You are on page 1of 4

Liham pangangalakal sa Pagsasalamat

1726 Leveriza Pasay, Metro Manila Hunyo 18, 1992 Mahal kong Maritess, Labis akong nagpapasalamat sa ipinadala mong bagong damit noong Magtatapos ako sa Mababang Paaralan. Ang sabi ng nanay ko ay bagay na bagay raw sa akin ang kulay at tela at yari Niyon. Lalo raw akong nagmukhang dalagita. Hustong-husto iyon sa akin. Ang sabi nga ng kapatid ko ay para raw sisnukat. Talagang tuwang-tuwa ako at gandang-ganda sa iyong regalo. Salamat na muli. Nagmamahal, Marilyn

2. Halimbawa ng Liham na Nag-Aaplay ng Trabaho: 509 Gen.Mascardo St.,Little Baguio Lungsod ng San Juan, Metro Manila Ika- 14 ng Oktubre, 2009 Kagalang -galang na Manuel Villar Municipal Mayor Lalawigan ng Bulacan Malolos, Bulacan Kagalang-galang na Mayor: Isang magandang umaga po ang ipinaaabot ko sa inyo. Ako po ay nagtapos ng high school noong nakaraang Marso sa Mount Carmel Academy. Wala na pong pangtustus ang aking mga magulang para sa aking pag-aaral sa kolehiyo. Wala pong trabahong permanente ang aking ama kaya po kami kinakapos sa buhay. Sumulat po ako sa inyo upang mag-aplay ng trabahong kaswal sa inyong tanggapan. Gusto ko po sanang makapag-ipon para sa aking pag-aaral sa kolehiyo. Anuman pong trabaho ang maari nyong ibigay sa akin ay aking pagbubutihan at gagawin ang lahat ng aking makakaya. Maraming salamat po sa anumang tulong na maibibigay ninyo sa akin. Tatanawin kong malaking utang na loob.

Liham ng pangangalakad sa pag tatanong

506 Lakas St. Bacood, Sta. Mesa Ika-10 ng Septyembre, 2010 Ang Dekano Kolehiyo ng Business Administration Pamantasan ng Santo Tomas Ginoo: Katatapos kop o lamang sa haiskul na mag-aaral sa inyong pamantasan. Nais Ko pong magpatala sa Kolehiyo ng Business Administration. Maaari po bang malaman kung Kalian at saan kayo magbibigay ng pagsusulit sa mga bagong magpapatalang mag-aaral? Nais ko rin pong malaman kung anu-ano ang mga kailangang dalhin bago makapagsulit at Gayon din ang halagang ibabayad sa application form. Ipinaaabot kop o ang taos-puso kong pasasalamat. Magalang na sumasainyo, Luz Del Mundo

You might also like