You are on page 1of 18

School Based

Immunization
2018
ANO ang School Based
Immunization?
 Ito ay isa sa programa ng Department of
Health kasama ang Department of
Education ( Dep Ed) kung saan binibigyan
ng libreng bakuna ang mga batang nasa
Grade 1 at Grade 7 s mga pampublikong
paaralan.
 Ang mga bakunang ito ay aprobado ng
World Health Organization (WHO), kaya
siguradong ligtas at epektibo ang mga
ito.
KAILAN isinasagawa ang
School-Based Immunization?
 Ito
ay isinasagawa sa buong bansa, isang
beses sa isang taon sa buong buwan ng
Agosto
• Measles Mumps Rubella (MMR)
Grade 1 •
Vaccine
Tetanus Diptheria (TD) Vaccine

• Measles Mumps Rubella (MMR)

Grade 7 •
Vaccine
Tetanus Diptheria (TD) Vaccine
 Ang tigdas ay isang karamdaman kung saan nagkakaron ng
pamamantal o rashes sa buong katawan, pagkatapos ng ilang
araw na may mala-trangkasong pakiramdam (lagnat, ubo at sipon,
red eyes).

 Ito ay karaniwang sakit ng mga bata, mula edad 6 na buwan


hanggang 12 anyos.

 Ito ay dulot ng isang virus (Morbillivirus paramyxovirus) na


nabubuhay sa mucous ng ilong at lalamunan ng taong may
impeksyon. Ito ay maaaring makahawa sa pamamagitan ng
paglanghap ng hangin na may taglay ng virus — isang sitwasyon ng
maaaring mangyari kung may taong may tigdas na nasa paligid.
Maaaring kumalat o makahawa ito sa pamamagitan ng pag-ubo
at pagbahin. Tandaan na ang droplets ng sipon ay nanatiling aktibo
at nakakahawa sa loob ng dalawang oras. Ang virus ay nabubuhay
din sa labas ng katawan gaya ng mga muebles at hawakan ng
pinto.
Kapag natamaan ng tigdas, aabot ng mula 8
hanggang 12 araw bago tuluyang lalabas ang
mga sintomas nito, tulad ng sumusunod:
 Pagkakaroon ng lagnat, pamumula at
pananakit ng mata
 Tuyong ubo o dry cough
 Sipon
 Maliit na puting spot na karaniwang nasa loob
ng bibig (Koplik Spots)
 Walang gana sa pagkain, pagkahapo
 Pananakit ng katawan
 Pagtatae
 Pagsusuka
Kopliks Spots
 Ang tigdas hangin ay isang impeksyon na dala
virus, nagiging dahilan ng pagkakaroon ng maliliit
na pantal sa buong katawan. Bukod sa
pamamantal, ang mga tao na may tigdas hangin
ay nakararanas ng lagnat at pamamaga ng kulani.

 Angmga rashes ay nag-uumpisa sa mukha at leeg


hanggang sa kumalat na sa buong katawan

 Angmga sintomas ay nagtatagal hanggang 2 or 3


na araw
BEKE (Mumps)
 Ang beke o mumps isang sakit na dala ng Mumps virus na
karaniwang nakaka-apekto sa mga bata. Ang pinaka-mahalagang
sintomas ay kirot at implamasyon sa tagiliran ng panga dahil sa
pamamaga ng mga salivary glands o glandula ng laway. Bagamat
may bakuna na laban dito (MMR), ito’y isa paring karaniwang sakit
parin sa mga bata, at bagamat kusang nawawala ang sakit na
mumps, sa ilan ay maaari itong magdulot ng mga komplikasyon.

 Ito ay nakakahawa sa pamamagitan ng mga likido ng taong may


beke gaya ng laway, plema, at lura. Ang mga ito ay maaaring
matangay ng hangin bilang mga droplet. Kapag ang mga ito’y
dumikit o dumapo sa bibig, ilong, o mata ng isang tao, siya’y
maaaring mahawa ng beke. Sa pagsalo-salo ng pagkain at
pakikipaghalikan ay maaari ring mahawa ng beke.

 Maaari ring magkaroon ng lagnat at sakit sa ulo. Sa ibang kaso


maaari ring mamaga ang bayag (orchitis). Ito’y nangyayari lalo na sa
mga binata at mas matandang kalalakihan
 Ang tetano ay isang seryosong impeksyon na
umaatake sa nerves ng isang tao.
 Ang clostridium tetani ay isang bacteria na nagdudulot
ng tetano. Pumapasok ang bacteria sa loob ng
katawan sa pamamagitan ng sugat sa balat. Kung
mas malaki at mas madumi ang sugat ay mas mataas
ang tsansa ng tetano.
 Ang sintomas ng tetano ay ang lagnat, paninigas ng
bibig at mga masel sa leeg. Nahihirapan silang
lumunok at naninigas din ang tiyan at katawan. Madali
din sila masilaw at maingayan.
 Kapag nagkaroon ng sintomas ay mahirap na itong
gamutin. Puwede itong umabot sa hirap ng paghinga,
pagkabit sa isang ventilator at pagkamatay.
 Ang diptheria ay isang potensyal na nakamamatay at
nakakahawang bacterial infection na pangunahing
nakaaapekto sa ilong, lalamunan at kung minsan sa balat.
 Ito ay lubhang nakakahawa na kumakalat sa pamamagitan
ng pag-ubo at pagbahing o sa pakikipagsalamuha sa taong
may dipterya.
 Ang mga sintomas at senyales na kaugnay ng sakit na ito ay
maaaring maranasan matapos ang 2 hanggang 5 araw
mula sa pagkakahawa sa sakit. Narito ang mga sintomas na
maaaring maranasan:
 Makapal, at mala-abong patong o membrane sa lalamunan
 Pananakit ng lalamunan o sore throat
 Pamamaga ng mga kulani sa leeg
 Hirap sa paghinga
 Pagtulo ng sipon
 Lagnat
 Bigat ng pakiramdam
Paano ibinibigay ang bakuna?
 Ang
MMR at TD Vaccine ay binabakuna sa
magkabilang braso:

 MMR (Right)
 TD (Left)
TANDAAN
 Ang Dengue Vaccine o Dengvaxia ay
nabigay lamang sa mga lugar na mga
may mataas na kaso ng dengue gaya ng
Region III, NCR at Region IV-A.
 Ito ay naibigay sa mga batang my edad
9 y/o sa mga pampublikong paaralan.
 Ang Bicol Region lalo na ang Albay ay
hindi binigyan ng dengue vaccine at
hindi ito kasama sa mga bakuna sa
school based immunization.
Thank You!

You might also like