You are on page 1of 21

Philippine Nurses Association in

Partnership with the


International Council of Nurses

“TUBERKULOSIS AT MULTI DRUG RESISTANCE TUBERKULOSIS”


ATING ALAMIN:
ANO ANG TUBERKULOSIS?
 Ang Tuberkulosis ay isang uri ng karamdaman na sanhi
ng bacteria na kilala sa tawag na Tubercle Baccilli. Isa
itong uri ng mikrobyong kayang mabuhay sa kabila ng
mga mild disinfectants o mahihinang uri ng pamatay
mikrobyo at sa mga tuyong panahon ng may kung ilang
linggo. Pero maaari lamang itong magparami sa
pamamagitan ng isang host na organismo. Ang host na
organismo na ito ay walang iba kundi tayong mga tao.
 Maaari itong makaapekto sa ibat ibang parte ng
katawan ng tao, sa baga, sa buto, sa bato, sa dugo at sa
mga glandula ng katawan ng tao.
PAANO BA NAKUKUHA ANG TUBERKULOSIS?

 Ang tuberculosis ay nakukuha at


kumakalat sa pamamagitan ng mga
infected na indibidwal. Ang mikrobyo
ay kumakalat sa pamamagitan ng
pagbahing, pag ubo, pagsasalita ng
taong positibo sa karamdamang ito.
Sa pamamagitan ng hangin ang
maliliit na mikrobyong ito ay maaaring
malanghap ng isang indibidwal na
maari muling maging panibagong
host o tirahan ng mikrobyong ito kun
saan maaari na naman itong
magpadami.
ANO ANG MGA SINTOMAS NG PAGKAKAROON
NG TB?
1. Ubong higit sa 3 linggo
2. Ubong may dugo
3. Lagnat at pagpapawis
pagdating ng hapon o
gabi
4. Pananakit ng likod
5. Pagbaba ng timbang
ng katawan

TANDA NG TUBERKULOSIS:
MGA BAGAY NA MAAARING MAGBIGAY DAAN O
MAKAAPEKTO SA PAGKAKAROON NG TB?
 Pagkakaroon ng miyembro ng pamilya o kaibigan na
maysakit na TB
 Mahinang pangangatawan dala ng ibang karamdamang
taglay, e.q. Pasyenteng positibo sa HIV
 Paglipat ng tirahan sa isang bansang may mataas na
insidente ng populasyong positibo sa TB
 Paglalakbay sa mga lugar na may mataas na bilang nang
populasyon na positibo sa TB.
 Pagiging Lasenggo o Alkoholik, o Pag aabuso sa
pinagbabawal na gamot
 Malnutrisyon
 Walang permanenteng tirahan
ANG MGA PARAAN UPANG MALAMAN KUNG
AKO AY POSITIBO SA SAKIT NA TB?
 1. Ang pagmimikroskopyo ng plema at laway ay isang
simple at maaasahang paraan ng pagsusuri sa TB.
 2. Ang X-Ray ng dibdib ay isa ring mahalagang paraan
para ma-screen ang mga tao sa lugar na laganap ang TB
ng baga.
 3. Tuberculin Test. Kung saan iiniksyunan sa mababaw
na parte ng balat ang tao ng mikrobyong tubercle bacilli,
at kapag nagkaroon reaksyon dito ng at naging positibo
ang resulta nito sa loob ng 72 oras o tatlong araw,
positibo ang nagpatest nito.
ANO ANG MDR TB O MULTI-DRUG RESISTANCE TB?

 Ang MDR TB ay karamdaman na kung saan


may resistant sa isa o ilang uri ng gamot na
syang ginagamit para gamutin ang
tuberculosis.
 Nangyayari ang pagkakaroon ng MDR TB ng
isang tao, resulta ng maling gamutan, o di
pagsunod sa haba ng gamutang itinakda. Ito ay
nagreresulta sa mas malakas na uri ng
mikrobyo.
MGA BAGAY NA NAKAKAAPEKTO SA PAGKAKAROON
NG MULTI-DRUG RESISTANCE TB O MDR TB?

 Hindi pag sunod sa tagal ng gamutan, o


guidelines ng gamutan
 Kakulangan ng tamang impormasyon

 Aspetong Pinansyal :( Libre ang Gamot sa TB)

 Transportasyon

 Maling paniniwala ng Lipunan ukol sa taong


may sakit na TB
MAY LUNAS BA ANG TB O MDR TB?
TUBERKULOSIS:

Ang TB ay nagagamot.
 Isang masusi at responsableng gamutan ang
kailangan.
 Commitment ng pasyente sa gamutan

 Pagsunod sa mga alituntunin ng gamutan, sa


tamang bilang ng haba ng gamutan
MULTI-DRUG RESISTANCE TB:

 Ang MDR TB ay nagagamot.


 Sa pamamagitang ng mga Special na Institusyon
na may sapat na pasilidad at kaalaman sa pag
sugpo sa mga taong may ganitong uri ng
karamdaman.
ANO ANG REKOMENDADONG GAMOT PANG TB SA
BAGA SA PILIPINAS?

 Unang 2 buwan:
 Rifampicin, INH, Pyrazinamide Ethambutol araw-araw.

 Susunod na 4 na buwan:
 Ripampicin at INH araw-araw
AKO BA’Y HINDI MAKAKARANAS NG SIDE EFFECTS
KUNG LULUNOK AKO NG MARAMING TABLET NA PANG
GAMOT SA TB?
 Maaaring maramdaman mong gusto mong
maduwal o mahilo pagkatapos lumunok ng
gamot.
 Gayunpaman, unti-unti kang masasanay dito.
 Kung makakaranas ka ng panlalabo ng
paningin, panghihina ng pandinig, pananakit
ng kasu-kasuan o makakapansin ng paninilaw
ng mata, itigil mo ang mga gamot at
kumunsulta agad sa iyong doktor.
MAHAL ANG MGA GAMOT.SAAN AKO MAAARING
HUMINGI NG LIBRENG GAMOT?

 Sa mga itinakdang institusyon kagaya ng


Health Center.
 Sa mga intensibong institusyon na may sapat
kaalaman para sugpuin ang Multi Drug
Resistance Tuberkulosis.
PAALALA SA PASYENTE:
 1. Gagaling ka kung walang tigil ang panggagamot mo nang 6 na buwan
 2.Kapag nasimulan mo ang panggagamot sa TB, kumunsulta ka sa duktor mo minsan isang
buwan para sa pagsusuri at dagdag na payo tungo sa iyong lubusang paggaling.
 3. Takpang lagi ang bibig kapag umuubo at dumura lamang sa isang natatakpang sisidlan.
 4. Huwag mong tigilan ang panggagamot kahit umiige na ang iyong pakiramdam. Ang mas
mabuting pakiramdam ay hindi laging tanda na ikaw ay magaling na.
 Kumunsulta agad sa duktor kapag nakaramdam ka ng side effects na gaya ng panlalabo ng
paningin, pagiging mabuway, panghihina ng pandinig at paninilaw ng balat.
 Iwasan ang paninigarilyo, pananabako at pag-inom ng alak.
 Maaari kang makihalubilo sa iyong pamilya at sumalo sa pagkain pero lagi kang iinom ng
gamot.
“KONKLUSYON”
 Tuberkulosis
 San nakukuha ang TB
 Senyales ng pagkakaron ng TB
 Mga bagay na nakakaapekto sa pagkakaroon ng TB
 Pagsusuri sa TB
 Pinagkaiba ng Tuberculosis sa Multi Drug Resistance TB o
MDR TB
 Mga bagay na nakakaapekto sa pagakakaroon ng MDR TB
 Lunas sa TB at MDR TB
 Side effects ng gamot pang TB
 San makakakuha ng gamot pang TB
 Mga Paalaala sa tamang Gamutan sa pagsugpo sa TB
GIGI P. ESTRADA RN CORAZON J. CRUZ RN, MAN
HEAD NURSE (MEDICAL WARD) HEAD NURSE (ER/OPD)

PRESENTORS:
• Philippine Nurses Association

Mrs.Ginni Williams: ICN Speaker

Mrs. Merceditas Tiongson:


• International Council of Nurses Chief Nurse BMC

Mrs. Priscilla Vidal: Asst. Chief


Nurse and Training Officer BMC

• Bulacan Medical Center

“SALAMAT PO”

You might also like