You are on page 1of 11

Pangngalan

Pangngalan
Ito ay mga salitang tumutukoy sa ngalan ng
Uri ng Pangngalan ayon sa Katangian
Pantangi
Ito ay mga pangngalang tumutukoy sa tiyak at
tanging ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop,
gawain, at pangyayari.
Pambalana
Ito ay mga balana o pangkaraniwang ngalan
ng mga bagay, tao, pook,, hayop, at pangyayari.
Ang mga pangngalang ito ay di-tiyak o walang
tinutukoy na tiyak o tangi.
Uri ng Pangngalan ayon sa Konsepto
Tahas
Ito ay mga karaniwang pangngalan na nakikita
at nahahawakan.
Basal
Ito ay mga pangngalang pangkaraniwan na di
nakikita o nahahawakan pero nadarama,
naiisip, nagugunita o napapangarap.
Kasarian ng Pangngalan
Panlalaki
Pangngalang tumutukoy sa ngalan ng lalaki.
Pambabae
Pangngalang tumutukoy sa ngalan ng babae.
Di-tiyak
Pangngalang maaaring tumukoy sa lalaki o babae.
Walang Kasarian
Pangngalang tumutukoy sa bagay na walang
kasarian.
Kailanan ng Pangngalan
Isahan
Gumagamit ng panandang ang, ng, si, ni, kay, at
pamilang na isa.
Dalawahan
Gumagamit ng panlaping makangalan na mag- at
pamilang na dalawa.
Maramihan
Gumagamit ng mga panandang mga, sina, nina,
kina, o iba pang pamilang na higit sa dalawa.
Kayarian ng Pangngalan
Payak
Ito ay binubuo na salitang-ugat lamang.
Maylapi
Ito ay binubuo ng salitang-ugat at ng isa o higit pang
panlapi. Ang mga panlapi ay maaaring nasa unahan,
gitna, o hulihan.
Inuulit
Ito ay pag-uulit ng salitang-ugat o ng una at ikalawang
pantig ng salitang-ugat.
Tambalan
Ito ay dalawang salitang magkaiba ngunit pinag-isa
lamang.
Kaukulan at Gamit ng Pangngalan
Ang pangngalan ay nasa kaukulang PALAGYO
kung ito ay ginamit bilang:
Simuno
Ang pamilya ay kayamanang walang kapalit.
Pangngalang Pamuno
Ang pamilya ko, ang mahal ko ay ipinagmamalaki
ko.
Kaganapang Pansimuno
Ang pamilya ay kayamanang walang kapalit.
Pantawag
Anak, sundin mo ang utos ng iyong mga magulang.
Kaukulan at Gamit ng Pangngalan
PAARI ang pangngalan kung may dalawang
magkasunod na pangngalan sa loob ng
pangungusap at ng huli ay nagsasaad ng
pagmamay-ari.
Ang bahay nina Inay at Itay ay konkreto.
Kaukulan at Gamit ng Pangngalan
Ang pangngalan ay nasa kaukulang PALAYON
kung ito ay ginamit bilang:
Layon ng Pandiwa
Gumawa ng dampa si Tatay para sa amin.
Layon ng Pang-ukol
Naghahanda para sa kamag-anak ang aming
magulang.
Bernabe, Graham Glen
Dela Cruz, Dominic Christian
Ferreria, James Matthew
Silva, Michael
Mateo, Meljoy
Mora, Jane Florie

You might also like