You are on page 1of 40

Barangay

Election
2013
POLL
WATCHERS
SINO ANG MAAARING
MAGING POLL WATCHER?
Isang REHISTRADONG BOTANTE ng Barangay
kung saan siya itatalaga bilang Poll Watcher;
May maayos REPUTASYON sa pamayanan;
Marunong BUMASA at SUMULAT sa Wikang
Filipino, Ingles o ng Dayalekto ng lugar kung saan siya
maglilingkod bilang Poll Watcher.
APPOINTMENT
OF OFFICIAL
WATCHER
SINO ANG HINDI MAARING
MAGING POLL WATCHER?
Sinumang nahatulan ng hukuman na lumabag sa batas
Panghalalan (BP 881) o anupamang ibang krimen;
Kamag anak ng Chairman o sinumang miyembro ng
Board of Election Tellers sa lugar kung saan niya
ninanais maglingkod bilang Poll Watcher;
Mga kasalukuyang naka-upong Opisyal ng Barangay o
Barangay Tanod.
SINO ANG MAAARING MAG-TALAGA NG POLL
WATCHER SA PRESINTO/CANVASSING AREA?
Ang Bawat Kandidato sa Halalang Pambarangay ay
maaaring magtalaga ng dalawang (2) Poll Watcher sa
Presinto/Canvassing Area;
Ang Poll Watcher ay maghahalinhinan (serve alternately)
sa pagbabantay ng botohan at bilangan.
Ang mga Citizens Arm na ACCREDITED ng COMELEC
ay maaring magtalaga ng isang (1) Poll Watcher sa
Presinto/Canvassing Area;
Ang mga Civic, Professional, Business, Service, Youth
Organization, ay maari ding magtalaga ng isang (1) Poll
Watcher sa mga Presinto.
ANG MGA KARAPATAN AT GAWAIN
NG ISANG POLL WATCHER
Isumite sa Chairman ng Board of Election Tellers
(BET) ang kanyang SWORN WRITTEN
APPOINTMENT bilang Poll Watcher;
Manatili sa lugar na inilaan para sa mga Poll Watcher
sa loob ng Presinto;
Makita ang ginagawa ng mga BET na patungkol sa
halalan;
Itala ang anumang kanyang makita o marinig;
Kunan ng larawan o litrato ang mga
magaganap sa oras ng botohan at bilangan,
pati ang mga Election Return (ER), tally board
at ballot boxes;

Ipagbigay-alam ang anumang Protesta sa


irregularidad, pag-labag sa batas pang-halalan
ng sinumang tao o miyembro ng BET;
CHALLENGE/
PROTEST
FORM
Maka-kuha ng
patunay ng pag-
protesta mula sa BET,
at ang resolusyon ng
BET sa nasabing
protesta (CE Form No.
35- Certificate of
Challenge / Protest
and Decision of the
Board of Election
Tellers / Special Board
of Elections Tellers);
OATH TO
IDENTIFY A
CHALLENGED
VOTER
OATH OF VOTE
CHALLENGED
FOR
ILLEGAL ACTS
Makita ang balota na binabasa at binibilang ng
Chairman ng BET, pati na ang mga Election Return
(ER) ng HINDI HINAHAWAKAN ang mga ito;
Maka-kuha ng kopya ng CERTIFICATE OF VOTES na
may LAGDA at THUMB MARK ng Chairman at lahat
ng miyembro ng BET.
ANUMANG PAGLABAG SA BATAS PANGHALALAN na
maaaring gawin ng isang MIYEMBRO ng BET ay dapa
I-PROTESTA. Dapat itong itala sa MINUTES.
BOARD OF
ELECTION
TELLERS (BET)
Binubuo ng TATLONG (3) tao, isang CHAIRMAN, at
dalawang MIYEMBRO na pawang mga guro ng
Pampublikong Paaralan;
May MABUTING KARAKTER (Good Moral
Character);
REHISTRADONG BOTANTE;
Marunong bumasa at sumulat sa Wikang INGLES at
FILIPINO;
Hindi pa nahatulan ng pag-labag ng Batas
Panghalalan;
Hindi naka-demanda sa hukuman;
Hindi maaaring mag-lingkod ang
isang tao bilang BET kung:
Siya ay malapit na amag-anak ng isang
KAPWA BET na maglilingkod sa iisang
Presinto;

Malapit na kamag-anak ng
KANDIDATO sa Barangay kung saan
siya maglilingkod bilang BET;
MGA GAWAIN NG BOARD OF
ELECTION TELLERS
Isagawa at pamahalaan ang pag-boto at
pag-bilang ng mga boto sa Presinto;
Maging kinatawan ng Commission on
Elections (COMELEC);
Panatilihin ang kataimikan at kaayusan
sa Presinto;
Mag-bigay sa mga Poll Watcher ng kopya
ng Certificate of Votes kapag ito ay
hiningi;
Gawin at ipatupad ang mga alitutuntunin
at batas pang halalan.
Mag paskil ng kopya ng Talaan ng
Botante (Voters List/PCVL) sa pintuan
ng presinto;
Ayusin ang lahat ng kagamitan
kakailanganin sa pag-boto at pagbi-bilang
ng mga ito.
MGA GAWAIN NG CHAIRMAN
Ipag bigay alam sa lahat kung may mga
Detainee Voters na boboto sa presinto;
Bago magsimula ang botohan, ipakita sa
lahat na walang laman ang ballot box;
Isara ang walang lamang ballot box,
i-PADLOCK ito at ibigay sa Poll Clerk ang
susi nito;
Ipakita sa lahat ang selyadong mga
balota at Voters List at pagkatapos, ay
sirain ang mga selyo nito;
Itala sa MINUTES ang mga SERIAL
NUMBER ng mga balota;
Lagdaan ang LIKOD ng balotang
ibibigay sa botante.
MGA GAWAIN NG POLL CLERK
Ilista ang mga pangalan ng mga botante ayon sa kanilang
pag-pasok sa presinto;
Tawagin o i-anunsiyo ang pangalan ng botante ng tatlong
(3) ulit;
Tignan kung tugma ang Serial Number ng mga balota sa
Voters List;
Mag lagay ng INDELIBLE INK sa KANANG
HINTUTURO ng botante;
Paghiwalayin ang BALOTA at ang COUPON o STUBB nito
at ilagay sa mga tamang lalagyan sa BALLOT BOX.
GAWAIN NG THIRD MEMBER

Siguraduhing nasa Voters List ang PANGALAN ng


botante;
Siguraduhing wala pang INDELIBLE INK ang
HINTUTURO ng botante bago ito pahintulutang
mabigyan ng balota.
Ang isang miyembro ng BOARD OF ELECTION
TELLERS ay maaaring bumoto kung siya ay botante sa
Barangay kung saan siya maglilingkod bilang BET;
Kung sa ibang Barangay naman rehistrado bumoto ang
isang BET, maari siyang umalis upang bumoto kung:

Hindi gaanong maraming bumoboto sa presinto kung


saan siya naglilingkod bilang BET;
Hindi siya mawawala ng mahigit sa dalawampung (20)
minuto.
PAG BOTO
I. Ang ORAS ng pag boto ay mula ika-PITO ng
UMAGA hanggang ika-TATLO ng HAPON;

II. Ang mga botante na may TATLUMPUNG (30)


METRO na dsitansiya mula sa sa pasukan ng
POLLING PLACE ay maari pa ring pumunta sa
kani-kanilang presinto upang bumoto.
PROSESO:
1. Hanapin nang PANGALAN sa VOTERS LIST na naka-
paskil sa labas ng presinto, kasama ng PRECINCT
NUMBER at SEQUENCE NUMBER;
2. Magpa-kilala sa THIRD MEMBER, na siya naming
magbe-beripika sa VOTERS LIST na nasa loob ng
presinto;
3. Patunayan ang pagkaka-kilanlan sa pamamagitan ng
AUTHENTIC DOCUMENTS o VALID ID;
4. Pipirmanah ng CHARIMAN ang LIKOD ng balota bago
ito ibigay sa Botante;
5. Bumoto na gumagamit ng BALOT SECRECY FOLDER.
SPOILED BALLOT
- Balotang may PUNIT, TUPI, SULAT, BURA, TANDA o
MARKA.
Sakaling makakuha ng ganitong Balota:
ISAULI ito sa BET;
Siguraduhing sinulatan ito ng salitang SPOILED
ng CHAIRMAN;
Kumuha ng KAPALIT NA BALOTA mula sa
Chairman;
Kapag makakuha ng PANGALAWANG SPOILED
BALLOT, isauli ito sa BET. Ngunit sa
pagkakataong ito, hindi na maaaring bigyan ng
kapalit na balota ang botante.
6. Pagkatapos sulatan ng mga boto ang balota, lagyan
ito ng iyong THUMB MARK;

7. Magpalagay ng INDELIBLE INK;

8. Siguraduhing maihulog sa tamang lalagyan ang


NAKATUPI mong BALOTA at ang COUPON /
STUBB nito.
TANDAAN:
1. Ang mga Botante ay boboto ayon sa pagkakasunud-
sunod ng kanilang pag dating sa presinto (first
come, first served basis);
2. Hindi dapat pahintulutan ang Poll Watcher sa lugar
na naka reserba para sa pag-boto at lugar kung saan
nagta-trabaho ang mga BET;
3. Hindi dapat makipag-usap ang mga watcher sa mga
botante;
5. Hindi maaaring papasukin sa presinto ang sinumang
may dalang baril, armas, o deadly weapon, maliban na
lang kung may pahintulot mula sa COMELEC, at kung
sila ay BOBOTO.
(Miyembro ng AFP o PNP, armed person belonging to any
extra-legal police agency, special forces, reaction forces,
strike forces, CAFGU, BARANGAY TANOD, security guard,
special policemen);
6. Hindi rin maaaring pumasok ang sinumang Naka-
upong Opisyal ng Barangay (ELECTED or APPOINTED)
maliban na lamang kung sila ay BOBOTO;
7. Dapat iwasan ng mga BET ang magkaroon
ng kaguluhan sa loob ng presinto;

8. Kailangang siguruhing naka-LOCK ang


Ballot Box sa oras ng botohan. Maaari
lamang itong buksan sa oras ng pagbilang
ng mga boto;
BAWAL:
1. Ilabas ang BALOTA o ang BALOT SECRECY
FOLDER sa presinto;
2. Makipag-usap sa kahit na sino sa loob ng
presinto;
3. Bumoto ng hindi ginagamit ang BALOT
SECRECY FOLDER;
4. Ipakita ang balota sa kahit na sino, maliban na
lang sa mga botante na kailangan ng ASSISTOR.
Ang Botanteng Senior Citizen o yung hindi marunong
BUMASA o SUMULAT ay maaaring magpatulong sa isang
ASSISTOR upang maka-boto;
Maaaring maging ASSISTOR ang isang tao kung ito ay
MALAPIT NA KAMAG-ANAK ng Botante;
Kung walang kamag-anak ang botante, maaaring tulungan
ito ng taong lubos nitong PINAGKAKATIWALAAN,
ngunit dapat ay sa IISANG BAHAY o TAHANAN lamang
nakatira ang Botante at ang nasabing Assistor;
Ang isang BOTANTE ay TATLONG (3) ULIT lamang
maaaring gumanap bilang isang ASSISTOR;
Ang BET ay maaari ding maging ASSISTOR ng kahit na
ilang ulit.
5. Mag-BURA ng kahit na anong bahagi na naka-imprenta
sa balota;
6. Mag-lagay ng TANDA (distinguishing mark) sa balota;
7. KOPYAHIN ang nilalaman ng balota o kunan ito ng
PICTURE;
8. PUNITIN ang balota;
9. ISTORBOHIN ang mga gawain ng BET.
PAGBIBILANG
NG MGA BOTO
Itatala ng POLL CLERK sa MINUTES ang
mga sumusunod:

Bilang ng Balotang NAGAMIT at HINDI


NAGAMIT;

COUPON / STUBB, o kung ito ay SPOILED o


MARKED;
MARKED BALLOT
Balotang may TANDA para malaman kung sinong Botante
ang gumamit o bumoto nito. Ito ay ihihiwalay at ilalagay sa
lalagyan ng MARKED BALLOTS.

SOBRA ang mga Balota kung higit na mas marami pa


ito kaysa sa nakatalang botante para sa isang presinto.
Kung ang Balota ay mayroon pang COUPON o
STUBB, ipaghihiwalay lang ito at ilalagay sa TAMANG
LALAGYAN sa BALLOT BOX.
Ang mga SPOILED na Balota ay ihihiwalay at ilalagay
sa lalagyan para sa SPOILED BALLOTS.
PAALALA:
May KARAPATAN ang mga Poll Watcher ang
MAKITA ang Balotang Binabasa ng Chairman para
masiguro na ang TAMANG PANGALAN ang
binabasa nito.
Kung sakaling MALING PANGALAN ang binasa
ng Chairman, MAG PROTESTA. Siguraduhing
ang protesta ay NAKATALA SA MINUTES at ang
Poll Watcher ay mabigyan ng patunay na siya ay
nag-protesta at ang desisyon ng BET (CE Form
No. 35 - Certificate of Challenge / Protest and
Decision of the Board of Election Tellers / Special
Board of Elections Tellers);
Siguraduhing TAMA ang bilang ng mga BOTO na
nakalagay sa ELECTION RETURNS (ER). Ang ER ay
ang magiging BASEHAN ng CANVASSING.

Ang ER ay dapat LAGDAAN ng BET at lagyan ng


kanilang THUMB MARK. Ang mga Poll Watcher ay
dapat ding LUMAGDA at maglagay ng THUMB
MARK sa ER.

Kumuha ng kopya ng CERTIFICATE of VOTES (CoV)


mula sa CHAIRMAN ng BET at ISUMITE ito sa HEAD
QUARTERS.

You might also like