You are on page 1of 14

WIKA

Komunikasyon o Kaisipan at Damdamin


Pakikipagtalastasan
Kalipunan ng Simbolo,
Pagsasalita at Pagsulat
Tunog at mga
kaugnay na bantas

Sistema, binubuo ng Lumilikha ng tunog


arbitrayong simbolo Kahulugan ng WIKA
ng mga tunog

Nagkakaugnayan
Nagkakaisa Nagkakaunawaan
KATANGIAN

NG WIKA
1. Ang wika ay masistemang balangkas.
- ay sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas.
Halimbawa: nag-aaral Sarah
mabuti makapasa
eksamin
Si Sarah ay nag-aaral nang mabuti
upang makapasa sa eksamin .
2. Ang wika ay sinasalitang tunog.
-makabuluhan ang wika sapagkat ito ay nagtataglay ng tunog.
Subalit hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng
tunog ay may kahulugan. Tanging sinasalitang tunog lamang na
nagmumula sa tao ang maituturing wika.
3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos.
-mahalaga sa isang nakikipagtalastasan na piliing mabuti at
isaayos ang mga salitang gagamitin upang makapagbigay ito ng
malinaw na mensahe sa kausap.
4. Ang wika ay arbitraryo.
-ang isang taong walang kugnayan sa komunidad ay hindi
matututong magsalita kung papaanong ang mga naninirahan sa
komunidad na iyon ay nagsasalita sapagkat ang esensya ng wika ay
panlipunan.
Halimbawa: Kung ikaw ay nasa Pangasinan, kailangan ang wikang
iyong sinasalita ay ang wikang gamitin sa Pangasinan
upang magkaroon ka ng direktang ugnayan sa lipunang
iyong ginagakawan.
5. Ang wika ay ginagamit.
-ito ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba
pang kasangkapan, kailangang patuloy itong ginagamit.
Ang isang kasangkapang hindi ginagamit ay nawawalan ng
saysay.
6. Ang wika ay nakabatay sa kult
-makikita sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng
mga bansa at pangkat. Ito ang paliwanag kung
bakit may mga kaisipan sa isang wika ang walang
katumbas sa ibang wika.
7. Ang wika ay
nagbabago.
-Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring tumangging
magbago. Ang isang wika ay maaaring nadaragdagan
ng mga bagong bokabularyo.
8. Ang wika ay komunikasyon.
-ang tunay na wika ay wikang sinasalita. Ang wikang
pasulat ay paglalarawan lamang ng wikang sinasalita.
Gamit ito sa pagbuo ng pangungusap. Walang
pangungusap kung walang salita.
9. Ang wika ay makapangyarihan.
-maaaring maging kasangkapan upang labanan ang bagay na
salungat sa wastong pamamalakad at pagtrato sa tao.
Halimbawa:
Uncle Toms Cabin na isinulat ni Stowe
-ang salita, sinulat man o sinabi ay isang lakas na humihigop sa
mundo. Ito ay nagpapatino o nagpapabaliw, bumubuo o
nagwawasak, nagpapakilos o nagpapahinto.
10. Ang wika ay kagila-gilalas.
-bagamat ang pag-aaral ng wika ay isang agham, kayraming salita
pa rin ang kay hirap ipaliwanag.
Halimbawa:

a. May ham nga ba sa hamburger? (beef ang laman nito at hindi ha


b. May itlog nga ba sa gulay na eggplant?
Maraming Salamat!
Mula sa Unang Pangkat

You might also like