You are on page 1of 29

ALBUM

Kalipunan nga mga Katutubong Panitikang PilipinO


Talaan ng Nilalaman Pahina
1. Karunungang bayan
a. Sawikain 3
b. Salawikain 5
c. Bugtong 6
d. Palaisipan 7
e. Kawikaan 9
f. Pamahiin 10
g. Bulong 12

2. Haiku 13
3. Tanaga 13
4. Dalit 13
5. Epiko 14
6. Alamat 21
7. Kwentong - bayan 26

2
1. Karunungang-bayan
a.Sawikain

1.alilang-kanin - utusang walang batad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.
Halimbawa:
"Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa katulong natin. Alam naman ninyo na siya ay alilang-kanin lang."

2. anak-dalita - mahirap
Halimbawa:
Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita.

3. balitang-kutsero- balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan.


Halimbawa:
Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa mga balitang-kutsero.

4.balik-harap - mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.


Halimbawa:
Mag-ingat sa mga taong balik-harap. Sila'y hindi magiging mabuting kaibigan.

5.Bantay-salakay- taong nagbabait-baitan


Halimbawa:
Sa alinmang uri ng samahan, may mga taong bantay-salakay.

3
1. Karunungang-bayan
a.Sawikain
6.basaangpapel- bistado na
Halimbawa:
Huwag ka nang magsinungaling pa. Basa na ang papel mo sa ating prinsipal na si Ginang Matutina.

7.buwayasakatihan- ususera, nagpapautang na malaki ang tubo


Halimbawa:
Maging masinop ka sa buhay, mahirap na ang magipit. Alam mo bang maraming buwaya sa katihan na lalong magpapahirap
kaysa makatulong sa iyo?

8. bukalsaloob- taos puso tapat


Halimbawa:
Bukal sa loob ang anumang tulong na inihahandog ko sa mga nangangailangan.

9. itagasabato- tandaan
Halimbawa:
Ang masasamang bagay na ginawa mo sa itong kapwa , gaano man kaliit, ay muling babalik sa iyo sa ibang paraan, itaga mo
sa bato.

10.itimnatupa- masamang anak


Halimbawa:
Sa isang tahanan may pagkakataong isa o dalawang anak ang nagiging itim na tupa.

4
1. Karunungang-bayan
b.Salawikain

1. Matabang man ang paninda, matamis naman ang anyaya

2. Kapag tunay ang anyaya, sinasamahan ng hila

3. Pagsasama ng tapat, pagsasama ng maluwat

6. Ang maniwala sa sabi-sabi'y walang bait sa sarili


4. Ang may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan

7. Ang tao na walang pilak, parang ibong walang pakpak


5. Gaano man ang iyon lakas, daig ka ng munting lagnat

8. Ang hindi tumupad sa sinabi, walang pagpapahalaga sa


sarili

9.Di lahat ng kapaitan ay tanda ng kasamaan.

10.Pulutin ang mabuti, ang masama ay iwaksi.

5
1. Karunungang-bayan
c.Bugtong

1.Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari. 6.Butot balat na malapad, kay galing kung lumipad.
Sagot:paruparo Sagot:saraggola

2.Sa maling kalabit, may buhay na kapalit. 7.Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.
Sagot:baril Sagot:ballpenoPluma

3.Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang 8.Nagbibigay na, sinasakal pa.
sinabi. Sagot:bote
Sagot:bayongobasket
9.May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
4.Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup- Sagot:sandok
salop.
Sagot:batya 10.Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing.
Sagot:kampanaobatingaw
5.Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
Sagot:kamiseta

6
1. Karunungang-bayan
d.Palaisipan
1.Isangbutylnapalay,sikipsabuongbahay.
Sagot:liwanag

2.Dalaakoniya,dalakosiya.
Sagot: sapatos

3.Isangbalongmalalim,punongpatalm.
Sagot: bibig

4.Matapangakosodalawa,duwagakosaisa
Sagot:kawayangtulay

5.May sampung aso sa itaas ng building, may nakita silang pusa sa ibaba, tumalonsila sa building. ilan ang natira?
Sagot: sampu pa rin, tumalonlang naman sila eh hindi naman napahulog

7
1. Karunungang-bayan
d.Palaisipan
6.Ako ay nasa gitna ng dagat, nasa huli ng daigdig, at nasa unahan ng globo!
Sagot: letrang 'G'

7. Sa umaga ay apat ang paa. Sa tanghali ay dalawa lang. Sa gabi ay tatlo. Ano ako?
Sagot: tao

8. Si Mario ay isa sa limang magkakapatid. Ang mga pangalan nila, umpisa sa panganay ay sina Enero, Pebrero, Marso, Abril
at ___________. Ano ang pangalan ng bunso sa magkakapatid?
Sagot: Mario

9. Kung ang gumagapang sa aso ay pulgas, sa damo ay ahas, sa ulo ng tao ay kuto, ano naman ang gumagapang sa kabayo?
Sagot: Plantsa

10.May sampung na ibon ang nakadapo sa isang maliit na sanga ng puno. Limang maya, dalawang pipit at dalawang kuwago at
ang isa ay uwak. Binato ni Bato ang sanga. Tinamaan at nalaglag ang uwak. Ilang maya ang naiwan sa sanga?
Sagot: 5

8
1. Karunungang-bayan
e.Kawikaan
1.Kunganoangpunosiyaangbunga.

2.Kungmaikliangkumot,matutongmamaluktot.

3.Angtaonggipitsapatalimkumakapit.

4.Kunganongitinanim,siyangaanihin.

5.NasaDiyosangawa,nasataoanggawa.

6.Angbulaangsaksiaytiyaknamapaparusahan,atangsinungalingaywalaringtatakbuhan.

7.Maramianglumalapitsataongmabait,atsataongbuks-palad,lahataymalapit.

8.Kungangmahirapaytinatalikuranngmismongkapatid,walanaitongmagigingkaibigan,kaninumanlumapit.

9.Angnagsisikapmatuto,sasariliaynagmamahal,angnagpapahalagasakarununganaymagtatagumpay.

10.Angbulaangsaksiaytiyaknamapaparusahan,atangsinungalingaywalaringtatakbuhan.

9
1. Karunungang-bayan
f.Pamahiin

1. Kung nagkita kayong magkaibigan habang naglalakad sa tulay, iwasang magsabihan ng goodbye bago maghiwalay upang
sigurado ulit kayong magkikita.

2. Kung nangangati ang kanang palad, ang ibig sabihin ay may darating na pera, ngunit kung kakamutin mo ito, hindi matutuloy
ang pagdating pera.

3. Kung ang nangangati ang kaliwang palad, may pagkakagastusan ka. Kung mangati, kamutin ito para hindi matuloy ang
paggasta.

4. Kung aksidenteng nahulog ang ginagamit na gunting, nagtataksil ang iyong asawa/partner.

5. Bad luck ang makakamtan sa maghapon kung magpapatong ng sapatos sa mesa.

10
1. Karunungang-bayan
f.Pamahiin

6. Ang bagong kasal na misis ay magtahi/magdikit ng swans feather sa unan ni Mister upang maging tapat siya palagi.

7. Hindi sinusuwerte ang bahay na ang front door ay hindi nakaharap sa kalye.

8. Kapag kumakain ng isang buong isda, umpisahang kainin ay bahagi ng bundot patungo sa ulo upang maging pasulong ang
takbo ng iyong buhay.

9-. Isa pang tip kapag kumakain ng isang buong isda. Para laging suwertehin: Halimbawa at ubos na ang laman ng nasa ibabaw,
huwag mo itong babaliktarin. Tanggalin ang malaking tinik, saka kainin ang natitirang laman.

10. Bago matulog ay usalin ang mga sumusunod upang layuan ka ng evil spirit at manatiling maganda ang kalusugan: Matthew,
Mark, Luke and John, Bless the bed that I lie on.

11
1. Karunungang-bayan
g.Bulong

1."Huwag magalit, kaibigan, 6. Lumayo kayo, umalis kayo, at baka mabangga kayo
aming pinuputol lamang
ang sa amiy napagutusan" 7. Huwang kayong maiinggit, nang hindi kayo magipit

2."Dagang malaki, dagang maliit, 8. Pagpalain ka nawa.


ayto ang ngipin kong sira na't pangit.
sana ay bigyan mo ng kapalit 9. Tabi, tabi po, ingkong.

3.Nagnakaw ka ng bigas ko, 10. Makikiraan po.


Umulwa sana mata mo,
mamaga ang katawan mo,
patayin ka ng mga anito"

4. Ingat lagi.

5. Tabi tabi po apo, alisin mo po ang sakit ng pamilya ko

12
2. Haiku 3. Tanaga 4. Dalit

f.LAHATNGORAS a.Ang katoto kapag tunay a.Isdaakonggagasapsap,


a.BALATKAYO
Ang kaibigan kong hindi ngiti ang pang-alay Gagataliptipkalapad,
May kaibigan,
maaasahan kundi isang katapatan Kayanakikipagpusag,
Nasa tabi mo lamang,
Sa kagipitan. ng mataus na pagdamay. Angkalaguyoyapahap.
Kung kasayahan.

b.TUNAY g.HUWAGBALASUBAS b.Palay siyang matino,


Tunay na diwa, Dapat bayaran, Nang humangiy yumuko; b.SaDiyosnatinialay
Nitong pakikisama, Utang sa kaibigan, Ngunit muling tumayo Kaluluwangnamatay;
Ay nasa digma. Wag kalimutan. Nagkabunga ng ginto Patawaritkaawaan
Sanagawangkasalanan.
c.ILIGTAS h.HUWAGITAGO
Maging tapat ka, c.Wala iyan sa pabalat
Ililigtas ko, at sa puso nakatatak,
Mabihag man ng mundo, Sabihin ang problema
Huwag mangamba. nadaramat nalalasap
Aking katoto. c.Nag-aral siyang pilit Nang karangala'y
ang pag-ibig na matapat. makamit. Buong buhays'yang nagtiis.
d.PINAKA i.INOSENTE Makapagtapos ang nais.Ang pera niya'y
Nagtampong kalikasan d.Kabibi, ano ka ba? tinipid, Sa guro ay disumipsip. Markang
Pinakatunay,
Sa kurakot ng bayan May perlas, maganda ka; mataas, nakamit: Tagumpay nga ang
Na kaibigang taglay,
Ang walang kasalanan Kung idiit sa taynga, kapalit.
Ang Poong Buhay!
Ang pinaghigantihan. Nagbubunitunghininga!

e.PILIIN
j.TAPATDAPAT e.Alipatong lumapag
Ang payo ko lang
Kung maghahanap Sa lupa nagkabitak,
Makipagkaibigan
Kaibigang kausap Sa kahoy nalugayak,
Sa maiinam.
Dapat ay tapat. Sa puso naglagablab 13
5. Epiko
a.Maragtas(EpikongBisayas)
Ang epikong Maragtas ay kaysayan ng sampung magigiting, matatapang at mararangal na datu. Ang kasaysayan ng kanilang
paglalakbay mula Borneo patungo sa pulo ng Panay ay buong kasiyahan at pagmamamalaking isinalaysay ng mga taga-Panay.

Ayon sa ilang ulat at pananaliksik na pinagtahi-tahi at pinagdugtung-dugtong, ganito ang mga pangyayari:

Ang Borneo noon ay nasa pamumuno ng isang malupit at masamang sultan na si Sultan Makatunao. Kinamkam niya ang lahat
ng yaman ng nasasakupan. Kanya ring pinupugayan ng dangal ang mga babae, pati ang mga asawa at anak na dalaga ng mga
datu na nasa ilalim niya.

Isang araw, si Pabulanan, ang asawa ni Datu Paiborong, ang nais halayin at angkinin ng masamang sultan. Nalaman ni Datu
Paiborong ang tangka ni Sultan Makatunao. Nagbalak ang magigiting na datu na manlaban kay sultan Makatunao. Nag-usap-
usap silang palihim. Naisipan sin nilang humingi ng tulong kay Datu Sumakwel.

Si Sumakwel ay mabait, magalang at matalino. Alam niya ang kasaysayan ng maraming bansa at marami siyang alam kung
tungkol sa paglalayag. Dinalaw ni Datu Paiborong at ni Datu Bangkaya si Sumakwel. Ipinagtapat ng dalawa ang paglaban na
nais nilang gawin. Ayaw ni Sumakwel sa balak na paglaban.

Pinuntahan ni Sumakwel si Datu Puti. Si Datu Puti ay punong ministro ni Makatunao. Sinabi ni Sumakwel ang suliranin ng mga
datu at ang balak na paglaban. Ipinasiya nina Sumakwel at Datu Puti ang palihim na pag-alis nilang sampung datu sa Borneo.
Hindi nila magagapi si Makatunao. Maraming dugo ang dadanak at marami ang mamamatay. Ayaw ni Datu Puti na mangyari
ang ganoon. Iiwan nila ang kalupitan ni Sultan Makatunao at hahanap sila ng bagong lupain na maaaring pamuhayan nila
nang malaya at maunlad. Sila'y mararangal na datu na mapagmahal sa kalayaan.

14
5. Epiko
a.Maragtas(EpikongBisayas)

Nagpulong nang palihim ang sampung datu. Sila'y tatakas sa Borneo. Palihim silang naghanda ng sampung malalaking
bangka, na ang tawag ay biniday o barangay. Naghanda sila ng maraming pagkain na kakailanganin nila sa malayong
paglalakbay. Hindi lamang pagkain ang kanilang dadalhin kundi pati ang mga buto at binhi ng halamang kanilang itatanim sa
daratnan nilang lupain. Madalas ang pag-uusap ni Sumakwel at ni Datu Puti. Batid ni Sumakwel ang malaking pananagutan
niya sa gagawin nilang paghanap ng bagong lupain. Silang dalawa ni Datu Puti ang itinuturing na puno, ang mga datung
hahanap ng malayang lupain.

Isang hatinggabi, lulan sa kanilang mga biniday o barangay, pumalaot ng dagat ang sampung datu kasama ang kanilang
asawa at mga anak at buong pamilya pati mga katulong. Sa sampung matatapang na datu, anim ang may asawa at apat ang
binata. Si Sumakwel ay bagong kasal kay Kapinangan, si Datu Bangkaya ay kasal kay Katorong na kapatid ni Sumakwel. Ang
mag-asawang si Datu Paiborong at Pabulanan, si Datu Domangsol at ang asawang si Kabiling, ang mag-asawang si Datu
Padihinog at Ribongsapaw, Si Datu Puti at ang kanyang asawang si Pinampangan. Ang apat na binatang datu ay sina
Domingsel, Balensuela, Dumalogdog at Lubay.

Ang mga tag-Borneo ay kilala sa tawag na Bisya o Bisaya. Malakas ang loob nila na pumalaot sa dagat pagkat batid nila ang
pagiging bihasa ni Datu Puti at ni Sumakwel sa paglalayag. Nakita nang minsan ni Sumakwel ang isang pulo makalagpas ang
pulo ng Palawan. Alam niya na ang naninirahan dito ay mga Ati, na pawang mababait at namumuhay nang tahimik. Alam din
niya kung gaano kayaman ang pulo.

Nasa unahan ang barangay ni Datu Puti. Makaraan ang ilang araw at gabi nilang paglalakbay, narating nila ang pulo ng Panay.
Ang matandang pangalan nito ay Aninipay.

15
5. Epiko
a.Maragtas(EpikongBisayas)
Bumaba si Datu Puti at naglakad-lakad. Nakita niya ang isang Ati. Siya ay katutubo sa pulong oyon. Pandak, maitim, kulot ang
buhok at sapad ang ilong. Sa tulong ng kasama ni Datu Puti na marunong ng wikain ng katutubo ay itinanong niya kung sino
ang pinuno sa pulong iyon at kung saan ito nakatira. Ipinabalita ni Datu Puti kay Marikudo na silang mga Bisaya mula sa
Borneo ay nais makipagkaibigan.

Si Marikudo ay siyang hari ng Aninipay. Siya ay mabuting pinuno. Ang lahat sa pulo ay masaya, masagana at matahimik na
namumuhay. Walang magnanakaw. Ang lahat ay masipag na gumagawa. Kilala rin sila sa pagiging matapat at matulungin sa
kapwa.

Dumating ang takdang araw ng pagkikta ng mga Ati sa pamumuno ni Marikudo at ng mga Bisaya sa pamumuno ni Datu Puti.
May isang malaking sapad na bato sa baybay dagat. Ito ang kapulungan ng mga Ati. Ito ang Embidayan. Dito tinanggap ni
Marikudo ang mga panauhin. Nakita niya na mabait at magalang ang mga dumating. Ipinaliwanag ni Datu Puti ang kanilang
layong makipanirahan sa pulo ng Aninipay. Nais nilang bilhin ang lupain. Sinabi ni Marikudo na tatawag siya ng pulong, ang
kanyang mga tauhan at saka nila pagpapasyahan kung papayagan nilang makipanirahan ang mga dumating na Bisaya.

Muling nagpulong ang mga Ati at mga Bisaya sa Embidayan. Nagpahanda si Marikudo ng maraming pagkaing pagsasaluhan
ng mga Ati at mga Bisaya. Dumating mula sa Look ng Sinogbuhan ang mga Bisaya lulan ng sampung barangay. Nakaupo na sa
Embidayan si Marikudo kasama ang kanyang mga tauhan. Katabi ni Marikudo ang kanyang asawa na si Maniwantiwan. Nakita
ng mga Ati ang maraming handog ng mga Bisaya. Ang mga lalaking Ati ay binigyan ng mga Bisaya ng itak, kampit at insenso.
Ang mga babaeng Ati ay binigyan naman ng kuwintas, panyo at suklay. Ang lahat ay nasiyahan. Nagpakita ng maramihang
pagsayaw ang mga Ati. Tumugtog ang Bisaya sa kanilang solibaw, plota, at tambol habang ang mga lalaki naman ay
nagsayaw pandigma, ang sinurog.

16
5. Epiko
a.Maragtas(EpikongBisayas)
Nag-usap sina Marikudo at Datu Puti. Ipinakuha ni Datu Puti ang isang gintong salakot at gintong batya mula sa kanilang
barangay. Ibinigay niya ito kay Marikudo. Nakita ni Maniwantiwan ang mahabang-mahabang kuwintas ni Pinampangan.
Ito'y kuwintas na lantay na ginto. Ibig ni Maniwantiwan ang ganoon ding kuwintas. Pinigil ni Maniwantiwan ang bilihan,
kung hindi siya magkakaroon ng kuwintas. Madaling ibinigay ni Pinampangan ang kuwintas niya kay Maniwantiwan.
Itinanong ni Datu Puti kung gaano kalaki ang pulo. Sinabi ni Marikudo, na kung lalakad sa baybay dagat ng pulo simula sa
buwang kiling (Abril o buwan ng pagtatanim) ay makababalik siya sa dating pook pagsapit ng buwan ng bagyo-bagyo
(Oktubre o buwan ng pag-aani).

Ang lupang kapatagan ay ibinigay ng mga Ati sa mga Bisaya. Ibinigay rin nila ang kanilang mga bahay. Ang mga Ati ay lumipat
ng paninirahan sa bundok.

Madaling isinaayos ni Datu Puti ang mga Bisaya. Si Datu Bangkaya kasama ang kanyang asawa na si Katurong at anak na si
Balinganga at kanilang mga tauhan at katulong ay tumira sa Aklan. Sumunod na inihatid ni Datu Puti sina Datu Paiborong at
asawang si Pabulanon at ang kanyang dalawang anak na si Ilehay at si Ilohay. May mga tauhan ding kasama si Datu Paiborong
na kakatulungin niya sa pagtatanim ng mga buto at binhi na iiwan ni Datu Puti at Datu Sumakwel. Sina Lubay, Dumalogdog,
Dumangsol at Padahinog ay kasama ni Sumakwel. Sila ay sa Malandog naman maninirahan. Nagpaalam si Datu Puti kay
Sumakwel. Kanyang pinagbilinan si Sumakwel na pamunuang mahusay ang mga Bisaya. Nag-aalala si Datu Puti tungkol sa
kalagayan ng iba pang Bisaya sa Borneo sa ilalim ng pamumuno ng malupit na si Makatunao.

Matapos magpaalam kay Sumakwel, umalis na ang tatlong barangay, kay Datu Puti ang isa, at ang dalawa pa ay sa dalawang
binatang datu na sina Datu Domingsel at Datu Balensuela. Narating nila ang pulo ng Luzon. Dumaong ang tatlong barangay
sa Look ng Balayan. Ipinasya ng dalawang datu na dito na sa Taal manirahan kasama ang mga Taga-ilog. Isang araw lamang at
umalis na sina Datu Puti at Pinampangan upang bumalik sa Borneo.

17
5. Epiko
b.LabawDonggon(EpikongBisaya)
Si Labaw Donggon ay anak ni Anggoy Alunsina at Buyung Paubari. Siya ay napakakisig na lalaki na umibig kay Abyang
Ginbitinan. Binigyan niya ng maraming regalo ang ina ni Abyang Ginbitinan na si Anggoy Matang-ayon upang pumayag
lamang na makasal ang dalawa. Inimbita niya ang buong bayan sa kanilang kasal. At hindi nagtagal ay umibig siyang muli sa
isang magandang babae na nagngangalang Anggoy Doronoon. Niligawan niya ito at hindi nagtagal ay nagpakasal.

At muli ay umibig si Labaw sa isa pang babae na nagngangalang Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata. Ngunit ang babae ay
nakasal na kay Buyung Saragnayan na katulad niya na may kapangyarihan din.

Patayin mo muna ako bago mo makuha ang aking asawa, sabi ni Buyung Saragnayan sa kanya.

Handa akong kalabanin ka, sagot ni Labaw kay Saragnayan.

Naglaban sila ng maraming taon gamit ang kanilang mga kapangyarihan ngunit hindi mapatay ni Labaw si Saragnayan. Mas
malakas ang kapangyarihan ni Saragnayan kaysa kay Labaw.

Natalo si Labaw at siya ay itinali at ikinulong sa kulungan ng baboy ni Saragnayan. Samantala ang kanyang mga asawa na si
Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon ay nanganak sa kanilang panganay. Tinawag ni Abyang ang kanyang anak na Asu
Mangga at si Anggoy Doronoon na Buyung Baranugun. Gustong makita si Labaw ng kaniyang dalawang anak at nagpasya na
hanapin siya. Sa tulong ng bolang kristal ni Buyung Barunugun ay nalaman nlla na bihag siya ni Saragnayan. Ang dalawang
magkapatid ay nagtagumpay sa pagpapalaya sa kanilang ama na napakatanda na at ang kanyang katawan ay nababalutan na
ng mahabang buhok.

18
5. Epiko
b.LabawDonggon(EpikongBisaya)
Kailangan nyo munang malaman ang sikreto ng kapangyarihan ni Saragnayan bago ninyo siya labanan! sabi ni Labaw sa
kanyang dalawang anak.

Opo ama, sagot ni Baranugun. Ipapadala ko sina Taghuy at Duwindi kay Abyang Alunsini upang itanong ang sikreto ng
kapangyarihan ni Saragnayan.

Nalaman ni Batanugun kay Abyang na ang hininga ni Saragnayan ay itinatago at pinangangalagaan ng isang baboy ramo sa
kabundukan. Siya at si Asu Mangga ay nagtungo sa kabundukan upang patayin ang baboy ramo. Kinain nila ang puso nito na
siyang buhay ni Saragnayan

Biglang nanghina si Saragnayan. Alam niya kung ano ang nangyari. Nagpaalam na siya kay Nagmalitong Yawa. Handa na
siyang upang ka1abanin ang dalawang anak ni Labaw. Si Baranugun lamang ang humarap sa kanya sa isang madugong laban.
Napatay siya ni Baranugun sa isang mano-manong laban. Pagkatapos ng labanan ay hinanap nila ang kanilang ama. Nakita
nila na siya ay nakasilid sa lambat ni Saragnayan. Natakot sila sa mga kapatid ni Saragnayan. Pinatay silang lahat ni Baranugun
at pinalaya si Labaw sa lambat.

Nang makita ni Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon si Labaw ay napaiyak sila sa pighati. Nalaman nilang hindi na
makarinig si Labaw, hindi na rin nito nagamit ang pag-iisip. Pinaliguan nila ito, binihisan at

pinakain. Inalagaan nila ito ng mabuti. Samantala, si Buyung Humadapnon at Buyung Dumalapdap, mga bayaw ni Anggoy
Ginbitinan ay ikinasal kina Burigadang Pada Sinaklang Bulawan at Lubaylubyok Hanginon Mahuyukhuyukon. Ang dalawang
babae ay ang magagandang kapatid ni Nagmalitong Yawa.

19
4. Epiko
b.LabawDonggon(EpikongBisaya)

Nang malaman ni Labaw Donggon ang kasal sinabi nito sa dalawang asawa na nais niyang mapakasalan si Nagmalitong Yawa
Sinagmaling Diwata.

Gusto kong magkaroon ng isa pang anak na lalaki! sabi ni Labaw Donggon.

Nagulat sina Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon sa sinabi ng asawa at dahil mahal na mahal nila ang asawa ay tinupad
nila ang kahilingan nito. Humiga si Labaw sa sahig at pumatong ang dalawang babae sa kanya, naibalik ang kanyang lakas at
sigla ng isip. Masayang-masaya si Labaw at ang kanyang tinig ay umalingawngaw sa buong lupain.

20
6. Alamat
a. ANGALAMATNGUNANGSAGING

M ay isang prinsesang napakaganda; kaya ang tawag sa kanya ay Mariang Maganda. Ang kanyang tahanan ay
malapit sa isang maliit na gubat; doo'y maraming magaganda't mababangong halamang namumulaklak. Araw-araw, ay
nagpapasyal ang prinsesa sa gubat na ito. Namimitas siya ng mga bulaklak na katangi-tangi ang ayos.

Isang araw, sa kanyang pamamasyal, ay nakatagpo siya ng isang prinsipe. Magandang lalaki ang prinsipeng iyon. Nang makita
ni Mariang Maganda ay nakaramdam siya agad ng kakatuwang damdamin. Ang prinsipe naman pala'y gayon din. Kaya agad
silang nagkapalagayan at nagkahulihan ng loob.

Araw-araw ay namamasyal sila ng prinsipe, hanggang sa magtapat ng pag-ibig ang prinsipe. Palibhasa'y sadyang may inilalaan
nang pagtingin ang prinsesa, hindi na ito nagpaumat-umat at tinanggap ang iniluluhog na pag-ibig ng prinsipe.

Isang hapon matapos silang mamasyal, nag-ulayaw ang dalawa sa lilim ng mabangong halamanan ng prinsesa.
"Mariang Maganda, kay ganda ng mga bulaklak mo, nguni't ang mga bulaklak doon sa aming kaharian ay higit na magaganda
at mababango; walang makakatulad dito sa inyo."
"Bakit, saan ba ang inyong kaharian?"
"Doon sa dako roon na hindi maaaring marating ng mga taong may katawang-lupa."
Ilan pang saglit at nagpaalam na ang prinsipe na malungkot na malungkot. Kaya napilitang magtanong si Mariang Maganda.
"Mangyari'y" at hindi na nakuhang magpaliwanag ang prinsipe.

21
6. Alamat
a. ANGALAMATNGUNANGSAGING
"Mangyari'y ano? Ano ang dahilan?" ang tanong ng prinsesang punung-puno ng agam-agam.
"Dapat an akong umuwi sa amin, kung hindi, hindi na ako makababalik. Ibig ko sanang isama kita, nguni't hindi maaari, hindi
makapapasok doon ang tulad ninyo. Kaya paalam na irog."
"Bumalik ka mamayang gabi, hihintayin kita sa halamanang ito. Babalik ka ha?"
"Sisikapin ko Mariang Maganda," ang pangako ng prinsipe.

Nang malapit ng maghatinggabi, dumating ang prinsipe. Sinalubong siya ng prinsesang naghihintay sa loob ng hardin. Nag-
usap na naman sila ng nag-usap. Kung saan-saan nadako ang kanilang pag-uusap. Hawak-hawak ng prinsesa ang mga kamay
ng prinsipe.

Kaginsa-ginsa'y biglang napatindig ang prinsipe. "Kailangang umalis na ako, Mariang Maganda. Maghahatinggabi na, kapag
hindi ako lumisan ay hindi na ako makababalik sa amin. Diyan ka na subali't tandaan mong ikaw rin ang aking iniibig," at
ginawaran ng halik ang mga talulot na labi ni Mariang Maganda.

Pinigilan ng prinsesa ang mga kamay ng prinsipe. Hindi niya mabatang lisanin siya ng kanyang minamahal. Sa kanilang
paghahatakan, biglang nawala ang prinsipe at naiwan sa mga palad ng dalaga ang dalawa niyang kamay. Natakot ang
prinsesa, kaya patakbong nagtungo sa isang dako ng kanyang halamanan at ibinaon ang mga kamay.

Ilang araw, pagkatapos ay may kakaibang halamang tumubo sa pinagbaunan niya. Malalapad ang mga dahon at walang
sanga. Ilan pang araw pagkaraa'y nagbulaklak. Araw-araw, ay dinadalaw ng prinsesa ang kanyang halaman. Makaraan ang
ilang araw, ang mga bulaklak ay napalitan ng mga bunga. Parang mga daliring nagkakaagapay. Iyon ang mga unang saging sa
daigdig.

22
6. Alamat
b. AlamatngLansones

T umunog ang kampana sa munting Kapilya ng isang nayon sa bayan ng Paete, lalawigan ng Laguna. Napabalikwas
si Manuel at masuyong ginising ang nahihimbing na kabiyak. "Gising na Edna, at tayo'y mahuhuli sa misa." Marahang
nagmulat ng mga mata ang babae, kumurap-kurap at nang mabalingan ng tingin ang asawa ay napangiti.

Mabilis na gumayak ang mag-asawa upang magsimba sa misang minsan sa isang buwan idinaraos sa kanilang nayon ng kura
paroko ng bayan. Hindi nagtagal at ang mag-asawa ay kasama na sa pulutong ng mga taga-nayong patungo sa Kapilya.
Magkatabing lumuhod sa isang sulok ang magkabiyak at taimtim na nananalangin. "Diyos ko," and marahang panalangin ni
Edna, "Patnubayan mo po kami sa aming pamumuhay, nawa's huwag magbago ang pagmamahal sa akin ni Manuel." Si
Manuel naman ay taimtim ding dumadalangin sa kaligtasan ng asawa, na alam niyang nagtataglay sa sinapupunan ng unang
binhi ng kanilang pag-iibigan.
Nang matapos ang misa ay magiliw na inakay ni Manuel ang kabiyak at sila'y lumakad na pauwi sa kanilang tahanan. Sa
kanilang marahang paglalakad ay biglang napahinto si Edna.
"Naku! kay gandang mga bunga niyon," ang wika kay Manuel sabay turo sa puno ng lansones na hitik na hitik sa bunga.
"Gusto ko niyon, ikuha mo ako," ani Ednang halos matulo ang laway sa pananabik. Napakurap-kurap si Manuel. Hindi niya
malaman ang gagawin. Alam niyang ang lansones ay lason at hindi maaring kainin ngunit batid din naman niyang
nagdadalang-tao ang asawa at hindi dapat biguin sa pagkaing hinihiling. Sa pagkakatigagal ng lalaki ay marahan siyang
kinalabit ni Edna at muling sumamong ikuha siya ng mga bunga ng lansones.
"Iyan ay lason kaya't hindi ko maibibigay sa iyo." Pagkarinig ni Edna sa wika ng asawa ay pumatak ang luha. Sunod-sunod na
hikbi ang pumulas sa kanyang mga labi. Parang ginugutay ang dibdib ni Manuel sa malaking habag sa asawa ngunit tinigasan
niya ang kanyang loob.

23
6. Alamat
b. AlamatngLansones
Masuyong inakbayan ni Manuel ang asawa at marahang nangusap. "Huwag na iyan ang hilingin mo, alam mo namang iya'y
lason. Hayaan mo at pagdating natin sa bahay ay pipitas ako sa duluhan ng mga manggang manibalang."

Walang imikan nilang tinalunton ang landas patungo sa kanilang tahanan. Ang maaliwalas na langit ng kanilang pag-iibigan ay
biglang sinaputan ng ulap. Ni hindi sinulyapan ni Edna ang mga manggang manibalang na pitas ni Manuel sa kanilang
duluhan. Ang babae'y laging nagkukulong sa silid, ayaw tumikim man lamang ng pagkain at ayaw tapunan ng tingin ang
pinagtatampuhang asawa.

Hindi nagtagal ang babae'y naratay sa banig ng karamdaman. Hindi malaman ni Manuel ang gagawin sa kalunoslunos na
kalagayan ng asawa."Edna, ano ba ang dinaramdam mo?" lipos na pag-aalalang wika ni Manuel habang buong pagsuyong
hinahaplos ang noo ng maysakit.

Marahang iling lamang ang itinugon ng nakaratay at dalawang butil ng luha ang nag-uunahang gumulong sa pisngi. Balisang
nagpalakad-lakad si Manuel sa tabi ng maysakit. Hindi niya matagalang tignan ang payat na kaanyuan ngayon na kaibang-
kakaiba sa dating Ednang sinuyo niya't minahal. Wala na ngayon ang namumurok na pisngi, ang dating mapupungay na mga
mata'y malalamlam, wala na ang ningning ng kaligayahan, maputla ang dati'y mapupulang mga labi at mistulang larawan ng
kamatayan.
Nang hindi na niya makaya ang damdaming lumulukob sa kanyang pagkatao ay mabilis na nagpasiya. Kukunin niya ang mga
bunga ng lansones. Ang bunga ng kamatayang pinakamimithi ng kanyang asawa. Sa wakas ay isinuko rin niya ang katigasan
ng kanyang loob, dahil sa matinding abag sa kabiyak.

24
6. Alamat
b. AlamatngLansones
Nanaog siya at tinungo ang puno ng lansones. Nanginginig ang kamay na pinitas ang isang kumpol ng bunga ng kamatayan.

"Diyos ko, tulungan mo po kami, pinakamamahal ko ang aking asawa at wala nang halaga sa akin ang buhay kung siya'y
mawawala pa sa aking piling," nangangatagal ang mga labing marahan niyang naiusal kasabay ng mariing pagpikit ng mga
mata. Sunod-sunod na patak ng luha ang nalaglag sa pagkagunitang ang bungang iyon ang tatapos sa lahat ng kanilang
kaligayahan.

Sa pagmumulat niya ng paningin siya'y nabigla. Anong laking himala! May nabuong liwanag sa kanyang harapan at gayon na
lamang ang kanyang panggigilalas noong iyon ay maging isang napakagandang babaing binusilak sa kaputian. Humalimuyak
ang bangong sa tanang buhay niya ay noon lamang niyang masamyo. Sa tinig na waring isang anghel ay marahang
nangungusap ang babae. "Anak ko, kainin mo ang bungang iyong hawak."

Nagbantulot sumunod si Manuel sapagkat alam niyang ang bungang iyon ay lason. Sa nakitang pagaalinlangan ni Manuel ay
muling nangusap ang babaeng nakaputi. "Huwag kang matakot, kainin mo ang bungang iyong hawak." Pagkasabi noo'y
kumuha ng isang bunga sa hawak na kumpol ni Manuel at ito'y marahang pinisil.

Mawala ang takot ni Manuel at mabilis na tinalupan ang isang bunga ng lansones. Anong sarap at anong tamis! Nang ibaling
niya ang paningin sa babaeng nakaputi ay nawala na ito. Biglang naglaho at saan man niya igala ang kanyang mata ay hindi
makita. "Salamat po, Diyos ko!" ang nabikas ni Manuel. Biglang sumigla ang katawanni Manuel at hindi magkandatutong
pinitas ang lahat ng mga bungang makakaya niyang dalhin at nagdudumaling umuwi sa naghihintay na asawa.

25
7. Kwentong Bayan
a.KungBakitDinadagitngLawinangmgaSisiw
Taga-lunsod sina Roy at Lorna. Ibig na ibig nila ang pagtira sa bukid nina Lola Anding at Lolo Andres tuwing bakasyon. Marami
at sariwa ang pagkain sa bukid. Bukod dito, marami rin bagong karanasan at kaalaman ang kanilang natutuhan.

Isang tanghali, habang nangangakyat ang magkapatid sa punong bayabas, ay kitang-kita nila ang lawin na lumilipad pababa.
Nagtakbuhan ang mga sisiw sa ilalim ng damo. Naiwan ang inahing manok na anyong lalaban sa lawin.

Mabilis na bumaba sa punong bayabas ang magkapatid at sinigawan nila ang lawin na mabilis na lumipad papalayo. Natawag
ang pansin nina Lola Anding at Lolo Andres sa sigaw ng magkakapatid. Mabilis silang nanaog ng bahay at inalam kung ano
ang nangyayari.

Kitang-kita po namin na dadagitin ng lawin ang mga sisiw ng inahing manok kaya sumigaw po kami, paliwanang ni Roy.

Lolo, bakit po ba dinadagit ng lawin ang mga sisiw ng inahing manok? tanong ni Lorna.

May magandang kuwento ang inyong Lola Anding na sasagot sa inyong tanong na iyon, sagot ni Lolo Andres.

Halina na kayo sa upuang nasa lilim ng punong bayabas, wika ni Lola Anding. Makinig kayong mabuti. Ganito ang kuwento.
Noong araw, magkaibigan si Inahing Manok at si Lawin. Minsan, nanghiram ng singsing si Inahing Manok kay Lawin upang
gamitin niya sa pista sa kabilang nayon. Naroroon si Tandang at ibig niyang maging maganda sa paningin nito. Tinanggal ni
Lawin ang suot niyang singsing at ibinigay niya ito kay Inahing Manok.

26
7. Kwentong Bayan
a.KungBakitDinadagitngLawinangmgaSisiw
Ingatan mong mabuti ang singsing ko, Inahing Manok. Napakahalaga niyan sapagkat bigay pa iyan sa akin ng aking ina.

Maluwag sa daliri ni Inahing Manok ang hiniram sa singsing ngunit isinuot pa rin niya ito.

Salamat, Lawin, wika ni Inahing Manok. Asahan mong iingatan ko ang iyong singsing.

Kinabukasan, maaga pa lamang ay nagbihis na si Inahing Manok. Isinuot niya ang hiniram na singsing at pumunta na sa
kabilang nayon. Maraming bisita si Tandang at nagsasayawan na sila nang dumating si Inahing Manok. Nang makita ni
Tandang si Inahing Manok ay kaagad niyang sinalubong nito at isinayaw. Masaya ang pista. Sari-sari ang handa ni Tandang.
Tumagal ang sayawan hanggang sa antukin na si Inahing Manok.

Pagkagising ni Inahing Manok ng umagang iyon ay napansin niyang nawawala ang hiniram niyang singsing kay Lawin.
Natakot si Inahing Manok na baka tuluyang mawala ang hiniram niyang singsing. Kaya hanap dito, hanap doon, kahig dito,
kahig doon ang ginawa ni Inahing Manok. Ngunit hindi niya makita ang nawawalang singsing. Nagalit si Lawin at sinabi na
kapag hindi nakita ni Inahing Manok ang singsing ay kukunin at kanyang dadagitin ang magiging anak na sisiw ni Inahing
Manok.
Araw-araw ay naghahanap si Inahing Manok ng nawawalang singsing. Maging ang iba pang inahing manok ay naghahanap na
rin ng nawawalang singsing upang hindi dagitin ni Lawin ang kanilang mga sisiw. Ngunit hindi nila makita ito hanggang
tuluyan nang magkagalit si Lawin at si Inahing Manok.
Namatay na si Inahing Manok at namatay na rin si Lawin ngunit magkagalit pa rin ang humaliling mga inahing manok at lawin.
Magmula na noon hanggang sa kasalukuyan ay di pa nakikita ang nawawalang singsing kaya dinadagit pa ng lawin ang mga
sisiw ng inahing manok.

27
7. Kwentong Bayan
b.BakitMayPulangPalongAngMgaTandang
Nakapagtataka kung bakit may pulang palong ang mga tandang. Kapansin-pansin din na kapag pulang-pula ang palong ng
tandang ay magilas na magilas ito. Para bang binata na nagpapaibig sa mga dalaga.

Ayon sa kuwento, may mag-ama raw napadpad ng bagyo sa isang baryo sa pulo ng Masbate. Ang ama ay nakilala ng mga tao
sa nayon dahil sa kawili-wiling mga palabas nito na mga salamangka o mahika. Tinawag nilang Iskong Salamangkero ang
kanilang bagong kanayon. Bukod sa pagiging magalang, masipag, mapagkumbaba ay mabuting makisama sa mga taga nayon
si Iskong Salamangkero. Madali siyang nakapaghanap ng masasakang lupa na siyang pinagmulan ng kanilang ikinabubuhay
na mag-ama.

Kung anong buti ng ama ay siya namang kabaliktaran ng anak nitong si Pedrito. Siya ay tamad at palabihis. Ibig ni Pedrito na
matawag pansin ang atensyon ng mga dalagita. Lagi na lamang siyang nasa harap ng salamin at nag-aayos ng katawan. Ang
paglilinis ng bahay at pagluluto ng pagkain na siya lamang takdang gawain ni Pedrito ay hindi pa rin niya pinagkakaabalahan
ang pag-aayos ng sarili. Kapag siya ay pinagsasabihan at pinangangaralan ng ama ay nagagalit siya at sinagot-sagot niya ito.

Isang tanghali, dumating sa bahay si Iskong Salamangkero mula sa sinasakang bukid na pagod na pagod at gutom na gutom.
Dinatnan niya na wala pang sinaing at lutong ulam si Pedrito. Tinawag niya ang anak ngunit walang sumasagot kaya
pinuntahan niya ito sa silid. Nakita niya sa harap ng salamin ang anak na hawak ang pulang-pulang suklay at nagsusuklay ng
buhok.
Pedrito, magsaing ka na nga at magluto ng ulam. Gutom na gutom na ako, anak, wika ni Iskong Salamangkero.
Padabog na hinarap ni Pedrito ang ama at kanyang sinagot ito.

28
7. Kwentong Bayan
b.BakitMayPulangPalongAngMgaTandang

Kung kayo ay nagugutom, kayo na lamang ang magluto. ako ay hindi pa nagugutom. At nagpatuloy ng pagsusuklay si Pedrito
ng kanyang buhok.

Nagsiklab ang galit na si Iskong Salamangkero sa anak. Sinugod niya si Pedrito at kinuha ang pulang suklay. Inihampas niya ito
sa ulo ng anak at malakas niyang sinabi Mabuti pang wala na akong anak kung tulad mong tamad at lapastangan. Sapagkat
lagi la na lamang nagsusuklay ang pulang suklay na ito ay mananatili sana iyan sa tuktok ng iyong ulo. At idiniin ni Isakong
Salamangkero ang pulang suklay sa ulo ni Pedrito.

Dahil sa kapangyarihang taglay ni Isko bilang magaling na salamangkero, biglang naging tandang ang anak na tamad at
lapastangan. At ang suklay sa ulo ni Pedrito ay naging pulang palong. Hanggang sa ngayon ay makikita pa natin ang
mapupulang palong sa ulo ng mga tandang.

29

You might also like