You are on page 1of 2

1935 Artikulo XIV, Sekyon 3 ng Konstitisyong 1935 - Noong 1935, itinalaga ng konstitusyon ng Pilipinas ang Ingles at Kastila bilang

g mga opisyal na wika, subalit iniatas ang pagpapaunlad at pagaangkin ng isang karaniwang wikang pambansang batay sa isa sa mga buhay na mga katutubong wika. 1936 - Ang Pangulong Quezon ang namuno sa pagkakabuo ng Surian nt Wikang Pambansa na itinatag noong Nobyembre 13, 1936 sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 148. Napagkasunduan nila na piliin ang Tagalog sapagkat; 1. ito ang gamit na wika sa Maynila na siyang sentro ng pamahalaan at kalakalan; 2. 3. 4. nagtataglay ang tagalog ng pinakamayamang talasalitaan at panitikan; madali itong mapag-aralan at maintindihan pinakamalaganap itong ginagamit sa kapuluan

1940 Abril 1, 1940 Binigyang pahintulot ang paglilimbag ng diksyunaryo at isang gramatika ng wikang pambansa Hunyo 19, 1940 pagsisimulang ituro ang wikang pambansa sa lahat ng paaralang bayan at pribado sa bansa. Abril 12, 1940 pagturo ng wikang pambansa ay sinimulan muna sa mataas at paaralang normal Hunyo 7, 1940 Commonwealth blg. 570 ang wikang pambansa ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas mula Hulyo 4, 1940. Marso 26, 1954 - Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon blg. 12. Ito ay tungkol sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon. Napapaloob sa panahong saklaw nito ang pagdiriwang sa kaarawan ni Balagtas (Abril 2). Agosto 13, 1959 Pinalabas ni kalihim Jose E. Romero ng kagawaran ng Edukasyon and Kautusang Pangkagawaran blg. 7, na nagsasaad na kalianman tutukuyin ang wikang pambansa, ang salitang PILIPINO ang siyang gamitin. 1962 Circular no. 29; Benigno Aldana Diploma para sa Pilipino Disyembre 19, 1963 - inilagda ng Pangulong Diosdado Macapagal ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 na nag-aatas na ang Pambansang Awit ng Pilipinas ay dapat awitin sa mga titik lamang nito sa Wikang Pilipino sa alin mang pagkakataon, maging dito o sa ibang bansa man. 1967 - Memorandum Sirkular Blg. 172 letterhead (kagawaran) ay nasa Pilipino

1971 - muling binalikan an paksang pangwikang ito, at may isang kinalabasang kasunduan isang "makapandaigdigang" gawi sa pagkakaroon ng wikang pambansa, na tatawaging Filipino, sa halip na Pilipino. Nang ibalangkasa ang bagong konstitusyon ng 1987, tinawag na Filipino ang wikang pambansa. 1973 - Ang ispeling na Pilipino ay magiging Filipino na isinaad sa Artikulo XV, Seksiyon 3(2) ng Saligang Batas noong 1973 at muling ginamit sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng Saligang Batas noong 1987. Magpahangga ngayon, ang ispeling na Filipino ay nananaig at ginagamit na pantukoy sa kapuwa tao at wika sa Filipinas. 1974 - Kautusang Pangkagawaran Blg. 25, s. 1974 Patakarang Edukasyong Bilinggwal noong 1972. 1978 - ang Kautusan Bilang 22, Serye 1978 na naglalayong ituro ang araling Filipino sa lahat ng kurso sa bansa, itinuturo na ang Filipino sa Unibersidad. 1987 - batay sa nilagdaang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 ng Pangulong Corazon C. Aquino, ang SWP ay pinalitan ng Linangan ng mga Wika ng Pilipinas na pagkaraan ay binuwag naman nang buuin ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas noong 1987. 1987 - KAUTUSANG PANGKAGAWARAN Blg.81,S.1987 (Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino) 1987 (Artikulo 14, seksyon 6 - 7 ng Saligang Batas) - Nagpapatupad ng Wikang Filipino ang Wikang Pambansa.

You might also like