman. ang dalagang narinig ni rizal na nagngangalang julia ay nagsabi sa kanyang lola na nais niyang manghuli ng paru paro bago umuwi ng kanilang bahay. dahil sa narinig ay nagpakitang gilas si rzal sa paghuli sa paru paro ngunit nakawala ang paru paro. sinikap nyang makahuli ng paru paro at ibinigay ito sa dalaga. nagkakilala sila ng dalaga at inihatid ang mag lola sa kanilang bahay sa los banos laguna. subalit tulad ng ibang kabataan, ang paghangang kanyang nadama ay agad na nawala ng makilala ang dalagang taga-lipa, batangas. Bb. L - si binibining L ay higit na mas matanda kaysa kay rizal at pinaniniwalaang guro ni rizal na si Jacinta Ibardo Laza. nakatira si Bb L sa bahay ni Nicolas regalado na kaibigan ni Rizal. madalas dalawin ni rizal si Bb L ngunit ang puso nya ay para kay segeunda katigbak. natigil lang ang pagdalaw nya dito ng pagbawalan siya ng kanyang ama. josephine bracken, a german woman was married to dr. jose rizal...they have a sibling named francisco but unfortunately, that baby died...

7.Paaralan na pinasukan ni Jose Rizal at mga KURSONG kinuha niya


Ateneo Municipal de Manila(now Ateneo de Manila) - nag gradweyt siya na BA degree sobresaliente (outstanding); nagpatuloy upang magkaroon ng land surveyor and assessor's degree University of Sto. Tomas - enrolled in Medicine (ngunit hindi niya napagpatuloy), Philosophy and Letters (sabay sa land surveyor and assessor's degree) Universidad Central de Madrid - Licentiate in Medicine

University of Paris University of Heidelberg - kung saan siya nakakuha ng pangalawang doctorate niya

8.Bakit naging pambansang bayani si DR. Jose Rizal


SIMPLE lang , GINISING Niya ang mga pilipino sa Pagaalipin ng mga kastila. GUmamit siya ng mga akda na kanyang nilikha.. tulad ng nobelang noli me tangere ,el fili..at marami pa...sa pamamagitan nito....nag-alsa ang mga pilipino......sabay ng pagkamatay ni rizal.....at doon na siya ginawang bayani.....

12. Ibig sabihin ng NOLI METANGERE


"huwag mo akong salingin" o "touch me not" na hinango ni rizal sa bibliya. ang 'touch me not' ay ang salitang binitawan ni jesus kay mary magdalene upang hindi siya mabahiran ng kasalanan. ang ibig sabihin ng noli me tangere ay "huwag mo akong salangin"

14. Mga tauhan ng sa NOLI METANGERE at ipakilala ang bawat isa


1. Crisostomo Ibarra - binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego. 2. Elias - piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito. 3. Kapitan Tiyago - mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara. 4. Padre Damaso - isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego; tunay na ama ni Maria Clara. 5. Padre Salvi - kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara. 6. Maria Clara - mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Do a Pia Alba kay Padre Damaso. 7. Pilosopo Tasyo - maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. 8. Sisa - Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit. 9. Basilio at Crispin - magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego. 10. Alperes - matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego 11. Donya Victorina - babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila. 12. Donya Consolacion - napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali. 13. Don Tiburcio de Espada a - isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina. 14. Linares - malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara. 15. Don Filipo - tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin 16. Se or Nol Juan - namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan. 17. Lucas - kapatid ng taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.

18. Tarsilo at Bruno - magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila. 19. Tiya Isabel - hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara. 20. Donya Pia - masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang. 21. Inday, Sinang, Victoria, at Andeng - mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego 22. Kapitan-Heneral - pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagkaekskomunyon si Ibarra. 23. Don Rafael Ibarra - ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Da 24. Don Saturnino - nuno ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias. 25. Mang Pablo - pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias. 26. Kapitan Basilio - ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin; ama ni Sinang 27. Tinyente Guevarra - isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama. 28. Kapitana Maria - tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama. 29. Padre Sibyla - paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra. 30. Albino - dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.

You might also like