You are on page 1of 17

Ano ang dengue?

Ang dengue ay isang sakit na sanhi ng mikrobyong Dengue virus.

Paano nakukuha ang Dengue?


Ang dengue ay nakukuha sa kagat ng lamok, na tinatawag na Aedes aegypti at Aedes albopictus, na kumagat sa taong may sakit na dengue.

Ang lamok na ito ay :


Nangangagat sa araw Mga babaeng lamok Mababa ang paglipad May mga kulay puti sa pakpak at paa nito Nangingitlog sa bagay o lalagyang naipunan ng malinaw na tubig. Namamahay sa madilim na parte ng loob at paligid ng bahay.

Ano ang mga dapat palatandaan ng Dengue?


Pawalawala ngunit mataas na lagnat na tumatagal ng 3 5 araw

Matinding sakit ng ulo

Pananakit ng kalamnan at kasukasuhan Panghihina

Walang ganang kumain

Rashes na tuldok tuldok at kulay pula

Kasabay ng pagbaba ng lagnat, ay paglitaw ng mapupulang butlig rashes sa ibat ibang parte ng katawan. Maaaring magkaroon ng pagdurugo ng ilong at gilagid o pagsusuka o pagdumi nang maitim.

Paano maiiwasan ang Dengue?

Kalinisan sa Kapaligiran
Itapon ang mga lata, bote at iba pang kalat sa paligid na maaaring pangitlugan ng lamok kapag naipunan ng tubig. Butasan ang mga lumang gulong na ginagamit na pabigat sa bubungan ng bahay. Linisin at kuskusin ang gilid ng mga lalagyan ng tubig minsan sa isang lingo. Ang mga itlog ng lamok na nagging kiti kiti ay kumakapit sa mga gilid nito. Takpang maigi ang mga drum, timba at iba pang ipunan ng tubig upang hindi pamahayan ng kiti kiti.

Pagkokontrol gamit ang Kemikal


Maglagay ng mosquito repellent dapat angkop sa edad at sa balat arawaraw. Gumamit ng katol kapag matutulog sa gabi o araw. Pagpapausok sa bakuran arawaraw. Pagfofogging sa paligid upang palayuin ang mga lamok na may dalang sakit na dengue.

Kasanayan sa Bahay
Gumamit ng kulambo sa pagtulog o lagyan ng screen ang bintana at pinto ng bahay.

Linisin ang alulod ng bahay upng hindi maipunan ng tubig at pamahayan ng kit kiti.

Palitan ang tubig ng plorera minsan sa isang lingo. Takpan ang mga drum o timba na may lamang tubig sa loob ng bahay. Takpan ang toilet bowl pagkatapos gamitin. Maglagay ng ilaw sa loob ng bahay lalo na kung madilim.

Ang mabisa at pangmatagalang pagsugpo ng Dengue ay ang pagpapanatiling malinisin gating kapaligiran. Ang fogging ay panandaliang sagot lamang.

Ano ang dapat gawin sa may Dengue?


Para sa lagnat, punasan ang pasyente ng bimpo na binasa ng tubig gripo para maginhawahan. Huwag painumin ng aspirin. Maaari itong maging sanhi ng pagdurugo. Painumin ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration. Painumin ng Vitamin C upang malabanan ang inpeksyon at lumakas ang resistensya. Kumunsulta sa doctor sa pinakamalapit na health center.

Reference: Department of Health Public Health Department of San Lazaro Hospital Manila Handbook of Common Communicable and Infectious Diseases 3rd Edition of 2010 by Dionesia Mondejar Navales Part 2 Common Communicable Diseases Dengue page 6873

You might also like