You are on page 1of 19

WORD OF THE DAY!!!

CHARGER
APAT NA KOMPONENT o SANGKAP
NG KASANAYANG KOMUNIKATIBO
LAYUNIN
Natutukoy ang mga component ng
kasanayang komunikatibo ang
ginamit sa mga sumusunod na
sitwasyon.
Gramatikal
• Ang komponent na nagbibigay-kakayahan sa
nagsasalita upang epektibong makipagtalastasan
gamit ang angkop na mga TUNTUNING PANG-
GRAMATIKA.

• Magagamit ito sa epektibong pagbuo ng salita,


pangungusap, tamang pagbigkas, pagbaybay at
maging sa pagbibigay sa salita.
ALIN ANG TAMA? ALIN ANG MALI?
Lakad ng lakad ang kinakabahan na si Mina.
Darating ako bukas nang umaga.
KAILAN “NG” AT KAILAN “NANG”
Ang higit na dapat tandaan ay ang tiyak na mga gamit ng “nang” at lima (5) lámang ang mga
tuntunin:
• UNA, GINAGAMIT ANG “NANG” NA KASINGKAHULUGAN NG “NOONG.”
Halimbawa, “Umaga nang barilin si Rizal. Nang umagang iyon ay lumubha ang sakit ni Pedro.”
• IKALAWA, GINAGAMIT ANG “NANG” KASINGKAHULUGAN NG “UPANG” O
“PARA.”
Halimbawa, Sa isip ng mga Espanyol, kailangang bitayin si Rizal nang matakot ang mga Filipino.
Dinala si Pedro sa ospital nang magamot.”
• IKATLO, GINAGAMIT ANG “NANG” KATUMBAS NG PINAGSÁMANG “NA” AT
“NG.”
• Halimbawa, “Pero sa isip ng mga Filipino, sobra nang lupit ang mga Espanyol.” “Sobra nang
hirap ang dinanas ni Pedro.”
KAILAN “NG” AT KAILAN “NANG”
• IKAAPAT, GINAGAMIT ANG “NANG” PARA SA PAGSASABI NG
PARAAN O SUKAT (PANG-ABAY NA PAMARAAN AT PANG-ABAY
NA PANGGAANO).
Halimbawa, “Binaril nang nakatalikod si Rizal.”
“Namayat nang todo si Pedro dahil sa sakit.”
• IKALIMA, GINAGAMIT ANG “NANG” BILANG PANG-ANGKOP
NG INUULIT NA SALITA.
Halimbawa,
“Barilin man nang barilin si Rizal ay hindi siyá mamamatay sa puso ng mga
kababayan.”
“Ginamot nang ginamot si Pedro para gumaling.”
ANG SALITANG “NG” NAMAN AY GINAGAMIT
KAPAG MAY TINUTUKOY O MAY PINAG-
UUKULAN.
Halimbawa:
Nagbigay ng tulong ang Japan sa Pilipinas.
Ang lupaing ito ay pag-aari ng mga Reyes.
Inubos ng bata ang kanyang pera.
KAILAN “MAY” AT KAILAN “MAYROON”
Ginagamit ang “may” kung ang sumusunod na salita
ay pangngalan, pandiwa, pang-uri panghalip na
paari.
Halimbawa:
may tao
may tumatakbo
may magandang babae
Ginagamit ang “mayroon” kung ito ay
sinusundan ng isang kataga at ginagamit sa
patalinghagang pagpapakahulugan.
Halimbawa:
mayroon din
mayroon pa
mayroon daw
KAILAN “SUBUKIN” AT KAILAN “SUBUKAN”
SUBUKIN – Nangangahulugang suriin o siyasatin ang uri, lakas, o
kakayahan ng isang tao o bagay.
Halimbawa:
Subukin mong tawirin ang ilog.
SUBUKAN – Nangangahulugang tingnan nang palihim kung ano ang
ginagawa ng tao.
Halimbawa:
Subukan mo kung ano ang ginagawa ng mga bata kung wala ang
ina.
KAILAN “ALISIN” AT KAILAN “ALISAN”
ALISIN – Nangangahulugang tanggalin, pigtasin o ihiwalay
Halimbawa:
Dapat nating alisin ang masamang bisyo.
ALISAN – Nangangahulugang tanggalan, pigtasin o bawasan.
Halimbawa:
Alisan mo ng tuyong dahon ang mga halaman.
Sosyo-lingwistiks
• Ang komponent na nagbibigay-kakayahan sa
nagsasalita upang magamit ang salitang naaangkop
sa sitwasyon at sa kontekstong sosyal ng lugar
kung saan ginagamit ang wika.

• Kailangang alam at magamit ang salitang angkop


para sa hinihinging pagkakataon.
ANG DALAWANG ANTAS NG WIKA
Ang pormal na antas ay maayos at pili ang mga salita sa ginagamit sa antas
na ito. Itinuturing ito na wikang kalimitang ginagamit ng mga may pinag-
aralan o ng mga makata ng aklat. Nahahati ito sa dalawang uri: pambansa
at pampanitikan.
• Sa pampanitikan, nakapaloob dito ang kulay at buhay ng wika.
Ginagamit dito ang mga masisining na pamamaraan ng paglalahad at
karaniwang hindi nakalantad ang mensahe ng mga manunulat.
Gumagamit ito ng talinhaga, samakatuwid, kung kinis at ganda ng
wika ay masasaksihan sa mga ganitong uri ng akda.
• Sa pambansa naman, literal ang pagpapakahulugan sa mga salita na
ginagamit din. Sa madaling salita, ginagamit dito ang
pagpapakahulugan ayon sa denotasyon. Lantarang isinasaad ang mga
ideya o mensahe sa akdang ito.
Sa impormal naman, nakapaloob naman sa antas na ito ang mga salita na karaniwang
ginagamit sa pang-araw-araw na uri. Mayroon naman itong apat na uri: lalawiganin, kolokyal,
balbal at bulgar.
• Ang lalawiganin ay ang mga salita na ginagamit sa partikular na lalawigan. Kalimitang
malalalim ang mga kahulugan ng mga ito kaya’t halos kapareho ito ng nasa pormal na
antas, ang pampanitikan. Subalit pili o kakaunti lamang ang mga tao na gumagamit nito
kaya isinama ito sa impormal na antas ng wika.
• Ang kolokyal ay ang pagkakagamit ng mga salita kung saan ay pinapaikli ang baybay
nito. Halimbawa ay ang mga salita kagaya ng pwede (puwede), meron (mayroon), at iba
pa.
• Ang balbal ay ang pinakadinamiko sa lahat ng antas ng wika, sapagkat ito ang
pinakamabilis magbago o magpalit ng anyo. Ang mga halimbawa nito ay ang mga
nauusong salita o ekspresyon sa wikang Ingles kagaya ng jejemon, jologs, kasama rin
dito ang gay lingo o wikang ispesipikong ginagamit ng mga bakla.
• Ang bulgar ay ang pinakamababang antas ng wika, sapagkat nakapaloob dito ang mura
at iba pang magagaspang na salita na masakit sa pandinig at maaaring makasugat ng
damdamin ng tao.
Diskorsal
• Ang komponent na nagbibigay-kakayahan magamit
ang wikang binibigkas at wikang ginagamit sa
pagsulat sa makabuluhang paraan upang maipabatid
ang mensahe at maunawaan din ang tinatanggap na
mensahe.
• Binibigyan ng wastong interpretasyon ang salita,
pangungusap/pahayag upang makabuo ng isang mas
malawak at malalim na kahulugan.
Strategic
• Ang komponent na nagbibigay-kakayahang
magamit ang berbal at hindi berbal na mga
hudyat upang maihatid nang mas malinaw ang
mensahe at maiwasan o maisaayos ang mga
hindi pagkakaunawaan o mga puwang (gaps) sa
komunikasyon.

You might also like