You are on page 1of 16

KAMALAYAN NG MGA

MAG-AARAL NG GRADE 11
ABM NG CALAYAN EDUCATIONAL
FOUNDATION, INC.
SA BASIC ACCOUNTING
Ang Kaligiran ng Proyekto

Ang paaralan ay pinakamalaking sandigan


ng kaalaman. Ito ang pundasyon ng
progreso ng mundo. Ang mga kaalamang
ito ay nararapat na mapaunlad at
mapalawak para sa patuloy na progreso ng
mga kabataan at ng mundo at para sa
kahandaan sa landas na kanilang tatahakin
Isang mabisang paraan ang pagsasagawa ng
seminar sa mga paaralan. . Ito ay isang aktibidad
kung saan napapalawak at napapaunlad ang
kaalaman ng mga kalahok tungkol sa isang
paksa, usapin o isyu sa lipunan. May mga
kaalamang maaaring bago sa kanilang isipan at
mga kaalamang hindi lang napupulot sa klase.
Ang isasagawang seminar ay magiging daan
upang magkaroon ng kaalaman ang
kasalukuyang mga mag-aaral ng Grade 11- ABM.
Sa tulong ng gagawing seminar, mapapalawak
ang kaalaman, mapapaunlad ang kaisipan, at
maihahanda ang mga mag-aaral ng Grade 11
ABM sa susunod na semestre.
Layunin ng Proyekto
Pagkatapos ng seminar ang mga dumalo ay inasahang:

Matukoy ang mga paunang kaalaman sa Accounting 1.


Magkaroon ng kamalayan tungkol sa Accounting 1 sa
pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga aktibidad sa
seminar.
Maipakita ang kahalagahan ng Basic Accounting upang
maihanda ang sarili sa mga posibleng aralin.
Maipakita ang pagkatuto ng ilan sa mga kinakailangang
leksyon sa Accounting 1.
Metodolohiya ng Proyekto
Lagom:

Ang kawalan ng kaalaman ng mga mag-aaral ng


Grade 11 ABM sa Basic Accounting, kagaya na
lamang noong nakaraang taon ay hindi
napagtuunan ng pansin, ay nagdulot ng pagkalito
at mahirap na pagtugon ng mga mag-aaral sa
asignaturang Accounting.
Dahil dito, kami bilang mag-aaral sa ika-12 baitang ay
nagnanais makatulong sa mga mag-aaral ng Grade 11
ABM upang mapadali at maiwasan ang aming naranasan
sa asignaturang nabanggit. Upang matugunan ang
nailahad na suliranin. Ito rin ay naglalayong
makapagbigay ng mga paunang impormasyon na
nakabatay sa kanilang susunod na aralin na Fundamental
of Accounting and Business Management 1.

Makatutulong ito sa mga mag-aaral ng ABM upang


maging mas madali ang pag-unawa sa mga susunod
nilang aralin.
Posibleng Maging Problema

Maaaring mawalan ng interest mga dadalo at hindi mabigyang pansin


ang tagapagsalita, kung kayat ang programa ay inorganisa at plinano
ng maayos kabilang na ang mga tagapagsalita.
Posibleng ang lugar na pagdadausan ng seminar ay walang
kasiguraduhan, bagkus ang mga tagapamahala ay may mga inihandang
mga alternatibong paraan ukol sa lugar na paggaganapan.
May posibilidad na hindi makontrol ang daloy ng programa, higit na sa
usaping oras na nakalaan, kayat magiging daan ito upang ang mga
nagoorganisa ay magbigay ng tama at nakaayos na talaan ng bawat
pangyayari.
Sa pagkakataong ma-delay, mahuli at hindi maaprubahan ang mga
papel na isinaayos, ang mga tagapagorganisa ay maghahanda ng
pangalawa at panibagong papel.

You might also like