You are on page 1of 6

I.

Rasyunal (Magbitang) Taong 2010 nang simulan ng Unibersidad ng DLSU-D ang programang E-

ZONE sa gusali ng BBA. Ito ay sa kadahilanang nais ng unibersidad na hasain ang mga mag-aaral sa pagsasalita sa Ingles upang mapaghandaan nila ito sa kanilang hinaharap na trabaho. Naglalayon din ang programang ito na mapahusay ang akademikong perpormans ng mga estudyante particular na rin sa paggamit ng salitang Ingles. Ang programang ito ay makapagdudulot ng maraming bentahe sa mga mag-aaral na sakop ng nasabing programa. Ang kanilang tiwala sa sarili ay mahahasa upang magkaroon ng lakas ng loob na makipag sosyalidad sa ibang mga tao. Kabilang din sa bentahe nito ang mapaghusay ang English Proficiency ng bawat mag-aaral ng BBA. At dahil nga dito, ang LLC o ang tinatawag na Language Learning Center ng paaralang DLSU-D ay naglunsad ng isang programang susuporta sa larangan ng pagsasalita sa wikang Ingles. Ito ang tinatawag na E-ZONE o ang English ZONE. Sa kasalukuyan, ang programang ito ay hindi naisusulong ng maayos sa kadahilanang ang mga estudyante ay hindi sumusunod sa nasabing polisiya. Ang programa ay nagmistulang isang papel lamang na nakapaskil sa bawat silid ng BBA sapagkat bihira lang ang mga estudyanteng sumusunod dito. Dahil dito, nais ng mga mananaliksik na isulong at suportahan ang nasabing programa sa gusali ng BBA sa Kolehiyo ng Business Administration sa paaralang DLSU-D. Nais din ng mga mananaliksik na makatulong sa maayos na

pag-iimplementa nito sa pamamagitan ng pagpapaalam sa mga estudyante ng mga bentahe o kabutihang dulot ng programang E-ZONE. Nais ng mga mananaliksik na mabuksan ang isipan ng bawat mag-aaral na ang polisiyang ito ay hidi lamang para sa ikararangal ng unibersidad kundi para rin sa kanilang pamumuhay sa hinaharap na yugto ng kanilang buhay.

II.

Layunin (Martinez) 1. Maisa-isa ang mga suliraning kinaharap sa implementasyon ng

programang E-Zone. 2. Maipaliwanag ang dahilan ng implementasyon ng Programang E-Zone. 3. Maisa-isa ang mga nagging epekto ng E-Zone sa akademikong perpormans ng mga mag-aaral partikular sa paggamit ng Ingles. 4. Maisa-isa ang posibleng paraan upang maisaayos ang implementasyon ng programang E-Zone.

III.

Metolohiya(Calantog) Palarawang Pananaliksik ay isang paraang gagamitin ng mga

mananaliksik pagkat maliit lamang ang sakop ng panahong gugugulin sa pananaliksik. Ang mga mananaliksik ay gagamit rin ng sarbey na pananaliksik upang mapayaman at maparami ang mga datos ukol sa programang E-ZONE. Ang sarbey na pananaliksik ay tumutukoy sa katangian ng sinasaliksik. Bilang parte ng sarbey na pananaliksk, ang mga mananaliksik ay magbibigay ng mga

talatanungan at panayam upang makapangalap ng maraming datos. Higit sa lahat ang kilos saliksik ay gagamitin upang mabigyang ebalwasyon ang mga problemang matutukoy at maimumungkahi ukol sa suliranin. Bibigyan ng angkop na solusyon ang mga problema ukol sa pananaliksik na ito, at kung hindi magtagumpay ay muling susubok ng panibagong solusyon. Mangangalap ang mga mananaliksik ng datos mula sa aklatan ng Emilio Aguinaldo at sa mga libro pang kaugnay sa naturang pananaliksik. Gagawa ng mga talatanungan na gagamitin sa isang interbyu sa puno ng departmento ng Language Learning Center at sa ipamimigay na talatanungan sa 30 magaaral ng Accountancy sa BBA na nasa unang lebel. Aaralin ang mga datos na nakalap mula sa mga sampol at bibigyang ebalwasyon. Tutukuyin ang mga problemang kinahaharap ng programang ito at siyang bibigyan ng solusyon.

IV.

Inaasahang Bunga (Martinez) Matapos ang paglalapat ng metodolohiya para sa isinagawang pag-

aaral,ang mga mananaliksik ay inaasahang makabuo ng mga epektibong paraan na makakatulong sa maayos na pagsasakatuparan ng programang E-Zone upang mahikayat ang mga mag-aaral sa pakikilahok at pagsuporta sa nasabing programa sa pamamagitan ng pagsasalita ng Ingles sa mga itinalagang E-Zone Areas sa West Campus ng DLSU-D. Inaasahan rin na maiiwasang muling kakaharapin ang mga suliraning naranasan sa pag-iimplemanta ng programang E-Zone.

V.

Pangunahing Bibliyograpiya: Sarbey (anyong talatanungan) sa 30 magaaral ng Accountancy sa gusali ng BBA sa unang lebel Panayam sa namamahala sa departamento ng Language Learning Center Mga aklat na kaugnay ng English Proficiency training Mga website patukol sa mga programa ng pag-gamit ng wikang Ingles partikular na ang DLSU-D Portal.

Isang Pag-aaral kaugnay sa Epekto ng E-ZONE sa Akademikong Perpormans ng mga piling Magaaral sa BBA sa TP 2011-2012, Unang Semestre

Isang Konseptong Papel na Iniharap kay Gng. Mailyn Ambion, Propesor sa Fili102

Pamantasang De La Salle Dasmarias Dasmarias City, Cavite Ika-27 ng Enero, 2012 4:30 5:00

BSA14 Calantog, Marjorie S. Magbitang, Redilyn B. Martinez, Tracy Ann C.

You might also like