You are on page 1of 28

GLOBALISASYON

Suriin ang mga sumusunod na simbolo


Suriin ang mga sumusunod na simbolo
Suriin ang mga sumusunod na simbolo
Suriin ang mga sumusunod na simbolo
GLOBALISASYON
Dalawang depenisyon:
1. Pagpapalawig,
pagpaparami, at pagpapatatag
ng mga koneksyon at ugnayan
ng mga bansa sa kapwa
bansa, at bansa sa mga
international organization sa
aspekto ng ekonomiya, politika,
kultura at kapalaigiran
GLOBALISASYON
Dalawang depenisyon:
2. Pagsusulong ng
pandaigdigang kalakalan o
nternational trade sa
pamamagitan ng pagbubukas
ng mga pambansang
hangganan at pagbabawas sa
paghihigpit sa pag-angkat ng
mga produkto
Pinagmulan ng Globalisasyon
SUEZ CANAL
• Nagbukas noong 1869
• Nagsilbing short cut ng
mga barko mula
Europa at Asia.
• Transportation
Revolution (Steam
Engine, Steam Ships
Pinagmulan ng Globalisasyon
SUEZ CANAL
• Dahil sa TR bumaba
rin ang halaga ng pag-
aangkat ng mga
produkto.
Pinagmulan ng Globalisasyon
SUEZ CANAL
• Dahil sa TR bumaba
rin ang halaga ng pag-
aangkat ng mga
produkto.
Iba’t – ibang Konsepto at Pananaw sa Globalisasyon
• Nagkakaroon ng globalisasyon dahil kinikilala ng mga
bansa na hindi sila mabubuhay nang walang
pakikipag-ugnayan sa ibang bansa.

• Ayon sa WORLD BANK at INTERNATIONAL


MONETARY FUND, lubos na mahalaga ang
pagtutulungan ng mga bansa upang umunlad. Ito raw
ang pangunahing layunin ng globalisasyon.
Iba’t – ibang Konsepto at Pananaw sa Globalisasyon
• Ayon naman kay
IMMANUEL
WALLERSTEIN, ang
globalisasyon ay
kumakatawan sa
tagumpay ng kapitalismo
sa mundo. Ito raw ang
pagkakahati-hati ng mga
trabaho sa mundo.
Iba’t – ibang Konsepto at Pananaw sa Globalisasyon
Ayon kay ANTHONY
GIDDENS, isang
sosyolohista, ang
globalisasyon ay hindi
lamang penomenong
pang-ekonomiya kundi
isang panlipunang
ugnayan ng mga
pamayanan sa iba pang
pamayamanan sa daigdig.
Iba’t-ibang katanginan ng
Globalisasyon
• INTEGRATION
• Tumutukoy sa pagsasam-sama ng iba’t-ibang elemento
upang maging isang bagay. Ito ay pagsasama ng mga
bansang may nagkakaisang hangarin upang bumuo ng
iisang pangkat ng mga bansa na magsusulong makamit ang
hangaring ito

• Halimbawa nito ay ang EUROPEAN UNION at ASEAN


Iba’t-ibang katanginan ng
Globalisasyon
• DE-LOCALIZATION
• Ay ang pagbabawas ng mga gawaing lokal at pag-usbong
ng mga gawaing pandaigdigan bilang kapalit nito. Maraming
mga gawain ang dati’y kailangan makaharap ng isang tao
upang maisagawa ang kailangan gawin, ngunit ngayon, higit
na nabago ito habang lumalawak at dumarami ang mga
ugnayang pandaigdigan.

• Halimbawa nito ay ang mga BPO at pamimili ng mga


produkto
Iba’t-ibang katanginan ng
Globalisasyon
• PAGSULONG NG TEKNOLOHIYA
• Ang mga pagsulong sa teknolohiya sa larangan ng life
science at digital technology ay nagbubukas ng daan sa
mas maraming posibilidad ng kalakan at paggawa.
• Mas napapadali ang globalisasyon sa pagkakaroon ng mga
makabagong teknolohiya ng komunikasyon sa mga
malalayo at liblib na lugar.
• Sa tulong na rin ng teknolohiya, lumaganap ang mga
trabahong may kinalaman sa kaalaman o knowledge.
Umususbong ang “knowledge economy”.
Iba’t-ibang katanginan ng
Globalisasyon
• PAG-USBONG NG MGA MULTINATIONAL
CORPORATION
• Ito ay isang kompanyang nagmamamay-ari ng mga assets
o capital sa mga bansa maliban pa sa bansang pinagmulan
nito.

• OUTSOURCING - sa pagkuha ng isang kompanya ng


serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad.
Pangunahing layunin nito na mapagaan ang gawain ng
isang kompanya upang mapagtuunan nila ng pansin ang sa
palagay nila ay higit na mahalaga.
Iba’t-ibang katanginan ng
Globalisasyon
• URI NG OUTSOURCING:
• Business Process Outsourcing (BPO) - na tumutugon sa
prosesong pangnegosyo ng isang kompanya

• Knowledge Process Outsourcing (KPO) - na nakatuon sa


mga gawaing nangangailangan ng mataas na antas ng
kaalamang teknikal tulad ng pananaliksik, pagsusuri ng
impormasyon at serbisyong legal.
Iba’t-ibang katanginan ng
Globalisasyon
• Kung gagawin namang batayan ang layo o distansya na
pagmumulan ng kompanyang siyang magbibigay ng serbisyo
o produkto, maaaring uriin ito sa mga sumusunod:
• Offshoring - Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula
sa ibang bansa na naniningil ng mas mababang bayad.
• Nearshoring - Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa
kompanya sa kalapit na bansa.
• Onshoring - Tinatawag ding domestic outsourcing na
nangangahulugan ng pagkuha ng serbisyo sa isang
kompanyang mula din sa loob ng bansa na nagbubunga ng
higit na mababang gastusin sa operasyon.
Iba’t-ibang katanginan ng
Globalisasyon
• MABILIS NA PAGHAHATID NG MGA PRODUKTO AT
SERBISYO
• Isang katangian ng globalisasyon ay ang pagkakaroon ng
mabilils na paghahatid ng mga produkto at serbsyo sa mga
tao.
Iba’t-ibang katanginan ng
Globalisasyon
• MAS MALAWAK NA MOBILITY
• MOBILITY - ay tumutukoy sa paraan ng paggalaw ng mga
serbisyo, produkto, tao, komunikasyon at transportasyon
upang mas maging maginhawa at mabilis ang paggamit ng
mga ito.
• Natutulungan ng mga ito ang pagpapabilis sa daloy ng
komersyo sa isang pook.
Pagharap sa Hamon ng
Globalisasyon
• Hindi mapasusubalian ang impluwensiya ng
globalisasyon sa buhay ng tao. Nagdala ito ng mga
pagbabagong nagpabuti sa ilang aspeto ng ating buhay
ngunit kalakip din nito ang mga suliraning kailangang
harapin at bigyang katugunan

• Narito ang ilang solusyon sa pagharap ng hamon ng


globalisasyon na isinasakatuparan sa iba’t ibang bahagi
ng daigdig.
Guarded Globalization
• Pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na
naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan
at bigyangproteksiyon ang mga ito upang makasabay sa
kompetisyon laban sa malalaking dayuhang negosyante.

HALIMBAWA:
1. pagpataw ng taripa o buwis sa lahat ng produkto at
serbisyong nagmumula sa ibang bansa.
2. pagbibigay ng subsidiya(subsidies) sa mga
namumuhunang lokal. Ang subsidiya ay
tulongpinansyal ng pamahalaan.
Patas o Pantay na Kalakalan
(Fair Trade)
• Layunin nito na mapanatili ang tamang presyo ng mga
produkto at serbisyo sa pamamagitan ng bukas na
negosasyon sa pagitan ng mga bumibili at nagbibili
upang sa gayon ay mapangalagaan hindi lamang ang
interes ng mga negosyante kundi pati na rin ang kanilang
kalagayang ekolohikal at panlipunan
Pang isahang gawain
• GAMIT ANG CONCEPT MAP, IPAKITA ANG
MAARING MGA EPEKTO NG GLOBALISASYON
SA KULTURA, EKONOMIYA, LIPUNAN AT
POLITIKA. Isulat sa patlang ang iyong paliwanag
tungkol sa ginawang concept map.
PAMPOLITIKA PANG-EKONOMIYA

GLOBALISASYON

PANGKULTURA PANLIPUNAN
Sanggunian

FRANCISCO,PAUL MICAH, ET. AL., MGA


KONTEMPORARYONG ISYU, THE LIBRARY
PUBLISHING HOUSE

ARALING PANLIPUNAN 10, LEARNER’S MODULE

You might also like