You are on page 1of 1

VI.

Deskripsyon ng Proyekto

Ang Gawain ay naglalayong maipasa ang konstruksyon ng Skyway sa pagitan ng PAGCOR


Building at sa bagong building na nasa proseso pa ng paggawa sa Guimbal National High School.
Tuturuan ang mga guro, estudyante at ang iba pang mga empleyado kung paano gamitin ng tama ang
skway, ang mga emergency tools nito sa tamang paraan at linisin at panatilihing nasa mabuting
kondisyon ang mga kagamitang aesthetic n sa interior nito at exterior nito. Malilinang sa kanila ang
kaalamang prosidyural sa pamamagitan ng masusing paggabay sa tulong na rin ng manwal. Mapapabuti
rin ang paglalakbay at mapapaikli ang oras ng paglalakbay kung matutuloy ang konstruksyon ng
nasabing skyway at higit sa lahat maiiwasan ang posibilidad ng aksidente dahil protektado ang lahat sa
mga enbayronmental na mga suliranin tulad ng matinding pag-ulan at init. Matapos silang masanay sa
pamamagitan ng patnubay ng mga eksperto, tatayain kung handa na sila gamitin ang naitayong Skyway.

Ang pagbubuo ng kasunduan ay isasagawa matapos maging handa ang mga guro, estudyante at
ang iba pang mga empleyado. At para masigurado ang kapakinabangan sa itinayong Skyway,
imomonitor ng Engineer o ang isa sa mga pinagkakatiwalaang tauhan ng Engineer o ng NERD CORP. ang
paggamit ng Skyway.

You might also like