You are on page 1of 25

Post partum

family planning
Ang mga babae na katatapos lang
manganak ay bumubuo ng malaking bahagi
o porsyento sa mga hindi natutugunan ang
pangangailangan sa Family Planning.

Sa kasamaang palad, ang panahon pagkatapos manganak ay


kadalasang nakakaligtaang oportunidad para sa Family
Planning bilang isang panligtas-buhay para sa kalusugan ng
ina.

SOURCE: Based on Postpartum Family Planning by WHO, 2013


LAYUNIN NG LECTURE
Maipaalam ang kahalagahan ng Birth Spacing at
Postpartum Contraception

Maipaalam ang mga pamamaraan ng Postpartum


Contraception

Magbigay linaw sa mga pamahiin at maling paniniwala


tungkol sa Modern Contraceptive Methods
Ano ang Birth Spacing at
Postpartum Contraception?

Bakit ito mahalaga?


BIRTH SPACING
Ito ay puwang o pagitan ng pagbubuntis, mula sa
pagkasilang ng huling anak hanggang sa pagkasilang
ng sumunod na anak ng isang ina.

Ito ay tinatawag na 36-month rest period kung saan


ang katawan ng isang babae ay kailangang
magpahinga pagkatapos manganak.

Isang magandang ideya ang maghintay hanggang 36 na


buwan bago mabuntis muli. Para mapanatili ang malusog na
pangangatawan ng ina at kanyang anak.
SOURCE: Department of Health, http://www.doh.gov.ph/family-planning
Kapag ang panahon sa pagitan ng
pagbubuntis ay mas mababa sa 18 months,
maaaring ang pangangatawan ng isang ina
ay hindi magiging handa sa pagkakaroon ng
malusog na sanggol.

Kung ang pagitan ng pagbubuntis ay mas mababa sa 18


months, maaring mas mataas ang peligro ng:
• Premature birth
• Low birth weight

SOURCE: Delaware Health & Social Services/Division of Public Health, 2011


POSTPARTUM
Ay ang anim (6) na linggo pagkatapos ng
panganganak.

 May mga pag-aaral na nagpapatunay na ang paggamit ng


Postpartum Contraception ay nakakatulong sa pag-iwas ng
malapit na agwat ng panganganak.

 Ang malapit na agwat ng panganganak ay maaaring


magdulot ng adverse maternal, prenatal, at infant outcomes.

SOURCE: Department of Health, http://www.doh.gov.ph/family-planning


POSTPARTUM CONTRACEPTION

Lactation Amenorrhea Method (LAM)

Hormonal Contraception

Postpartum Intrauterine Device (IUD)

SOURCES: Postpartum Family Planning Supplement to The Philippine Clinical Standards Manual on Family Planning
POSTPARTUM CONTRACEPTION
Lactation Amenorrhea Method (LAM)
 mabisang proteksyon sa pagbubuntis hanggang anim na
buwan pagkatapos manganak
 walang nailathalang side-effects o kaya naman mga health
risks
 pumipigil sa obulasyon ng babae. Upang maging mabisa,
dapat mayroon lahat nitong sumusunod na kondisyon.

• Tanging gatas ng ina lamang ang ipinapasuso


• hindi pa muling bumabalik ang regla ng ina
• wala pang anim na buwan ang sanggol
Source: POGS and PSRP Clinical Practice Guideline 2nd Edition (Nov 2017); Postpartum Family Planning
Supplement to The Philippines Clinical Standard s Manual on Family Planning.
POSTPARTUM CONTRACEPTION
Hormonal Contraception
 Progestin-Only Pill

Progestin-Only injectable

Progestin Subdermal Implant

SOURCES: Postpartum Family Planning Supplement to The Philippine Clinical Standards Manual on Family Planning
MGA ADVANTAGES AT BENEFITS NG
Progestin- Only Pill
Ang Progestin-Only Pill na epektibo, ligtas,
at naaayon para sa mga nagpapasusong
ina, mga naninigarilyong kababihan at para
sa mga babae na hindi hiyang sa estrogen.

 Ito ay 99.5% epektibo sa perpektong paggamit at 99% epektibo sa tipikal


na paggamit.
 Ligtas para sa mga nagpapasusong kababaihan dahil ito ay hindi
nakakaapekto sa komposisyon at dami ng gatas ng ina at tagal ng
paggagatas.
 Ito ay pwedeng gamitin ng mga naninigarilyong ina na walang peligro sa
cardiovascular o cerebrovascular diseases.

SOURCES: Association of Reproductive Health professionals. A Quick reference Guide for Clinicians.
Choosing a Birth Control Method. 2011; The Clinical Standards Manual on Family Planning 2014 Edition.
Kailan maaaring simulan ang
paggamit ng progestin only pill?

Sa nagpapasuso: maaring simulan anumang oras


mula 6 na linggo hangang anim na buwan
pagkatapos manganak.
Sa hindi nagpapasuso: maaring simulan sa loob
ng 3 linggo pagkatapos manganak.

Ito rin ay inererekomenda sa mga pasyente na


may heart/vascular problems at sa mga
naninigarilyong ina.
SOURCES: Association of Reproductive Health professionals. A Quick reference Guide for Clinicians.
Choosing a Birth Control Method. 2011; The Clinical Standards Manual on Family Planning 2014 Edition.
MGA ADVANTAGES AT BENEFITS NG
Progestin- Only Injectable

katulad ng DMPA
Ang Depo-Medroxyprogesterone Acetate
(DMPA) ay isang Progestin-Only Injectable na
maaring gamitin ng nagpapasuso at hindi
nagpapasusong ina. Ito rin ay hindi nakakaapekto
sa produksyon at kalidad ng gatas pati na rin sa
kalusugan ng sanggol.

 Ito ay 99.7% epektibo sa perpektong paggamit at 97%


epektibo sa tipikal na paggamit.
 Madaling gamitin, kada 3 buwan ang pagpapa-iniksyon.

SOURCES: Postpartum Family Planning Supplement to The Philippine Clinical Standards Manual on Family Planning
Kailan maaaring simulan ang
paggamit ng DMPA?

 Sa nagpapasuso: (6) anim na lingo pagkatapos


manganak
 Sa hindi nagpapasuso: maaring simulan sa loob
ng 3 linggo pagkatapos manganak.

SOURCES: Postpartum Family Planning Supplement to The Philippine Clinical Standards Manual on Family Planning
MGA ADVANTAGES AT BENEFITS NG
Progestin Subdermal
Implant
Ang Progestin Subdermal Implant na
epektibo, ligtas na alternatibo na pwedeng
piliin ng mga kababaihan na pumipili ng
hormonal na contraception

 Ito ay 99.5% epektibo sa perpektong paggamit at 99% epektibo sa tipikal


na paggamit
Kailan maaaring simulan ang
paggamit ng progestin subdermal
implant?

Sa nagpapasuso: maaring simulan anumang oras


mula 21-28 na araw pagkatapos manganak.
Sa hindi nagpapasuso: maaring simulan sa loob
ng 4 linggo pagkatapos manganak.

SOURCES: Association of Reproductive Health professionals. A Quick reference Guide for Clinicians.
Choosing a Birth Control Method. 2011; The Clinical Standards Manual on Family Planning 2014 Edition.
POSTPARTUM CONTRACEPTION
Postpartum Intrauterine Device (IUD)
 Ito ay epektibo at ligtas na pamamaraan ng postpartum
contraception at walang epekto sa dami at kalidad ng gatas
ng ina.

Ito ay 99.4% epektibo sa perpektong paggamit at 99.2%


epektibo sa tipikal na paggamit.

 Long-acting reversible contraception (12 years)

 Abot-kayang pamamaraan ng postpartum contraception

SOURCES: Postpartum Family Planning Supplement to The Philippine Clinical Standards Manual on Family Planning,
The Philippine Clinical Standards Manual on Family Planning 2014 edition.
Kailan maaaring simulan ang
paggamit ng Postpartum IUD?

 Pagkatapos manganak:
• 10 minuto pagkalabas ng placenta
• 48 oras pagkatapos manganak

SOURCES: The Philippine Clinical Standards Manual on Family Planning 2014 edition.
Mga
Pamahiin at Maling Paniniwala
ng mga
Breastfeeding Moms
sa paggamit ng
MODERN CONTRACEPTIVE METHODS
• May pills na hiyang sa
nagpapasusong ina at safe para
Nakakaapekto ba ang kay baby.
pills sa
• Gumamit lamang ng Progestin-
nagpapasusong ina sa Only Pills. Hindi ito nakakaapekto
sa dami at kalidad ng gatas ng ina
kanyang anak? at hindi nito naaapektuhan ang
kalusugan ni baby

SOURCE: World Health Organization. Medical Eligibility Criteria for Contraceptive Use. Fourth Edition, 2009. WHO Press Geneva,
Switzerland; 2010; World Health Organization, John Hopkins Bloomberg School of Public Health/Center for Communication
Programs. Decision-Making tool for family planning clients and providers. Baltimore, Maryland, INFO and Geneva, WHO;2005
• Ayon sa mga eksperto, walang
relasyon ang tagal ng paggamit ng
Pills sa kakayahang ng isang
May epekto ba ang babaeng magbuntis.
Pills sa kakayahang
• Ang kakayahang magbuntis ay
magbuntis? karaniwang bumabalik sa loob ng
isa hanggang anim na buwan
pagkatapos tumigil mag-Pills

SOURCE: World Health Organization. Medical Eligibility Criteria for contraceptive use. Fourth Edition, 2009. WHO press: Geneva,
Switzerland; 2010. WHO, John Hopkins Bloomberg School of Public Health/Center for Communication Programs.
Family Planning: a global handbook for providers. 2011 update
• Hindi totoo na ang pag-inom ng
Pills ay nagiging sanhi ng cancer.
Ang pag-inom ba ng
Pills ay sanhi ng • Sa katunayan, ang Pills ay
nagbibigay pa ng proteksyon
cancer? laban sa cancer sa endometrium
at obaryo.

SOURCE: WHO, John Hopkins Bloomberg School of Public Health/Center for Communication Programs. Family Planning:
a global handbook for providers, 2011 update; Pillitteri A. Maternal & Child Health Nursing: Care of the Childbearing
& Childrearing Family. Volume 1, 6th edition. Lippincott Williams & Wilkins: Philadelphia, PA; 2010; National Cancer
Institute of the National Institutes of Health Fact Sheet: Oral Contraceptives and cancer risk; Tao MH, et al. Oral
contraceptive and IUD use of endometrial cancer: a population-based case-control study in Shanghai, China. Int J
cancer 2006

You might also like