You are on page 1of 18

PANG-ABAY

BUMUO NG PANGUNGUSAP

Kahulugan ng Pang-abay
Istruktural na kahulugan : ang
pang-abay ay makikilala dahil
kasama ito ng isang pandiwa,
pang-uri o isa pang pang-abay na
bumubuo ng parirala.
Pansemantikang kahulugan : ito ay
nagbibigay- turing sa pandiwa,
pang-uri o sa iba pang pang-abay.

Halimbawa:
Ang manggang tinda si Maria ay
masyadong
maasim. (pang-uri)
Sadyang malusog ang kanyang
katawan. (pang-uri)
Dahan-dahan siyang pumanik ng
hagdan.(pandiwa)
Talagang mabagal umunlad ang
taong tamad.(pang-abay)

Mga Uri ng Pang-abay :


1. pang-abay
2. pang-abay
3. pang-abay
4. pang-abay
5. pang-abay
6. pang-abay
7. pang-abay
8. pang-abay

na
na
na
na
na
na
na
na

kataga o ingklitik
pamanahon
panlunan
pamaraan
panggaano
pang-agam
panang-ayon
pananggi

Pang-abay na kataga o ingklitik

- mga katagang lagging suusunod


sa unang salita ng kayariang
kinabibilangan.
ba
daw/raw pala man
kasi din/rin
tuloy
muna
kaya naman
nga pa
na
yata
lamang/lang

Halimbawa :
Nailigtas daw ang mga minerong
nabarahan sa minahan.
Alam pala ng kanyang nanay ang
nangyaring sakuna.
Kumain muna sila bago umalis.
Alangan naman yata na sila pa ang
lumapit sa atin.

Pang-abay na Pamanahon
ay nagsasaad kung kailan naganap o
magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.
Mayroon itong tatlong uri: may pananda,
walang pananda, at nagsasaad ng dalas.
May pananda: nang, sa, noon, kung, kapag,
tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang
Halimbawa:
Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?

Tuwing pasko ay nagtitipon silang mag-anak.


Umpisa bukas ay dito ka na manunuluyan

Walang pananda:kahapon, kanina, ngayon,


mamaya, bukas, sandali,atb.
Halimbawa:
Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng
dulang Pilipino.
Ipagdiriwang ngayon ng ating pangulo ang kanyang ika40 na kaarawan.

Nagsasaad ng dalas:araw-araw, tuwing


umaga,taun-taon atb.
Halimbawa:
Tuwing Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng
santakrusan.
Nag-eehersiyo siya tuwing umaga upang mapanatili
ang kanyangkalusugan.

Pang-abay na Panlunan
tumutukoy sa pook na
pinangyarihan, o pangyayarihan ng
kilos sa pandiwa. Karaniwang
ginagamit ang pariralang sa, kay o
kina. Ito ay sumasagot sa tanong
SAAN.
sa ginagamit kapag ang kasunod ay
pangngalang pambalana o panghalip.
kay /kina ginagamit kapag ang kasunod ay
pangngalang pantanging ngalan ng tao.

Halimbawa:
Maraming masasarap na ulam ang
itinitinda sa kantina.
Nagpaluto ako kina Aling Ingga ng
masarap ng mamon para sa iyong
kaarawan.
Tumira siya sa gubat ng libimpitong
taon.

Pang-abay na Pamaraan
naglalarawan kung paano
naganap, nagaganap, o
magaganap ang kilos na
ipinahahayag ng pandiwa.
Ginagamit ang panandang nang o
na/-ng.Ito ay sumasagot satanong
na PAANO.
Halimbawa:
Kinamayan niya ako nang mahigpit.
Bakit siya umalis na umiiyak?

Pang-abay na Panggaano
nagsasaad ng timbang o sukat.
Sumasagot sa tanong na Gaano o
Magkano.
Halimbawa:
Tumaba ako nang limang libra .
Tumagal nang isang oras ang
operasyon.

Pang-abay na Pang-agam
nagbabadya ng kawalan ng katiyakan sa
pagganap sa kilos ng pandiwa. Ginagamit
ang mga pariralang
marahil,siguro,tila,baka,wari,parang, atb.
Halimbawa:
Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa
desisyon ng Sandiganbayan.
Higit sigurong marami ang dadalo ngayon sa
Ateneo Home Coming kaysa nakaraang taon.
Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa
Pilipinas.

Pang-abay na Panang-ayon
nagsasaad ng pagsang-ayon.
Ginagamit dito ang mga salitang
oo,opo,tunay,sadya, talaga,
syempreatb.
Halimbawa:
Oo,asahan mo ang aking tulong.
Talagang mabilis ang pag-unlad ng
bayan.
Sadyang malaki ang ipinagbago mo.

Pang-abay na Pananggi
nag-sasaad ng pagtanggi tulad ng
hindi/di at ayaw.
Halimbawa:
Hindi pa lubusang nagagamot ang
kanser.
Ngunit marami parin ang ayaw tumigil
sa paninigarilyo.

You might also like