Bukas sa lahat ng mag-aaral ng EARIST (Isang [1] Kalahok lamang sa bawat Kolehiyo); Hindi hihigit sa isang libo’t limandaan (1,500) at hindi kukulangin sa isang libo (1,000) ang dami ng salita ang nakapaloob sa piyesa. May karampatang bawas na dalawang (2) puntos sa kabuuang puntos ng bawat hurado kung ang nasabing patakaran sa itaas ay hindi susundin; Bibigyan lamang ang mga kalahok ng isa at kalahating (1&½) oras sa pagbuo ng diwa at komposisyon; Bibigyan ang mga kalahok ng papel at panulat na may kalakip na bilang at pirmado ng komite ng paligsahan; Mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng mga kalahok ng anumang aklat, diksyunaryo at iba pang material na maaaring pagkunan ng ideya; at Pinal at hindi na mababago pa ang hatol ng lupon ng inampalan. KRETIRYA MARKA
NILALAMAN: Limampung porsyento (50%)
Kaugnayan sa paksa Kalinawan sa paglalahad Orihinalidad ORGANISASYON: Tatlumpung porsyento (30%) Kaisahan Pagkakaugnay Diin MEKANIKS: Dalawampung porsyento (20%) Wastong paggamit ng mga salita Bantas Baybay Pagpili ng mga wastong salita Isandaang porsyento (100%) KABUUAN