You are on page 1of 5

YOU’RE A FILIPINO,

AREN’T YOU?
IKAW AY FILIPINO, HINDI NAMAN DIBA?
“Ang Filipino ay parang kantang stupid love - komplikado” Eto
marahil yung sinasabi ng mga estudyanteng walang magawa kung di
aralin ang sayaw na BBoom BBoom ng Momoland. Sa katabi mo sa
jeep habang binabaybay yung kalsada patungo sa kanto ng bahay nyo
na ayaw paawat sa kakapanuod ng Kpop group nya. Di na narinig yung
katabi nyang ngawit na ang kamay sa kakaluntay na abutin nito ang
bayad at nangangarap na sana bago sya lumampas sa eskinita ay
makarating na kay kuyang driber ang kanyang pamasahe at makuha ang
sukli nyang tatlong piso. Sa mga chismosang social climber na updated
pa sa away ni Kris Aquino at ni Mocha. At sa kaklase mong walang
pinalampas sa pagreact sa mga pagmamayaman ni Senyora Santibanez.
Hay ang mga Filipino talaga-ang daming taym!
Hindi na nga siguro natin matatanggal ang pagiging
mapagmahal nating mga pinoy. Kung di ka maniniwala at
naghahanap pa ng ibedensya punta kang Fb at Twitter dami dun.
Subukan mo ding isearch si tasel girl tingnan ko kung di ka mapa
“break it down”. Sa sobrang mapagmahal nga natin masyado na
nating yinayakap ang mga kultura at mga produkto ng banyaga.
Ano nga ba ang masama kung ituro ang matematika sa sarili
nating wika? Dito pumapasok ang pagiging pilosopo ng ating mga
kababayan. Mapapanganga ka na lang talaga at mapaluhod ka pa with
matching matinding dasal sa sobrang galing nilang mamilosopo. Yung
skills nila umabot ng lvl 9999 kala mo naman naintindihan talaga nila
yung calculus at trigo nung tinuro ng English.
Dati isa lang ang uri ng transformer ngayon tatlo na. Una ang
mga robot na sasakyan na kinabibilangan ni Optimus Prime at nito lang
nadiskubre ang pangalawa - ang mga transformer nating mga
kababayan sa social media. Konting pulbos, nilutong pancit canton ng
nanay mo at konting anggulo lang sa kamera mas nagiging instant ka pa
sa cup noodles - Rapunzel. Hep! Hep! Hep! Di pa dyan matatapos. Sa
panghuli ibang usapan na. Ang mga transformer ng makabagong
panahon-kaibigan mo. Nagiging foreigner pag badtrip, lasing, gutom o
kahit sa mga post. Mapapa oh-may-gash ka nalang talaga. Dati ang
away ng mga pinoy palutungan ng mura ngayon pasosyalan na ng
murahan.
Hindi natin masisisi ang iba nating kababayan kung bakit nila ito
nagagawa. Marahil ay dahil sa haba ng panahon na tayo ay napasailalim
at naaalipin ng ibang lahi. Ngunit nararapat nga ba nating mahalin ang
mga kultura at produkto ng mga lahing sa atin ay nagpahirap? O
nararapat lamang na mas pagtibayin at pausbungin ang wikang
ipinaglaban ng ating mga bayani. Wikang naging susi sa ating Kalayaan.
Napakadami nating mga bayani andyan ang mga sundalo, pulis, guro,
estudyante, magulang, ang mga bagong bayani - OFW at ang bayani ng
modernong panahon-mga aktibista. Ngunit ano nga ba ang mga
pinaglalaban ng mga bayaning ito? Ikaw ano din ba ang pinaglalaban
mo?

You might also like