You are on page 1of 88

Ang bagyo(typhoon/

storm) ay malakas na
hanging kumikilos ng
paikot na madalas ay
may kasamang mala-
kas at matagal na
pag-ulan. Ito ay isang
higanteng buhawi.
Sa mata ng bagyo ay
walang hangin subalit
malakas naman ang
hangin sa eyewall nito.
Public Storm Warning
Signal ( PSWS ) ay
mga babalang ipina-
lalabas ng PAGASA
upang malaman kung
gaano kalakas ang
paparating na bagyo,
saan ang lokasyon nito
sa oras na inilabas ang
PSWS, saan ang
tinatayang dadaanan
nito at ano ang mga
paghahandang dapat
o maaari pang maisa-
gawa ng mga komuni-
dad na maaapektuhan
ng pagdaan ng bagyo.
PSW Signal Number 1
hanging may lakas
mula 30-60 kph.
(kilometer per hour)
Inaasahan ang bagyo
sa loob ng 36 oras.
PSW Signal Number 2
hanging may lakas
mula 61-100 kph.
Inaasahan ang bagyo
sa loob ng 24 oras.
PSW Signal Number 3
hanging may lakas
mula 100-185 kph.
Maaasahan ang
pagdating ng bagyo sa
loob ng 18 oras.
PSW Signal Number 4
Napakalakas na
hanging hihigit sa 185
kph at maaasahan sa
loob ng 12 oras.
Mga Dapat Gawin
Bago ang Bagyo
1. Ihanda ang radyo,
flashlight at ekstrang
baterya.
2. Maghanda ng mga
pang-emergency na
pagkaing hindi agad
nasisira (katulad ng de-
lata at biscuit),
lalagyan ng tubig, first-
aid kit o gamit at
gamot na pang-unang
lunas , at mga plastik
na supot.
3. Tiyaking mabuti na
makakayanan ng
bubong at mga
bintana ng bahay ang
malakas na ihip ng
hangin ( para sa
kabahayan sa
maralitang komunidad,
tiyakin din na kakaya-
nin ng haligi at
dingding ang lakas ng
hangin sa pamama-
gitan ng pagtatali at
pagpapako nang
maayos sa mga ito.
4. Putulin ang mahaha-
bang sanga ng mga
punongkahoy na
malapit sa bahay.
5. Makinig sa balita
ukol sa kalagayan ng
bagyo sa inyong lugar.
6. Lumikas sa mataas
at ligtas na lugar gaya
ng evacuation center
kung nakatira sa
tabing-dagat.
7. Lumikas sa ligtas na
lugar kung ang bahay
ay gawa sa mahinang
materyales gaya ng
pawid, kawayan at
kahoy.
Mga Dapat Gawin
Habang may Bagyo
1. Ugaliing makinig sa
radyo o manood ng
T.V. para sa regular na
anunsiyo o babala
tungkol sa kalagayan
ng bagyong papara-
ting o kaya naman ay
makibalita sa mga
kapitbahay.
2. Siguraduhing may
mga gamit pang-
emergency na nakala-
gay sa lalagyang hindi
nababasa.
3. Punuin ang lalagyan
ng tubig, ilagay sa
plastik ang mga
ekstrang damit , mga
de-lata at kandila,
posporo, baterya at iba
pang mahahalagang
gamit.
4. Mag-ingat sa mata
ng bagyo. Ito ang
biglang pagtigil ng
hangin at ulan at
kalmado ang paligid
sa isang lugar. Hudyat
ito na pagkaraan ng
halos 2 oras ay babalik
ang mas malakas na
hangin at ulan.
5. Manatili sa loob ng
bahay hanggang
matapos ang bagyo.
Mga Dapat Gawin
Pagkatapos ng Bagyo
1. Makinig sa radyo ng
balita tungkol sa mga
lugar na apektado pa
ng bagyo.
2. Tiyaking ligtas ang
tirahan bago bumalik
mula sa evacuation
center.
Pagguho ng lupa o
landslide nagaganap
ito sa pagbagsak ng
lupa, putik o mga
malalaking bato dahil
sa pagiging mabuway
ng burol o bundok.
Karaniwan itong idi-
nudulot ng malakas o
tuluy-tuloy na pag-ulan
o di kaya naman ay
paglindol.
Nagiging dahilan din o
nakakapagpalala ng
landslide ang pagmi-
mina , paggawa ng kal-
sada at pagputol ng
mga puno sa kagu-
batan.
Mga Dapat Tandaan
kapag may Pagguho
ng lupa o Landslide
1. Ang landslide ay
walang babala. Sa
mga pagguhong sanhi
ng paglindol, ang lin-
dol mismo o mga
aftershocks nito ang
magsisilbing babala.
2. Iwasan ang mga
lugar na mapanganib
sa pagguho ng lupa.
Iwasang magtayo ng
anumang istruktura sa
mga lugar na ito.
3. Magbuo ng sistema
ng babala sa komuni-
dad para sa lindol at
mga dulot nitong
panganib katulad ng
pagguho ng lupa.
4. Magbuo ng
Evacuation Plan para
sa mga lugar na may
banta ng panganib.
Tiyaking makapag-
tukoy ng mga ligtas na
relocation sites.
5. Magtayo ng mga
warning stations at
palagian itong banta-
yan upang makapag-
bigay ng babala kung
kinakailangan.
6. Magpatulong sa
mga rescuers kung
may nangangailangan
ng tulong sa gumu-
hong lugar.
Ang baha ay labis na
pag-apaw ng tubig o
isang paglawak ng
tubig na natatakpan
ang lupa. Sanhi ito ng
ulang bumubugso.
Mga Dapat Gawin
Bago ang Pagbaha
1. Maghanda ng
emergency kit na may
laman na pagkain,
flashlight, radyong de
baterya, kapote at
mga damit, gamot.
2. Alamin ang antas na
makaranas ng pag-
baha sa inyong lugar.
3. Makinig sa balita
ukol sa pagbaha sa
inyong lugar.
Mga Dapat Gawin
Sa Panahon ng
Pagbaha
1. Makinig sa radyo ng
balita tungkol sa kala-
gayan ng pagbaha sa
inyong lugar.
2. Iwasan ang mga
lugar na may tubig-
baha lalo na kung
hindi nakasisiguro sa
lalim nito. Huwag
lumusong o tumawid
sa mga tubig na hindi
alam ang lalim, gaya
ng ilog at sapa.
3. Kung may dalang
sasakyan at inabot ng
baha, huwag piliting
tawirin ang baha lalo
na kung malakas ang
agos nito at hindi
matantiya ang lalim.
4. Huwag payagang
maglaro ang mga
bata sa baha. Huwag
languyin o tawirin ng
bangka ang mga
binahang ilog.
5. Siguraduhing lutung-
luto ang mga pagkain
at iwasang marumihan
ang mga tirang
pagkain.
6. Pakuluan ang tubig
bago ito inumin.
Mga Dapat Gawin
Pagkatapos ng Baha
1. Gumamit ng flash-
light kapag muling pa-
pasukin ang binahang
bahay.
2. Maging alerto sa
mga bagay na
maaaring pagsimulan
ng sunog.
3. Tiyaking malinis at
hindi narumihan ng
tubig-baha ang mga
pagkain at inumin.
4. Iulat sa mga kinauu-
kulan ang mga nasi-
rang pasilidad gaya
ng poste at kawad ng
kuryente, tubo ng tubig
at iba pa.
5.Siguraduhing nasiya-
sat nang mabuti ng
isang marunong sa
kuryente ang switch ng
kuryenteng nabasa at
lahat ng gamit na de-
kuryente bago gami-
ting muli ang mga ito.
Mga Dapat Gawin
Kapag may Lindol
1. Kung nasa loob ng
isang matibay na
gusali, manatili sa loob.
2. Magtago sa ilalim ng
matibay na mesa.
3. Lumayo sa mga
poste ng kuryente,
pader at iba pang
istraktura na maaaring
bumagsak o matumba.
4. Huwag manatili sa
mga gusaling may
mga salaming maba-
basag.
5. Kung nagmama-
neho, itabi at ihinto ang
sasakyan.
6. Kapag nakaramdam
ng pagyanig, pumunta
sa ilalim ng matibay na
mesa at hawakan ang
paa nito. ( Drop. Cover.
Hold. )
7. Kung walang mesa o
desk, maupo sa ding-
ding na malayo sa
mga bagay na maaa-
ring bumagsak sa iyo,
malayo sa mga bin-
tana, lagayan ng aklat
o matataas at mabi-
bigat na kagamitan.
Mga Dapat Gawin
Pagkatapos ng Lindol
1. I-check ang sarili
kung may sugat o
injury.
2. Asahan pa rin ang
aftershocks. Magbilang
hanggang 60 bago
gumalaw. Pabayaang
mahulog ang ano
mang kagamitan.
3. Hanapin at tulungan
ang ibang tao sa
inyong lugar.
4. Dahan-dahang
lumabas. Gumamit ng
hagdan sa halip na
elevator.
5. Pumunta sa ligtas na
lugar.
Mga Paghahanda
Kapag may Lindol
1. Alamin ang ligtas na
lugar ( sa ilalim ng
matibay na mesa o
desk).
2. Pag-aralan kung
paano ang pagsasara
ng mga kagamitan
gaya ng LPG, tubig at
kuryente.
3. Gumawa ng emer-
gency plan ng inyong
pamilya kasama ang
evacuation routes.
4. Planuhin at sanayin
ang evacuation plans
dalawang beses sa
isang taon.
5. Maghanda ng mga
emergency kit na may
kasamang gamot,
kumot, flashlights,
radyo, baterya, first aid,
pagkain at tubig na
tatagal sa loob ng 72
oras.

You might also like