You are on page 1of 18

VARAYTI NG WIKA

Assoc.Prof. Robert DL. Ampil, Ph.D


 “Alinmang sistema ng linggwistikong pagpapahayag
na ang gamit ay pinamamahalaan ng mga sitwasyunal
na varyabol, gaya ng rehiyunal, okupasyunal, o salik
na panlipunan.”("Any system of linguistic expression
whose use is governed by situational variables, such as
regional, occupational, or social class factors."
(Crystal,D.(1999), The Penguin Dictionary of
Language)
 kapag ang terminong"variety" ay ginamit sa “istandard
na Filipino” halimbawa, sinasabing nagiging varayti na
ito sa ilang tiyak na varyabol na humuhubog sa profayl
nito.
 "Istandard na Filipino" ay isang varayti ng Filipino sa
kadahilanang binigyang-anyo ito ng salik na
panlipunan.
 Samakatwid, isang katotohanan na kailangang
magkaroon ng isang modelong magbibigay-anyo
sa pagtuturo, na isang pangangailangan na
malaman ng iba pang linggwistikong
komunidad na gumagamit ng Filipino na
tumutukoy sa “istandard Filipino” na isang
varayti at hindi isang wika sa ganang sarili.
 Bigyan natin ng halimbawa ang isang damit, na
maaaring maluma. Sa metaporang ito, ay
mayroon tayong eksaktong katuturan ng wika at
varayti.
 Ang wika ay ang damit. Ang magkakaibang anyo
ng magkatulad na damit na isinusuot ng tao ay
ang varayti.
 Sa ibang salita, ang lahat ng varayti ay may
magkatulad na damit, kulay, laki o sukat atbp.
(ang katulad na beysik na katangian: karaniwan
na ang leksis at gramatika) subalit nagkakasya
ito sa anumang paraan, pagkakaroon nito ng
ispesipikong anyo, kahit na ito ay magkatulad na
damit. Sa katunayan, may rehiyunal, sosyal,
midyum o varayti ng gawi atbp.
 Ang varayti ay makikita sa morpolohiya (gaya ng
pagdaragdag ng panlapi sa isang varayti ng
salitang British: Ang isang bagong Ingles ay
lumikha ng salita gaya ng "stingko", "cheeko"),
sa sintaks (Sa Malaysian "to under" ay
nangangahulugang “to let a person down”, ang
istandard na pang-ukol ay nagiging isang
pandiwa!) o sa intonasyon, bigkas….
 Ito ay ang katulad na damit na may iba’t ibang
anyo. Ito ay depende sa taong nagbibigay-hugis
sa partikular nitong hugis!
 Kapag napag-uusapan ang ukol sa dayalek,
tinutukoy nito ang “varayti ng wika kung saan
ang gamit ng gramatika at vokabularyo ay
tumutukoy sa rehiyunal o kaligirang sosyal ng
gumagamit”(Crystal, 1999, The Penguin
Dictionary of Language).
 Sa katunayan, ang dayalek ay isang varayti na
naimpluwensyahan ng heograpiko o sosyal na
konteksto. Halimbawa ang British English ay
isang varayti ng Ingles, at ang cockney ay isa sa
mga dayalekto nito – na tumutukoy sa wika ng
mga Londoner.
 Nakababasa tayo ng ilang pag-aaral na ang
ilang ispiker ng Englishes ay nahihiyang
tanggapin na ang kanilang wika ay isang
wikang pidgin.
 Subalit, ano nga ba ang wikang pidgin? Sa
linggwistika, ito ay isang wikang may
markadong kabawasan ng istrakturang
gramatikal, leksikon, at istaylistikong lawak.
 Ang katutubong wikang di-pag-aari ninuman,
ito ay nagaganap kapag ang miyembro ng
dalawang mutual na komunidad ng
nagsasalitaay nagtangkang
makipagkomunikeyt, magkaminsan tinatawag
itong, “a trade language" (Crystal, 1999, The
Penguin Dictionary of Language).
 Pidgin- English ay tinatawag ding "The semi-
English lingua franca" na ginagamit sa Tsina at
sa malayong silangan, naglalaman ng mga
prinsipal na maling bigkas ng mga salitang
Ingles na may tiyak na katutubong gramatikong
pag-aayos.
 Ilang pidgin, gaya ng Tok Pisin ng New Guinea,
ay di lamang stable pidgin, na may kompleks na
gramatika, subalit maaaring gamitin bilang
lingua franca at may opisyal na istado/
kalagayan.
 Panghuli, kapag tinutukoy Language variety space
ang "creole" kailangan
nating malaman na ito ay
isang “pidgin language” na
naging pangunahing wika ng
isang komunidad ng
nagsasalita” (Crystal, 1999,
The Penguin Dictionary of
Language). Sumibol ito sa
pamamagitan ng kontak sa
pagitan ng mga ispiker ng
mga iba’t ibang wika (Mc
Arthur 1996). Nangyari ito sa
mga teritoryo gaya ng sa
Amerika, Asya at Afrika.
Beysik Tesis:
 Maraming varayti ng mga wika, teksto , diskurso.
 Ang mga varayting ito ay kinundisyon ng mga pangkat
ng mga nagsasalita ayon sa rehiyon (dayalek), klase
(sosyolek), at okupasyon/ hanapbuhay (rejister).
 Ang mga posisyon sa variety space ay nagbibigay-
katuturan sa language variety na may ispesipikong
anyo, at ispesipikong kumbensyon ng kahulugan at
gamit.
 Ang pag-unawa sa teksto at diskurso, mula sa
konbersasyon, mula sa liham tungo sa hayperteksto, ay
nangangailangan ng modelo ng gampanin ng wika na
may dekalidad ng katangian.
 Ang mga uri ng varayti ay makikilala sa pamamagitan
ng mga salik na panlipunan na gumaganyak dito:
diyalekto, sosyolek at rejister.
 Diyalekto: rehiyunal na varayti
 Sociolect: varayti na naimpluwensyahan ng
kaligirang sosyal ng ispiker (profession, age, ethnic
group, sex, education atbp.). Halimbawa: jargon (e.g.
espesyal na bokabularyong ginagamit ng mga
linggwista).
 Rejister: varayting naimpluwensyahan ng isang tiyak
na sitwasyon ng pagsasalita (salik na
nakakaimpluwensya sa pagpili ng isang ispesipikong
rejister ay ang mga: paksa, relasyon sa pagitan ng
interlokyutor at midyum (pasulat at pasalitang wika).
 Wika: Isang koleksyon ng mga diyalekto o varayti (na
nagkakatulad ng anyo)
 >> Sinumang nagsasalita ng diyalektong Tagalog ay
nagsasalita ng wikang Tagalog
 Diyalekto
 Isang varayti ng wika na kaiba sa ilang salita, gramatika,
at/o pagbigkas sa ibang anyo ng magkatulad na wika.
Diyalekto ay mga katangian ng panlipunang pangkat.
May mga heograpikal, sosyal, etniko, kasarian, at
edad/gulang na diyalekto.
 Wika vs. diyalekto
 Dalawang diyalekto na kasali sa magkatulad na wika
kung nagkakasalo sa isang komon na gramatika at
bokabularyo at kung mutually intelligible.
 Diyalekto vs. aksent (punto)
 ‘diyalekto’ kasali ang gramatikal at leksikal na
pagkakaiba, kung saan ang ‘aksent’ ay tumutukoy
lamang sa pagbigkas > may nagsasalita ng Ingles na may
aksent na Filipino.
 Istandard na varayti
 Varayti ng isang wika na may pinakamataas na estado o
kalagayan sa isang komunidad o bansa at kung saan ito
ay nakabatay sa pagsasalita at pagsulat ng mga
edukadong ispiker ng wika. Ang istandard na varayti ng
isang wika ay nailarawan at nakaistraktura sa
diksyunaryo at gramatika.
Tradisyunal na dialectology (Kalagitnaan ng Modernong dialectology (1970’s – kasalukuyan)
ika-19 siglo – kalagitnaan ng ika-20 siglo)

rural na lugar urban na lugar


heograpikong varyasyon sosyal na varyasyon
ponolohiya at bokabularyo ponolohiya, bokabularyo,
talatanungan, interbyu (panayam) gramatika
talatanungan, interbyu (panayam),
korpora, at istadistika

Rehiyunal na varayti / diyalekto


 Ang wikang ginagamit ng mga mag-aaral ay katulad din
ba ng wikang ginagamit ng mga manggagawa, ng mga
propesyunal, ng mga di-nakapag-aral?
 Kung ang tao ay nagkakaiba batay sa kani-kanilang
paniniwala, pamumuhay at oryentasyong kinalakhan
gayundin ang wika.
 May unikong katangian ito na ipinagkaiba nito sa iba.
 Samantala, ang varyasyon ay ang mga linguistic systems
na nakapaloob sa wika.
 Varayti naman ang tawag sa isang set ng mga linguistic
systems na may magkakaparehong distribusyon.

Varyasyon at Varayti ng Wika


 Ang wikang Filipino o
alinmang wika sa bansa ay
may iba’t ibang varyasyon ng
wika.
 Bagama’t iisa ang wikang VARYASYON

sinasalita ng mga
interlokyutor o gumagamit Bilang ng tao Lawak ng paggamit Pangyayaring
ng wika at socially kaugnay

distributed ito, may Isahan Pag-aaral Pagpupulong


pagkakaiba pa rin ang Dalawahan
paggamit ng tao sa isang Pakikipagkapwa
Pagkikita
speech community. Maramihan Personal
Pakikipagkwentuhan
 Samakatwid, ang varayti ay
maaaring maliit o mas malaki
kaysa sa wika o dayalekto.
 Ang varayti ay fleksibol
o walang tiyak na
limitasyon o distinction.
 Ito ay maaaring maging Uri ng Varyasyon ng
bahagi ng isa pang wika. Wika
 Matutukoy ito ayon sa
relasyon nito sa lipunan
(sino at kailan ginagamit Wika Dayalek
Rehiyunal
Rejister
ang wika). Mas malaki Depende sa
Heograpiya
na dayalek
Istilo
sa dayalekto
Anak sa
Pagbigkas Batay sa Ina
Mas maraming gamit (Publiko)
linguistics
Antas sa Sociolect
system Lipunan
Anak sa Ina
(Pribado)
Tagalog
Kasarian
Rizal
Edad
Mindoro
Cavite
Batangas
 Sosyal na varayti
 Naka-fokus sa panlipunang pagkakaiba (social
differentiation) ng paggamit ng wika > magkakaibang
panlipunang pangkat na may ibang paggamit ng wika.
 Beysik na pagpapalagay:
 Varyasyon ng wika sa isang wikang pangkomunidad (at
maging ng sa pagsasalita ng isang indibidwal) ay hindi
random kundi sistematiko. Ang mga salik na
nakakaimpluwensya sa varyasyon ay ang mga:
kalagayang sosyal at ekonomiko, etnisidad, kasarian at
gulang. Ang pinakamaimpluwensya ay ang nauna.

You might also like