You are on page 1of 22

KABIHASNANG EGYPTIAN

- Ang sinaunang kasaysayan ng Egypt ay kadalasang hinahati sa


mga panahong batay sa dinastiya ng paghaharing pharoah.
Pharoah - tumatayong pinuno at hari ng sinaunang Egypt .
- tinuturing din bilang isang diyos na taglay ang mga
lihim ng langit at lupa .
- sila ang tagapagtanggol sa kanilang nasasakupan.
Kontrolado ng pharoah ang lahat ng aspekto ng pamumuhay
ng mga sinaunang Egyptian.
Tungkulin ng pharoah – Pagsasaayos ng irigasyon,
pagkokontrol sa kalakalan, pagtatakda ng mga batas,
pagpapanatili ng hukbo, at pagtiyak sa kaayusan ng Egypt.
- Ang mga iskolar na mag-aaral sa kasaysayan ng Egypt at
tinatawag na mga Egyptologist .
Pre- dynastic Nauna sa Panahon Nauna sa 3100
1
Period ng mga Dinastiya BCE

Early Dynastic Una at ikalawang


Panahon ng mga
2 Period Dinastiya (circa
Unang Dinastiya
3100-2670BCE)
Ikatlo hanggang
Old Kingdom ikaanim na
3 Matandang Kaharian
Dinastiya ( circia
2670-2150BCE )
First Ikapito hanggang
Intermediate Unang Intermedyang Ika-11 na Dinastiya
4
Period Panahon ( circia 2670-2040
BCE)
Ika-12 at Ika-13
Middle
5. Gitnang Kaharian Dinastiya (circia
Kingdom
2040-1650 BCE)
Ika-14 hanggang
Second Ikalawang
Ika-17 Dinastiya
6. Intermediate Intermedyang
(circia 1650-1550
Period Panahon
BCE)
Ika- 18 hanggang
Ika- 20 Dinastiya
7. New Kingdom Bagong Kaharian
(circia 1550-1070
BCE)
Ika-21 hanggang
Third Ikatlong
Ika-25 Dinastiya
8. Intermediate Intermedyang
(circa 1070-644
Period Panahon
BCE)
Ika-26 hanggang Ika-
9. Late Period Huling Panahon 31 Dinastiya (circa
664-330 BCE)

- Nangingibabaw ang bawat dinastiya hangga’t hindi ito napapatalsik


o walang tagapagmana sa trono.
- Ang mga petsa ng mga pangyayari sa kasaysayan ng Egypt ay
patuloy pa ring paksa ng mga pananaliksik kaya di pa maitakda ang
tiyak na petsa.
1 2 3 4 5 6 7 8

Nauna sa Panahon ng mga Dinastiya


Nile hieroglyphics nome nomarch

- Ang mga sinaunang Egyptian ay namuhay sa mga pamayanang


malapit sa Nile.
- Tulad sa Mesopotamia, sumasailalim sila sa pamamahala ng mga
lokal na pinunong may kontrol sa pakikipagkalakalan.
- Ang mga eskribano ay nakapaglinang din ng kanilang sariling sistema
ng pagsulat na tinatawag na hieroglyphics o nangangahulugang
“ sagradong ukit” o hieratic sa wikang Greek.
-Ang sinaunang panulat na ito ay naging mahalaga sa
pakikipagkalakalan at pagtatala ng mga pangyayari .
- Pagsapit ng ikaapat na milenyo BCE, ang ilang pamayanan ay naging
sentro ng pamumuhay sa sinaunang Egypt.
- Ang mga pamayanan ay tinawag na nome o malalayang
pamayanan na naging batayan ng mga binuong lalawigan ng
sinaunang estado ng Egypt.
- Ang mga pinuno ng mga nome o nomarch, ay unti- unting
nakapagbuklod ng isang estado sa Nile upang makabuo ng
panrehiyong pagkakakilanlan.
1 2 3 4 5 6 7 8 9

Panahon ng mga Unang Dinastiya


Upper Egypt Lower Egypt menes Memphis

- Ang proseso ng pagbuo ng isang estado ay nagtagal ng ilang siglo.


- Dalawang kaharian ang nabuo sa kahabaan ng Nile, ang Upper
Egypt, at Lower Egypt.
- Noong 3100 BCE, isang pinuno ng Upper Egypt, sa katauhan ni
Menes, ang sumakop sa lower Egypt na nagbigay daan upang mapagisa
ang lupain sa mahabang panahon.
Menes- pinaunang pharoah sa panahon ng unang dinastiya ng
Egypt.
- Pinag-isa ang dinastiya sa Egypt.
- Nagtalaga si Menes ng mga gobernador sa iba’t- ibang lupain.
- Ang Memphis ang naging kabisera sa panahon ng paghahari ni
Menes.
1 2 3 4 5 6 7 8 9

Matandang Kaharian
Great Pyramid Khufu Seven Wonders Pepi II

- Ang Matandang Kaharian ay nagsimula sa Ikatlong Dinastiya ng Egypt.


- Ang pyramid ng Egypt ay nagsilbing mga monumento ng kapangyarihan ng
mga pharoah at huling hantungan sa kanilang pagpanaw.
-Libo-libo ang nagsakripisyo sa pagtayo nito.
-Ilan sa halimbawa nito ang Great Pyramid ni Khufu o Cheops sa Giza
na itinayo noong 2600 BCE. Ito ay may lawak na 5.3 ektarya at may taas
na 147 metro
- Makalipas ang dalawang siglo ay nahinto ang pagtatayo ng pyramid.
- Sa kabuuan ay tinatayang may 80 lokasyon ang pinagtayuan ng mga
pyramid sa Egypt subalit ang karamihan sa mga ito ay gumuho na.
-Ito lang ang tanging estrakturang Egyptian na nananatili sa
kasalukuyang panahon.
-Kabilang ito sa Seven Wonders of the Ancient World na itinala ng
mga Greek na pinakamagandang arkitektura sa buong mundo.
- Bagama’t natigil na ang paggawa ng pyramid, itinuon na lamang
ng mga pharoah ang panahon sa iba pang mga pampublikong
gawain.
- Paghukay sa kanal upang iugnay ang Nile River at Red sea
para mapabilis ang kalakalan at transportasyon.
- Pagsipsip ng mga latian sa Nile Delta upang maging bagong
taniman.
- Si Pepi II ang kahuli-hulihang pharoah ng Ikaanim na Dinastiya (circa
90 BCE).
- Pinaniniwalaang tumagal ng 94 na taon ang kaniyang
pamumuno na nangangahulugang siya ang pinakamatagal na
naghari sa lahat ng hari sa kasaysayan.

Unang Intermedyang Panahon


- Sa pagsapit ng 2160 BCE, tinangka ng mga panibagong pharoah na
pagbukluring muli ang Lower Egypt mula sa kabisera nitong
Heracleopolis.
- Sa kabilang dako, ang kanilang mga katunggali sa Thebes ay binuo
naman ang Upper Egypt.
- Dahil dito ay nagsagupaan ang dalawang dinastiya sa Egypt.
- Ang mga pinuno mula sa Heracleopolis ay nagmula sa linya ng
pharoa na si Akhtoy samantalang ang unang apat na pinuno mula sa
Thebes ay pinangalanang Inyotef o Antef.
1 2 3 4 5 6 7 8 9

Gitnang Panahon
Mentuhotep I Itjtawy Amenemhet II Hyksos

- Natapos ang kaguluhang politikal nang manungkulan si Mentuhotep I.


- Sa mga sumunod na naghari, napag-isa mulu ang Egypt.
- Nalipat ang kabisera sa Itjtawy (ipinapalagay na ngayon ay El-Lisht) sa Lower
Egypt.
- Sa panahon ni Senusret I o Sesostris (1970-1926 BCE), nakipagtunggali siya sa
bahaging Nubia.
- Noong 1878 BCE, ipinagpatuloy ni Sensuret o Sesostris III (1878-1842 BCE) ang
kampanyang militar sa Nubia.
- Sa unang pagkakataon ay tinangka niyang palawakin ang kapangyarihan sa
Egypt hanggang sa Syria.
- Ang pinakamahusay na pinuno sa panahong ito ay si Amenemhet II (1929-1895 BCE)
na namayani sa loob ng 45 na taon.
Ika- 13 na Dinastiya
- Kaguluhan at pagdating ng mga Hyksos mula sa Asya ang namayani sa panahong
ito.
- Ang katagang Hyksos ay nangangahulugang “ mga prinsipe mula sa
dayuhang lupain”
- Sinamantala nila ang mga kaguluhan sa Nile upang makontrol ang lugar at
palawigin ang kanilang kapangyarihan sa katimugan.
- Nagsimula ang pamamayani ng mga Hyksos noong 1670 BCE at kanilang
napasailalim ang Egypt sa loob ng isang siglo.
- Hindi nagtagal, ang kanilang paggamit ng mga chariot at natutuhan din ng mga
Egyptian.
- Dahil sa kawalan ng kontrol sa kabisera, nagsimula ang panibagong panahon sa
kasaysayan ng Egypt.
Ikalawang Intermedyang Panahon
- Nagpatuloy ang pamamahala ng mga Ika-13 at Ika-14 na Dinastiya sa alinman
sa dalawang lugar, sa Itjtawy o sa Thebes. Subalit nang lumaon, nagsimulang
humina ang kanilang kontrol sa lupain.
- Ayon sa mga tala, ang Ika-13 na Dinastiya ay nagkaroon nh 57 na hari.
- Ito ay nagpapahiwatig ng kawalan ng kapanatagan at katatagan ng
pamamahala.
- Ang Ika-15 Dinastiya ay nangingibabaw sa isang bahaging Nile Deta.
- Ang naging panginahing banta sa mga pharoah ng Thebes ay ang Ika-16 na
Dinastiya na tinatawag ding Dinastiya ng Great Hyksos na namayani sa Avaris.
- Nagawang palawigin ng mga pinuno rito ang kanilang kapangyarihan hanggang
sa katimugang bahagi na umaabot sa Thebes.
- Ang pangingibabaw ng dinastiya ng mga Hyksos ay natapos sa pag-usbong ng
Ika-17 Dinastiya.
- Nagawang mapatalsik ng mga pinuno nito ang mga Hyksos mula sa Egypt.
1 2 3 4 5 6 7 8 9

Bagong Kaharian
Empire Age Ahmose Hatsheput Akhenaton Rameses II

- Ang Bagong Kaharian ay itinuturing na pinakadakilang panahon sa kabihasnang


Egyptian.
- Ito ay pinasimulan ng Ika-18 Dinastiya.
- Tinatawag din ito bilang Empire Age.
- Naitaboy ni Ahmose (1570-1564 BCE) ang mga Hyksos mula sa Egypt noong 1570
BCE.
- Sinimulan niya ang dinastiya ng mga dakilang pharoah mula sa Thebes at
namayani mula sa Delta hanggang Nubia sa katimugan.
- Panahon din ito ng agresibong pagpapalawak ng lupain ng Egypt sa kamay ng
malalakas na mga pharoah.
- Ang kapangyarihan ng Egypt ay umabot sa Nubia sa katimugan hanggang sa
Euphrates River sa Mesopotamia, sa lupain ng mga Hittie at Mitanni.
- Si Reyna Hatshepsut (1503-1483 BCE), asawa ni Pharaoh Thutmose II (1518-1504
BCE),ay kilala bilang isa sa mahusay na babaing pinuno sa kasaysayan.
- Siya ay nagpagawa ng mga templo at nagpadala ng ekpedisyon sa iba’t-
ibang mga lupain.
- Sa kanyang pagkamatay, lalo pang pinalawig ni Thutmose III (1504-1450
BCE) anak ni Thutmose II, ang imperyong Egypt.
- Isa sa tanyag na pharoah noonh ika-14 na siglo BCE ay si Amenophis IV o
Akhenaton (1350-1334 BCE).
- Tinangka niyang bawasan ang kapangyarihan ng mga pari sa
pamahalaan.
-Tinangka rin niyang baguhin ang paniniwala ng mga tao ukol sa pagsamba
sa maraming diyos.
- Pinasimulan niya ang bagong relihiyon na nakatuon sa pagsamba sa
iisang diyos, si Aton, na sinasagisag ng araw.
- Sa kasamaang palad, hindi tinangkilik ng mga pari ang ganitong
pagtatangka.
- Sa pagkamatay ni Akhenaton, tuluyang nawala ang kaniyang sinimulan.
- Siya ay pinalitan ni Tutankhamen (1334-1325 BCE) na noon ay siyam na
taong gulang pa lamang nang umupo sa trono.
- Ang Ika-19 na Dinastiya ay Pinasimulan ni Rameses I (1293-1291 BCE).
- Siya ay sinundan nina Seti (1291-1279 BCE) at Rameses II (1279-1213 BCE).
- Si Rameses II ay isa sa mahusay na pinuno ng mga panahong ito.
- Sa loob ng 20 taon, kinalaban niya ang Hittite mula sa Asia Minor na unti-
unting pumapasok sa Silangang bahagi ng Egypt.
- Natapos ang alitan ng Egypt at Hittite nang lumagda sa isang
kasunduang pangkapayapaan si Rameses II at Hattusilis III, ang hari ng
Hittie.
- Ito ang kauna-unahang kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng
dalawang imperyo sa kasaysayan ng daigdig.
-Pinaniniwalaang ang Exodus ng mga Jew mula Egypt ay naganap sa
panahon ng Rameses II.
-Muli na namang humina ang pamamahala sa Egypt sa kanyang
pagpanaw.
Ikatlong Intermedyang Panahon
- Ang Ika-21 Dinastiya, na tinawag din bilang Tanites, ay pinasimulan ni Smendes
(1070- 1044 BCE)ng Lower Egypt.
- Ang dinastiyang ito ay napalitan ng mga hari mula sa Libya na nagpasimula
naman sa Ika-22 Dinastiya.
- Ang unang pinuno nito ay si Shoshenq I (946-913 BCE) na isang heneral sa
ilalim ng nagdaang dinastiya.
- Sa panahong ito, maraming mga nagtunggaliang pangkat ang nagnanais
mapasakamay ang kapangyarihan.
- Humantong ito sa pagbuo ng Ika-23 Dinastiya
- Sa paglisan sa Egypt, sa Sudan, isang prinsipe ang kumontrol sa Lower Nubia
-Nang lumaon ay sinalakay ng nagngangalang Piye ang naghaharing Nile
Delta.
- Umabot ang kaniyang kapangyarihan hanggang sa Memphis.
- Nang lumaon ay sumuko ang kanyang katunggaling si Tefnakhte subalit
pinayagan siyang mamuno sa lower Egypt.
-Sinimulan nya ang Ika-24 na Dinastiya na hindi naman nagtagal.
1 2 3 4 5 6 7 8 9

Huling Panahon
Psammetichus Alexander the Great Cleopatra VII
- Nagsimula ang Ika-26 na Dinastiya sa ilalim ni Psammetichus (664-610 BCE).
- Nagawa niyang pagbuklurin ang Middle at Lower Egypt.
- Nakontrol niya ang buong Egypt noong 656 BCE.
- Sa ilalim ni Apries, isang hukbo ang ipinadala upang tulungan ang mga taga-
Libya na puksain ang kolonya ng Greece na Cyrene.
- Subalit ang malaking pagkatalo ng kaniyang hukbo ay nagdulot ng kaguluhang
sibil na humantong sa padhalili ni Amasis II (570-526 BCE).
- Hindi naglaon, napasakamay ng mga Persian ang Egypt.
- Ang pinuno ng mga Persian na si Cambyses II ang naging unang hari ng Ika-27
Dinastiya.
- Napalayas ng mga Egyptian ang mga Persian sa pagtatapos ng Ika-28 na
Dinastiya.
- Namuno ang mga Egyptian hanggang sa Ika-30 Dinastiya bagama’t
mahihinaang naging pinuno.
- Panandaliang bumalik sa kapangyarihan ang mga Persian at itinatag ang
Ika-30 Dinastiya.
- Noong 322 BCE, sinakop ni Alexander the Great ang Egypt at ginawa itong bahagi
ng kanyang Imperyong Hellenistic.
- Malawak ang saklaw ng kanyang imperyo na umabot sa Egypt ,Marcedonia
Asia Minor, Persia, Mesopotamia, hanggang Indus Valley sa India.
- Sa kanyang pagkamatay noong 323 BCE, naging satrap o gobernador ng
Egypt ang kanyang kaibigan at heneral na si Ptolemy.
- Noong 305 BCE, itinalaga ni Ptolemy ang kanyang sarili bilang hari ng Egypt at
pinasimulan ang panahong Ptolemaic.
- Ang Dinastiyang Ptolemaic ay naghari sa loob ng halos tatlong siglo.
- Si Cleopatra VII ang kahuli-hulihang reyna ng dinastiya.
- Ang Egypt ay naging bahagi ng Imperyong Roman noong 30 BCE.

You might also like