You are on page 1of 46

EKONOMIKS

Araling Panlipunan
Gabay sa Pagtuturo
DEPED COPY
Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga
edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo,
at/o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa
larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi
sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas

i
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
EKONOMIKS
Araling Panlipunan – Gabay sa Pagtuturo
Unang Edisyon 2015

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring

magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan
na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay ng isang
kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society
(FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kakatawan sa paghiling ng kaukulang pahintulot
sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Pinagsumikapang matunton
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Tanging mga institusyon at kompanyang nakipagkontrata sa FILCOLS at yaong
nakasaad lamang sa kasunduan, ang maaaring kumopya mula dito sa Gabay sa
Pagtuturo. Ang hindi nakipagkontrata sa FILCOLS ay dapat, kung ninanais makakopya,
makipag-ugnay nang tuwiran sa mga tagapaglathala at sa mga may-akda.
sa flcols@gmail.com ang mga
Maaaring tumawag may-akdasa
sa FILCOLS attelepono
tagapaglathala.
blg. (02) 439-2204 o mag-email

DEPED COPY
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, Ph.D.

Mga Bumuo ng Gabay sa Pagtuturo

Konsultant: Dr.Jose V. Camacho, Jr., Amella L. Bello,
Niño Alejandro Q. Manalo, at Rodger Valientes
Mga Manunulat: Bernard R. Balitao, Martiniano D. Buising, Edward D.J. Garcia,
Apollo D. De Guzman, Juanito L. Lumibao, Jr.,
Alex P. Mateo, at Irene J. Mondejar
Kontibutor: Ninian Alcasid, Romela M. Cruz, Larissa Nano, at Jeannith Sabela
llustrator: Eric S. de Guia, Ivan Slash Calilung, Gab Ferrera, Marc Neil Vincent
Marasigan, Erich Garcia
Layout Artist: Ronwaldo Victor Ma. A. Pagulayan, Donna Pamella G. Romero
Management Team: Dir. Joyce DR. Andaya, Dr. Jose D. Tuguinayo,Jr,
Dr. Rosalie B. Masilang, Dr. Enrique S. Palacio, at
Mr. Edward D. J. Garcia

Inilimbag sa Pilipinas ng ____________

Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)
Offce Address: 5th Floor Mabini Bldg, DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072
E-mail Address: imcsetd@yahoo.com

ii
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
YUNIT I

MGA PANGUNAHING KONSEPTO NG EKONOMIKS

PANIMULA AT MGA GABAY NA TANONG

Bawat tao ay humaharap sa iba’t ibang sitwasyon sa araw-araw. Kalimitan,

magkakaiba ang kanilang mga karanasan ayon sa kanilang mga kagustuhan at
pangangailangan. Ang kanilang pagtugon ay batay sa kanilang interes at preperensiya
o pinipili.

Sa kabila nito, hindi maikakaila na kaalinsabay ng pagtugon sa mga

pangangailangan at kagustuhan ay nahaharap sila sa suliranin na dulot ng kakapusan
ng pinagkukunang-yaman.

Ang modyul na ito ay naglalayong maipamalas ng mga mag-aaral ang kanilang

pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino
at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay. Layunin din nitong maisabuhay ng
mga mag-aaral ang mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng
matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.

DEPED COPY
Pamantayang Pangnilalaman
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

Pamantayang Pagganap

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- Naisasabuhay ang pag-unawa sa mga

unawa sa mga pangunahing konsepto pangunahing konsepto ng Ekonomiks
ng Ekonomiks bilang batayan ng bilang batayan ng matalino at maunlad na
matalino at maunlad na pang-araw-araw pang-araw-araw na pamumuhay
na pamumuhay

Sa araling ito, inaasahan na matutuhan mo ang sumusunod:

• Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-

araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral
ARALIN 1:
at kasapi ng pamilya at lipunan
KAHULUGAN NG
EKONOMIKS
• Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-
araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng
lipunan

1
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
• Naipakikita ang ugnayan ng kakapusan sa pang-
araw-araw na pamumuhay

• Natutukoy ang mga palatandaan ng kakapusan sa

ARALIN 2: pang-araw-araw na buhay
KAKAPUSAN
• Nakabubuo ng konklusyon na ang kakapusan ay
isang pangunahing suliraning panlipunan

• Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang mala-

banan ang kakapusan

• Nasusuri ang kaibahan ng kagustuhan (wants) sa

pangangailangan (needs) bilang batayan sa pagbuo
ng matalinong desisyon

• Naipakikita ang ugnayan ng personal na kagustuhan

ARALIN 3: at pangangailangan sa suliranin ng kakapusan
ANGANGAILANGAN
• Nasusuri ang herarkiya ng pangangailangan
AT KAGUSTUHAN
• Nakabubuo ng sariling pamantayan sa pagpili ng
mga pangangailangan batay sa mga herarkiya ng

DEPED COPY
pangangailangan

• Nasusuri ang mga salik na nakakaimpluwensiya sa

pangangailangan at kagustuhan
• Nasusuri ang kaugnayan ng alokasyon sa kakapusan,
pangangailangan at kagustuhan

ARALIN 4: • Napahahalagahan ang paggawa ng tamang desisyon

ALOKASYON upang matugunan ang pangangailangan

• Nasusuri ang mekanismo ng alokasyon sa iba’t

ibang sistemang pang-ekonomiya bilang sagot sa
kakapusan

• Naipaliliwanag ang konsepto ng pagkonsumo

• Nasusuri ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo

ARALIN 5:
PAGKONSUMO • Naipamamalas ang talino sa pagkonsumo sa pamamagitan
ng paggamit ng pamantayan sa pamimili

• Naipagtatanggol ang mga karapatan at nagagampanan

ang mga tungkulin bilang isang mamimili

2
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
• Naibibigay ang kahulugan ng produksiyon
ARALIN 6: • Napahahalagahan ang mga salik ng produksiyon
PRODUKSIYON at ang implikasyon nito sa pang-araw-araw na
pamumuhay

AR ALIN 7:
• Nasusuri ang mga tungkulin ng iba’t ibang organi-
MGA ORGANISASYON
sasyon ng negosyo
NG NEGOSYO

GRAPIKONG PANTULONG

Limitadong pinagkukunang-
Walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan yaman

DEPED COPY KAKAPUSAN

Pagkonsumo ALOKASYON Produksiyon

EKONOMIKS

3
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
PANIMULANG PAGTATAYA
Panuto: Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel.

( K ) 1. Sa ilalim ng command economy, ang mga pagpapasya kung anong produkto

at serbisyo ang dapat na likhain ay nakasalalay sa kamay ng;

A. konsyumer
B. prodyuser
C. pamilihan
D. pamahalaan

( K ) 2. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang-yaman

tulad ng yamang likas, yamang tao, at yamang kapital. Bakit nagkakaroon ng
kakapusan sa mga ito?

A. Dahil limitado ang mga pinagkukunang-yaman at walang katapusan

ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
B. Dahil sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga
pinagkukunang-yaman
C. Dahil sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga
produktong ibinebenta sa pamilihan
D. Dahil likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunang-

DEPED COPY yaman ng bansa

( K ) 3. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa
paggawa ng desisyon?

A. Isaalang-alang ang mga paniniwala, mithiin, at tradisyon

B. Isaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan
C. Isaalang-alang ang opportunity cost sa pagdedesisyon
D. Isaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon

( K ) 4. Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay naglalarawan ng ugnayan at pangunahing

gawain ng bawat sektor ng ekonomiya. Alin sa sumusunod ang naglalarawan
sa bahaging ginagampanan ng sambahayan?
A. Nagmamay-ari ng salik ng produksiyon
B. Gumagamit ng mga salik ng produksiyon
C. Nagbabayad ng upa o renta sa lupa
D. Nagpapataw ng buwis sa bahay-kalakal

4
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
( K ) 5. Ang produksiyon ay isang gawaing pang-ekonomiya na dapat bigyang-pansin
ng pamahalaan. Ito ay may kinalaman sa
A. paggamit ng mga produkto at serbisyo.
B. paglikha ng mga produkto at serbisyo.
C. paglinang ng likas na yaman.
D. pamamahagi ng pinagkukunang- yaman.

( P ) 6. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?

A. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning
pangkabuhayan na kinakaharap.
B. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakakaimpluwensiya
sa kanyang pagdedesisyon.
C. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga
suliraning pangkabuhayan.
D. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kanyang walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.

( P ) 7. Ang kakapusan ay maaaring magdulot ng iba’t ibang suliraning panlipunan.

Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng suliraning ito?

DEPED COPY
A. Maaari itong magdulot ng kaguluhan sa mga taong nakararanas nito.
B. Tumataas ang presyo ng mga bilihin kung kaya nababawasan ang
kakayahan ng mga mamimili na bumili ng iba’t ibang produkto at serbisyo.
C. Pag-init ng klima na nagdudulot ng mas malalakas na bagyo at mahabang
panahon ng El Niño at La Niña.
D. Nagpapataas ng pagkakataong kumita ang mga negosyante.

( P ) 8. Sa bawat pagpapasya ay kalimitang may trade-off at opportunity cost. Ang

trade-off ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay upang makamit
ang ibang bagay at ang opportunity cost ay ang halaga ng bagay o ng best
alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. Bakit may
nagaganap na trade-off at opportunity cost?
A. Dahil walang katapusan ang kagustuhan ng tao
B. Dahil sa limitado ang kaalaman ng mga konsyumer
C. Dahil may umiiral na kakapusan sa mga produkto at serbisyo
D. Upang makagawa ng produktong kailangan ng pamilihan

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
( P ) 9. Kung uunahin ang pangangailangan kaysa kagustuhan, ang sumusunod ay
maaaring maganap maliban sa _______.

A. hindi maisasakatuparan ang lahat ng layunin

B. magiging pantay ang distribusyon ng mga pinagkukunang-yaman
C. maaaring malutas o mabawasan ang suliranin sa kakapusan
D. magiging maayos ang pagbabadyet

( P ) 10. Si Abraham Maslow ay kilala sa modelo ng herarkiya ng pangangailangan.

Batay dito, isaayos ang sumusunod mula sa pinakamababa hanggang
pinakamataas ayon sa antas nito.

1. Responsibilidad sa lipunan
2. Pangangailangan sa seguridad
3. Pisyolohikal at biyolohikal
4. Pangangailangan sa sariling kaganapan
5. Pangangailangan sa karangalan

A. 2, 3, 4, 5, 1
B. 1, 2, 3, 4, 5

DEPED COPY
C.
D.
3, 2, 1, 5, 4
4, 5, 1, 2, 3

( P ) 11. Ang bawat salik ng produksiyon ay mahalaga sa paglikha ng mga produkto at

serbisyo. Ang bawat salik kapag ginamit ay may kabayaran tulad ng
A. Upa sa kapitalista, sahod sa lakas-paggawa, tubo sa may-ari ng lupa, at
interes para sa entreprenyur
B. Upa sa may-ari ng lupa, sahod sa lakas-paggawa, interes sa kapitalista,
at tubo sa entreprenyur
C. Sahod sa entreprenyur, upa sa lakas-paggawa, interes sa kapitalista, at
tubo sa entreprenyur
D. Tubo sa may-ari ng lupa, sahod sa lakas-paggawa, upa sa kapitalista, at
interes sa entreprenyur

6
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
Gamitin ang talahanayan sa ibaba sa tanong sa aytem 12.

HOUSEHOLD FINAL CONSUMPTION EXPENDITURE

AT CURRENT PRICES, IN MILLION PESOS
Annual 2012 and 2013
At Current Prices
ITEMS Growth
2012 2013 Rate
(%)
HOUSEHOLD FINAL CONSUMPTION EX-
PENDITURE 7,837,881 8,455,783 7. 9

1. Food and Non-alcoholic Beverages 3,343,427 3,596,677 7. 6

110 , 0 5 9
2. Alcoholic Beverages, Tobacco 100,930 116 , 6 3 5 9.0
3. Clothing and Footwear 108,492 7. 5

4. Housing, water, Electricity, Gas, and 965,753 1, 0 6 2 ,10 0 10.0

Other Fuels
5. Furnishings, Household Equipment, 310,249 3 2 6 ,10 1 5 .1
and Routine Household Maintenance
6. Health 199,821 218,729 9.5
7. Transport 8 3 7, 5 6 9
894,369 6.8

DEPED COPY
2 47, 9 4 6
8. Communication 142,8 51 264,281 6.6
9. Recreation and Culture 302,772 154,391 8 .1

10. Education 334,586 10.5

318,553
11. Restaurants and Hotels 291,460 9.3
1,059,301
12. Miscellaneous Goods and Services 9 8 6 , 611 7. 4
Pinagkunan: http://www.nscb.gov.ph retrieved on 30 January 2014

( P ) 12. Alin sa sumusunod na pahayag ang may katotohanan batay sa talahanayan?

A. Malaking bahagi ng gastos sa pagkonsumo ng sambahayan ay nagmumula
sa edukasyon.
B. Nagpakita ng pagbaba sa kabuuang gastos sa pagkonsumo sa pagitan ng
taong 2012-2013.
C. Pinakamababa ang gastos sa pagkonsumo ng sambahayan sa
komunikasyon.
D. Nagpakita ng pagtaas sa kabuuang gastos sa pagkonsumo sa pagitan
ng taong 2012-2013.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
( U ) 13. Sa mga punto ng Production Possibilities Frontier o PPF ay maituturing na
mayroong production effciency. Ano ang kaugnayan ng PPF sa kakapusan.
Piliin ang pinakatamang sagot?
A. Ang hangganan ng PPF ay nagpapakita ng kakulangan sa mga pinagku-
kunang-yaman.
B. Ito ang mga plano ng produksiyon upang kumita nang malaki at mabawi
ang gastos sa paggawa ng produkto.
C. Ang PPF ay nagpapakita ng plano ng produksiyon batay sa kakayahan ng
isang ekonomiya na lumikha ng produkto.
D. Sa pamamagitan ng PPF ay maipakikita ang iba’t ibang alternatibo sa
paglikha ng produkto upang magamit nang episyente ang mga limita-
dong pinagkukunang-yaman.

( U ) 14. Ang kagustuhan at pangangailangan ay dalawang magkaibang konsepto.

Maituturing na kagustuhan ang isang bagay kapag higit ito sa batayang
pangangailangan. Kailan maituturing na batayang pangangailangan ang isang
produkto o serbisyo?
A. Magagamit mo ito upang maging madali ang mahirap na gawain.
B. Nagbibigay ito ng kasiyahan at kaginhawaan.
C. Hindi mabubuhay ang tao kapag wala ang mga ito.

DEPED COPY
D. Makabibili ka ng maraming bagay sa pamamagitan nito.

( U ) 15. Papaano mo ipaliliwanag ang kasabihang “There isn’t enough to go around”

na nagmula kay John Watson Howe?
A. Limitado ang mga pinagkukunang-yaman kaya’t hindi ito sasapat sa
pangangailangan ng tao.
B. Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayundin ang mga
pinagkukunang-yaman.
C. Ang walang pakundangang paggamit ng pinagkukunang-yaman ay
hahantong sa kakapusan.
D. May hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman sa buong
daigdig.

( U ) 16. Kung ikaw ay kabilang sa sistemang command economy, alin sa sumusunod

ang hindi nagpapakita ng gampanin ng kasapi ng sistemang ito?
A. Ang iyong katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula sa utos ng pamahalaan
batay sa plano.
B. Malaya kang kumikilos ayon sa sariling interes nang walang
pakikialam ng pamahalaan.
C. Sama-samang isinasagawa ang mga gawain at pakinabang sa
pinagkukunang-yaman.
D. May kalayaan ang mamamayan ngunit may kontrol pa rin ang pamahalaan
sa ilang gawain.

8
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
( U ) 17. Kailan masasabing matalino kang mamimili?
A. Gumagamit ng credit card sa iyong pamimili at laging inaabangan ang
pagkakaroon ng sale.
B. Segunda mano ang binibili upang makamura at makatipid sa pamimili na
pasok sa badyet.
C. Sumusunod sa badyet at sinusuri ang presyo, sangkap, at timbang
ng produktong binibili.
D. Bumibili nang labis sa pangangailangan upang matiyak na hindi mauubusan
sa pamilihan.

( U ) 18. Sa papaanong paraan mo maitataguyod ang karapatan sa tamang

impormasyon?
A. Pag-aralan ang nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami, at
komposisyon ng produkto.
B. Palaging pumunta sa timbangang-bayan upang matiyak na husto ang
biniling produkto.
C. Pahalagahan ang kalidad at hindi ang tatak ng produkto o serbisyong
bibilhin.
D. Palagiang gumamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang

kapaligiran.

DEPED COPY
( U ) 19. Ano ang ipinahihiwatig ng ilustrasyon sa ibaba ukol sa produksiyon?
A. Ang produksiyon ay isang proseso ng pagsasama-sama ng output tulad
ng produkto at serbisyo ubang mabuo ang input tulad ng lupa, paggawa,
kapital, at kakayahan ng entreprenyur.
B. Ang produksiyon ay ang proseso ng pagsasasama-sama ng mga
input tulad ng lupa, lakas-paggawa, kapital, at entreprenyur upang
makabuo ng produkto at serbisyo.
C. Magaganap lamang ang produksiyon kung kompleto ang mga salik na
gagamitin dito.
D. Magiging mas produktibo ang produksiyon kung mas marami ang lakas-
paggawa kaysa sa mga makinarya.

Input Proseso Output

• Kalakal o serbisyo
• Lupa • Pagsasama-sama pangkunsumo;
• Paggawa ng materyales, Kalakal o serbisyo
entrepreneurship na gamit sa
• Kapital o Puhunan
Entrepreneurship paggawa, kapital,
paglikha ng ibang
• Entrepreneurship at entrepreneurship produkto

9
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
( U ) 20. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapahayag ng kahalagahan ng produksiyon
sa pang-araw-araw na pamumuhay?
A. Ang produksiyon ang pinagmumulan ng mga produktong kailangang
ikonsumo sa pang-araw- araw
B. Ang produksiyon ay lumilikha ng trabaho.
C. Ang pagkonsumo ang nagbibigay- daan sa produksiyon ng produkto at
serbisyo, kaya dahil dito masasabing mas mahalaga ang produksiyon
kaysa sa pagkonsumo.
D. Ang mga kinita mula sa bawat salik ng produksiyon ay nagagamit ng
sambahayan sa pagbili ng produkto at serbisyo.

Mga Sagot:
1. D 11. B
2. A 12. D
3. C 13. D
4. A 14. C
5. B 15. A
6. D 16. B

DEPED COPY
7. Maaring walang sagot 17. C
8. A or C 18. A
9. B 19. B
10. C 20. C

10
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
PANIMULA

Araw-araw ay gumagawa ng desisyon ang tao mula sa simple hanggang sa

pinakakumplikado. Nagpapasya siya kung ano at alin ang higit na mahalaga sa mara-
mi niyang pamimilian. Bata man o may edad, basta’t may pangangailangan at ka-
gustuhan na kailangang mapunan, ay masasabing maiuugnay ang kanyang sarili sa
ekonomiks. Kumakain at umiinom ang tao araw-araw, ang kanin na kanyang kinakain
ay nagmula sa palay na itinanim ng mga magsasaka, ibebenta sa pamilihan, at binibili
ng mga tao. Ang ulam tulad ng isda ay hinuhuli ng mga mangingisda, dinadala sa mga
pamilihan, at binibili ng mga tao.

Sa kabila ng lahat, mapapansin na mayroong kaayusang nag-uugnay sa bawat

isa. Halos lahat ng produkto at serbisyo na dumarating sa mga tahanan ay tila isang
palaisipan kung saan nagmula at kung paano naihahatid sa mga tao mula sa lumikha
nito. Mas madalas nga, hindi mo pa nararating ang lugar kung saan nagmula ang
produkto at serbisyong kinokunsumo mo. Kaugnay nito, naisip mo ba kung ano ang
ekonomiks, at ano ang kaugnayan nito sa pang-araw-araw na pamumuhay?

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan ang mga mag-aaral na makapaglalapat

ng kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-
aaral at kasapi ng pamilya at lipunan. Gayun din, ang maitaya ng mga mag-aaral ang
kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay.

DEPED COPY ARALIN 1:

KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS

ALAMIN

Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa kaalaman ng mga mag-

aaral tungkol sa mga pangunahing konsepto ng ekonomiks at kung paano ito
magagamit bilang batayan ng matalinong pagpapasya sa pang-araw-araw na
pamumuhay.

11
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
Gawain 1: OVER SLEPT

Ipasuri ang larawan sa ibaba at bigyan ito ng sariling interpretasyon.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ipinapakita sa larawan?
2. Naranasan mo na ba ang sitwasyong katulad ng nasa larawan? Sa
anong uri ng sitwasyon? Ipaliwanag.

DEPED COPY
3. Paano ka gumagawa ng desisyon kapag nasa gitna ka ng maraming
sitwasyon at kailangan mong pumili? Ipaliwanag.

Gawain 2: THINK, PAIR, AND SHARE

Ipasuri ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum. Pagpasyahan kung ano
ang pipiliin mo sa Option A at B. Ipasulat sa ikatlong kolum ang desisyon ng mga
mag-aaral at sa ika-apat na kolum ang dahilan ng kanilang naging pasya.

Option A Option B Desisyon Dahilan

Pagtatrabaho
1. Pagpapatuloy ng
pagkatapos ng high
pag-aaral sa kolehiyo
school
Pagsakay ng jeep o
2. Paglalakad papunta
tricycle papunta sa
sa paaralan
paaralan
3. Paglalaro sa parke Pagpasok sa klase

4. Pananaliksik sa
Pamamasyal sa parke
aklatan
5. Pakikipagkwentuhan Paggawa ng takdang-
sa kapitbahay aralin

12
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
Pamprosesong Tanong:
1. Bakit kailangang isaalang-alang ang mga pagpipilian sa paggawa ng
desisyon?
2. Ano ang naging batayan mo sa iyong ginawang desisyon? Naging makatuwiran
ka ba sa iyong pasya?

Sa susunod na bahagi ay sasagutan ng mga mag-aaral ang isang tsart

upang inisyal na masukat ang kanilang nalalaman tungkol sa kahalagahan ng
ekonomiks.

Gawain 3: BAITANG NG PAG-UNLAD

Ipasulat sa kahon sa kanan ng larawan ang paunang kaalaman ng mga mag-

aaral kung ano ang kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks sa pang-araw-araw
na pamumuhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan. Makikita at
pasasagutan mo rin ang katanungang ito pagkatapos ng lahat ng gawain at babasahin
sa bahaging PAUNLARIN at PAGNILAYAN. Inaasahang makita sa gawaing ito ang
pag-unlad ng kaalaman ng mga mag-aaral sa mga paksang aralin.

Ano
Anoang
angkahalagahan
kahalagahan ng ekonomikssasa
ng ekonomiks iyong
iyong pang-araw-araw
pang-araw-araw na na
pamumuhay
pamumuhaybilang isang
bilang mag-aaral
isang at kasapi
mag-aaral ng pamilya
at kasapi at lipunan?
ng pamilya, at lipunan?

DEPED COPY INITIAL NA KAALAMAN

_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
. _________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________

Matapos maorganisa ang mga paunang kaalaman ng mga mag-aaral

tungkol sa kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na buhay,
ihanda sila sa susunod na bahagi ng aralin upang higit nilang maunawaan ng mas
malalim ang konsepto ng ekonomiks.

13
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
PAUNLARIN

Matapos malaman ng mga mag-aaral ang mga paunang impormasyon

tungkol sa aralin, ngayon naman ay lilinangin ang mga kaalamang ito sa
tulong ng mga teksto at mga gawain na inihanda upang maging batayan nila
ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan
ng mga mag-aaral ang mahahalagang ideya tungkol sa ekonomiks. Mula
sa mga inihandang gawain at teksto, inaasahang magagabayan sila upang
masagot ang katanungang kung ano ang kahulugan at kahalagahan ng
Ekonomiks sa pang-araw-araw na buhay bilang isang mag-aaral at kasapi
ng pamilya at lipunan.

Gawain 4: MIND MAPPING

Ipaayos ang ginulong pigura ng mind map. Ipasulat sa text box ng mind map ang
mga konseptong nakalahad sa talahanayan sa ibaba. Gamiting batayan sa pagbuo ang
arrows at lines.

DEPED COPY
Walang katapusang
pangangailangan at
MGA KONSEPTO

EKONOMIKS
Kakapusan sa
pinagkukunang-yaman
kagustuhan ng tao

Mind Map ng Batayang Katotohanan sa Pag-aaral ng Ekonomiks

14
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
Gawain 5: TAYO NA SA CANTEEN
Sitwasyon: Si Nicole ay pumapasok sa isang pampublikong paaralan na malapit
sa kanilang bahay. Naglalakad lamang siya sa tuwing papasok at uuwi. Sa loob ng
isang linggo, binibigyan siya ng kanyang mga magulang ng Php100 na baon pambili
ng kanyang pagkain at iba pang pangangailangan. Ipasuri ang talahanayan ng mga
produktong maaaring bilhin ni Nicole sa canteen at pasagutan ang pamprosesong
tanong sa ibaba.

Produkto Presyo bawat Piraso

Tubig na inumin Php10.00
Tinapay Php8.00
Kanin Php10.00
Ulam Php20.00
Juice Php10.00

Pamprosesong Tanong:
1. Kung ikaw si Nicole, ano ang mga produktong handa mong ipagpalit
upang makabili ng inuming tubig? Bakit?

2. Nagkaroon ng promo sa mga kanin at ulam (combo meals) at bumaba sa

Php25.00 ang halaga nito. Kung ikaw si Nicole, paano mo pamamahalaan

DEPED COPY ang iyong badyet?

Gawain 6: BAITANG NG PAG-UNLAD

Ipasulat sa kahon sa kanan ng larawan ang nalaman ng mga mag-aaral tungkol
sa kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang
isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan. Nakita at nasagutan na ng mga mag-
aaral ang katanungang ito sa bahaging ALAMIN. Ngayon ay muli nila itong sasagutan
upang maipakita ang pag-unlad ng kanilang kaalaman. Muli itong sasagutan ng mga
mag-aaral sa susunod na bahagi ng aralin, ang PAGNILAYAN.

Ano
Anoang
angkahalagahan
kahalagahan ngng ekonomiks
ekonomiks sa iyong
sa iyong pang-araw-araw
pang-araw-araw na pamumuhay
na pamumuhay
bilang isangbilang
mag-aaral
isangatmag-aaral,
kasapi ng at
pamilya
kasapiatng
lipunan?
pamilya at lipunan?

REVISED NA KAALAMAN
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________

15
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
Matapos mapalalim ang kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa kahulugan at
kahalagahan ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay, maaari na silang
pumunta sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda sila para sa mas malalim na pag-
unawa sa kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks.

PAGNILAYAN

Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin ng mga mag-aaral ang

mga nabuo nilang kaalaman ukol sa kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks.
Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa kahalagahan ng Ekonomiks
upang maihanda ang mga mag-aaral sa pagsasabuhay ng kanilang mga
natutuhan.

Gawain 7: PAGSULAT NG REPLEKSIYON

Magpasulat ng maikling repleksiyon tungkol sa mga natutuhan ng mga mag-
aaral at reyalisasyon tungkol sa kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks sa kanilang
buhay bilang mag-aaral at bilang kasapi ng pamilya at lipunan.

RUBRIK SA PAGTATAYA NG REPLEKSIYON

DEPED COPY
DIMENSYON

Buod ng aralin,
paksa, o gawain
NAPAKAHUSAY
4 PUNTOS

Maliwanag at
kumpleto ang
MAHUSAY
3 PUNTOS

Maliwanag
subalit may
KATAMTAMAN
2 PUNTOS

Hindi gaanong Hindi

maliwanag at maliwanag at
NANGANGA-
ILANGAN NG
PAGPAPABUTI
1 PUNTOS

pagbuod ng kulang sa kulang sa ilang marami ang

araling tinalakay detalye sa detalye sa kulang sa mga
paksa o araling paksa o araling detalye sa
tinalakay tinalakay paksa o araling
tinalakay
Presentasyon ng Lahat ng Tatlo lamang Dalawa Isa lamang
pagkakasulat pamantayan ay sa mga lamang sa mga sa mga
matatagpuan pamantayan pamantayan pamantayan
- Maayos ang sa kabuuan ng ang ang ang
pagkakasunod- repleksiyon matatagpuan matatagpuan matatagpuan
sunod ng mga sa kabuuan ng sa kabuuan ng sa kabuuan ng
ideya repleksiyon repleksiyon repleksiyon
- Hindi paligoy-
ligoy ang
pagkakasulat
- Angkop ang mga
salitang ginamit
- Malinis ang
pagkakasulat

16
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
Gawain 8: SITWASYON AT APLIKASYON
Pag-isipan ang sumusunod na sitwasyon: Si Mat at Tam ay pareho mong
kaibigan. Si Mat ay isang negosyanteng nagmamay-ari ng malawak na palaisdaan
at manukan sa inyong komunidad, at si Tam ay isang sikat na basketball player at
nagmamay-ari ng isang kilalang kainan sa kaparehong komunidad. Kung may
kakayahan ang inyong pamilya na magtayo ng negosyo, ano ang maaari ninyong
itayo? Kapareho ba ng mga negosyo nina Tam at Mat o hindi?

Ipalahad ang sagot ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng kanilang kaalaman

sa mga konsepto, kahulugan, at kahalagahan ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay bilang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan.

RUBRIK PARA SA SITWASYON AT APLIKASYON

KRITERYA 4 3 2 1
Ang Ang mga
Ang
pangunahing pangunahing Hindi lahat ng
Kaalaman sa kaalaman ay pangunahing
pangunahing
kaalaman ay
kaalaman ay kaalaman ay
Paksa nailahad at nailahad subalit
hindi nailahad at
naibigay ang hindi wasto ang nailahad
natalakay
kahalagahan ilan
Hindi
Organisado ang Organisado ang Hindi
masyadong
mga paksa at paksa subalit organisado
Organisasyon organisado

DEPED COPY
maayos ang hindi maayos ang ang paksa at
ang paksa at
presentasyon presentasyon presentasyon
presentasyon

Gawain 9: BAITANG NG PAG-UNLAD

Ngayong natapos na ang lahat ng mga gawain sa araling ito ay muling
magmuni-muni ang mga mag-aaral at pag-isipan ang kanilang nalaman at naunawaan
sa aralin. Muling pasagutan ang BAITANG NG PAG-UNLAD at sa pamamagitan nito
ay ibigay ang kahulugan ng Ekonomiks at ang kahalagahan nito sa kanilang pang-
araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan.

Ano ang kahalagahan

Ano ang kahalagahanng
ngEkonomiks
Ekonomiks sasa iyong
iyong pang-araw-araw
pang-araw-araw na pamumuhay
na pamumuhay
bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan?
bilang isang mag-aaral, kasapi ng pamilya, at lipunan?

FINAL NA KAALAMAN
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
. ___________________________
___________________________

17
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
PANIMULA
Binigyang pansin sa nakaraang aralin ang kahulugan ng ekonomiks at ang
kahalagahan nito sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang mag-aaral at kasapi ng
pamilya at lipunan. Ngayon naman ay pag-aaralan ng mga mag-aaral ang kakapusan.
Ang kakapusan ang pangunahing dahilan kung bakit kailangang pag-aralan ang
Ekonomiks.

Mahalagang pag-aralan at maunawaan ang kakapusan sapagkat sa

pamamagitan nito ay maaaring makaisip ang tao ng mga paraan kung paano
ito epektibong mapamamahalaan. Maaari din itong maging daan upang maging
responsable ang bawat isa sa pagkuha at paggamit ng limitadong pinagkukunang-
yaman.

Sa araling ito ay inaasahan ang mga mag-aaral na maipakita ang ugnayan

ng kakapusan sa pang-araw-araw na buhay, matukoy ang mga palatandaan ng
kakapusan, makabuo ng konklusyon na ang kakapusan ay isang suliraning panlipunan,
at makapagmungkahi ng mga paraan kung paano mapamamahalaan ang mga
suliraning dulot ng kakapusan.

ARALIN 2
ANG KAKAPUSAN

DEPED COPY ALAMIN

Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa kaalaman ng mga mag-aaral

tungkol sa kakapusan, paano ito mapamamahalaan, bakit ito itinuturing na
suliraning panlipunan, at kung ano ang kaugnayan nito sa pang-araw-araw na
buhay.

Gawain 1: T-CHART
Ipasuri ang mga produktong nakalista sa hanay A at B sa T-chart. Ipahambing
ang dalawang hanay at sagutan ang mga pamprosesong tanong.

HANAY A HANAY B
bigas gasoline
isda ginto
gulay nickel
bawang tanso

18
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang iyong napuna sa mga magkakasamang produkto sa hanay A at

hanay B?
2. Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit magkakasama ang mga
produkto sa iisang hanay? Ipaliwanag.

Gawain 2: PICTURE ANALYSIS

Ipasuri ang larawan at pabigyan ito ng sariling interpretasyon.

DEPED COPY
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang nakikita mo sa larawan?

2. Ano ang ipinahihiwatig nito?
3. Bakit ito nagaganap?

Sa susunod na bahagi ay sasagutan ng mga mag-aaral ang isang tsart

upang inisyal na masukat ang kanilang nalalaman tungkol sa kakapusan.

19
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
Gawain 3: KNOWLEDGE GAUGE
Ang gawaing ito ay susukat sa paunang kaalaman ng mga mag-aaral kung
paano maipakikita ang kaugnayan ng kakapusan sa pang-araw-araw na buhay, at
kung bakit maituturing na isang suliraning panlipunan ang kakapusan.

Bakit maituturing na isang suliraning

panlipunan ang kakapusan?

INITIAL NA KAALAMAN
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________

DEPED COPY
Matapos maorganisa ang paunang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa
kakapusan, ihanda sila sa susunod na bahagi ng aralin upang higit na maunawaan
ang konseptong ito.

PAUNLARIN

Matapos malaman ng mga mag-aaral ang mga paunang impormasyon

tungkol sa aralin, ngayon naman ay lilinangin ang mga kaalamang ito sa
tulong ng mga teksto at mga gawain na inihanda upang maging batayan
nila ng mga impormasyon. Ang layunin ng bahaging ito ay matutuhan ng
mga mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa kakapusan.
Ang mga inihandang gawain at teksto ay inaasahang gagabay sa mga mag-
aaral upang masagot ang katanungan na kung ano ang kakapusan, mga
palatandaan nito at ang kaugnayan ng kakapusan sa pang-araw-araw ng
buhay.

20
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
Gawain 4: PRODUCTION PLAN
Ipasuri ang production plan sa ibaba. Ipaguhit ito sa graph at palagyan ng in-
terpretasyon at kongklusyon ang punto A, F, at C.

Mais Palay
Option (Libong (Libong
Sako) Sako)
A 0 15
B 1 14
C 2 12
D 3 9
E 4 5
F 5 0

DEPED COPY PUNTO INTERPRETASYON KONGKLUSYON

Gawain 5: OPEN ENDED STORY

Palagyan ng maikling katapusan ang kuwento. Ipaugnay ang kuwento sa
suliraning panlipunan na nagaganap dahilan sa kakapusan. Tingnan ang rubrik sa
ibaba at ipagamit itong batayan sa pagsusulat ng mga mag-aaral.

1. Nagkaroon ng brownout sa Barangay Madilim dahil walang mabiling gasolina

na ginagamit upang mapaandar ang mga planta ng koryente.
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

21
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
RUBRIK PARA SA OPEN ENDED STORY
10 8 64 2
Naipakita sa Naipakita sa Hindi naipakita Walang
Naipakita sa
mga detalye mga detalye sa mga detalye kaugnayan
mga detalye ng
ng kuwento ng kuwento ng kuwento ang kuwento
kuwento kung
kung bakit kung bakit kung bakit sa kakapusan
bakit at paano
at paano at paano at paano bilang
nagkakaroon
nagkakaroon nagkakaroon nagkakaroon suliraning
ng suliraning
ng suliraning ng suliraning ng suliraning panlipunan.
panlipunan
panlipunan panlipunan panlipunan dahil
dahil san subalit
dahil sa dahil sa sa kakapusan
masyadong
kakapusan kakapusan
malawak o
na hindi na subalit ang
kulang. Ang
kailangan nagsusuri ay
nagsusuri nito
pa ng nangangai-
ay kailangan pa
karagdagang langan pa ng
ng karagdagang
impormasyon impormasyon
impormasyon
upang ito upang ito
upang lubos na
ay lubusang ay lubos na
maunawaan.
maunawaan. maunawaan.

DEPED COPY
Gawain 6: CONSERVATION POSTER
Magpagawa ng poster na nagpapakita ng konserbasyon sa mga yamang likas
at mga paraan kung paano mapapamahalaan ang kakapusan. Ipagamit ang rubrik sa
ibaba bilang pamantayan ng paggawa ng mga mag-aaral.

RUBRIK NG PAGMAMARKA
Napakagaling Magaling May kakulangan
Kriterya
3 2 1
Ang nabuong poster Ang nabuong
ay nakapagbibigay poster ay nakapag- Ang nabuong poster
ng kumpleto, wasto, bibigay ng wastong ay kulang sa impor-
at mahalagang impormasyon masyon tungkol sa
Impormatibo impormasyon tungkol tungkol sa konser- konserbasyon ng
sa konserbasyon ng basyon ng yamang yamang likas at kung
yamang likas at kung likas at kung paano paano malalabanan
paano malalabanan malalabanan ang ang kakapusan.
ang kakapusan. kakapusan.
Nagpakita ng Malikhain at
May kakulangan ang
pagkamalikhain at magaling ang
Malikhain elemento ng disenyo
napakagaling na elemento ng ng poster.
disenyo ng poster. disenyo ng poster.

22
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
Gawain 7. KNOWLEDGE GAUGE
Ang gawaing ito ay katulad ng Gawain 3 na may layuning mataya ang kaa-
laman ng mga mag-aaral tungkol sa kaugnayan ng kakapusan sa pang-araw-araw
na buhay, at kung bakit itinuturing ang kakapusan na isang suliraning panlipunan.
Ngayon ay muling pasagutan ang tanong na ito upang maipakita ang pag-unlad ng
kaalaman ng mga mag-aaral.

Bakit maituturing na isang suliraning

panlipunan ang kakapusan?

REVISED NA KAALAMAN
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
__________

Matapos mapalalim ang kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa epekto

ng kakapusan sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao, maaari na silang

DEPED COPY
pumunta sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda ang mga mag-aaral para sa
mas malalim na pag-unawa sa kakapusan.

PAGNILAYAN

Sa bahaging ito ng modyul ay palalawakin at pagtitibayin ang mga nabuong

kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa kaugnayan ng kakapusan sa pang-araw-
araw na pamumuhay ng tao. Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa
konsepto ng kakapusan upang maihanda ang mga mag-aaral sa pagsasabuhay
ng kanilang natutuhan.

Gawain 8: RESOURCE MAPPING

Pangkatang Gawain: Sa gawaing ito ay inaasahang maipakita ng pangkat ng
mag-aaral ang kondisyon ng kanilang lokal na komunidad. Gumawa ng pisikal na
mapa ng pinakamalapit na komunidad sa paaralan. Mahalagang maipakita sa mapa
ang demograpiya (populasyon), size, ang topograpiya tulad ng lupa, burol, talampas,
ilog, mga kalsada, kabahayan, gusali, negosyo, at iba pa. Matapos maiguhit ang
mapa ay magpaguhit naman ng mga simbulo, o bagay na naglalarawan sa mga lugar
sa mapa na mayroong kakapusan. Magpalagay ng legend upang maunawaan ang
inilagay na mga simbulo.

23
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
Layunin ng gawaing ito na magamit ng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman
sa pagsusuri ng mga pinagkukunang-yaman ng kanilang lokal na komunidad tulad
ng yamang likas, yamang tao, at yamang kapital. Ipagamit ang rubrik sa ibaba na
batayan sa pagsasagawa ng gawain.

RUBRIK SA RESOURCE MAPPING

4 3 2 1 0
Naipakita sa Naipakita sa Naipakita sa Hindi naipakita Walang
mga detalye mga detalye mga detalye ng sa mga detalye mapa na
ng mapa ang ng mapa ang mapa ang mga ng mapa ang nagawa.
mahahalagang mahahalagang impormasyon mahahalagang
impormasyon impormasyon tungkol sa impormasyon
tungkol sa tungkol sa paksa subalit tungkol sa
paksa at paksa subalit masyadong paksa o
nakapagpapa- ang nagsusuri malawak o wala itong
taas ito sa ay nangangaila- kulang. Ang kaugnayan sa
pagkakaunawa ngan pa ng nagsusuri nito paksa.
ng mga impormasyon ay kailangan pa
nagsusuri nito. upang ito ng karagdagang
ay lubos na impormasyon
maunawaan. upang lubos na
maunawaan.

DEPED COPY
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mga palatandaan ng kakapusan na naitala mo sa iyong napiling
komunidad?
2. Bakit nararanasan ang kakapusan sa komunidad na napili mo? Ano ang
epekto nito?
3. Paano nakaaapekto sa iyo bilang mag-aaral ang kasalukuyang kondisyon
ng komunidad na iyong iginuhit?

Gawain 9: GAUGE POD

Ngayon ay muling sasagutan ng mga mag-aaral ang tanong tungkol sa paraan
kung paano maipakikita ang kaugnayan ng kakapusan sa pang-araw-araw na buhay,
at kung bakit itinuturing ang kakapusan na isang suliraning panlipunan. Inaasahan
sa bahaging ito na wasto ang mga kasagutan ng mga mag-aaral at handa na nilang
isabuhay ito.

Bakit maituturing na isang suliraning

panlipunan ang kakapusan?

FINAL NA KAALAMAN
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
24
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
PANIMULA
Sa nakaraang aralin, tinalakay ang kahulugan ng kakapusan at kung paano
ito nakaaapekto sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang mag-aaral at kasapi ng
pamilya at lipunan. Ang kakapusan ay umiiral dahilan sa limitado ang pinagkukunang-
yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Kaya
mahalaga ang matalinong pagdedesisyon sapagkat hindi lahat ng nais at gusto ng tao
ay maaaring makamit.

Samantala, pag-aaralan sa araling ito ang mga konsepto ng pangangailangan

(needs) at kagustuhan (wants). Inaasahan na masusuri at matataya ng mga mag-
aaral ang sariling mga pamantayan sa pagbuo ng matalinong desisyon tungkol sa
kanilang mga kagustuhan at pangangailangan.

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan ang mga mag-aaral na makapagsusuri

sa kaibahan ng pangangailangan at kagustuhan bilang batayan sa pagbuo ng
matalinong pagdedesisyon, maipakikita ang ugnayan ng personal na kagustuhan
at pangangailangan sa suliranin ng kakapusan, makapagsusuri sa herarkiya ng
pangangailangan, makabubuo ng sariling pamantayan sa pagpili ng pangangailangan
batay sa herarkiya ng pangangailangan, at makapagsusuri sa mga salik na
nakakaimpluwensiya sa pangangailangan at kagustuhan.

DEPED COPY
ARALIN 3:
PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN

ALAMIN

Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa paunang kaalaman ng

mga mag-aaral tungkol sa pangangailangan at kagustuhan at kung paano
makatutulong ang kaalaman sa mga konseptong ito sa pagbuo ng matalinong
pagdedesisyon.

Gawain 1: ILISTA NATIN

Magpalista ng sampung bagay na mahalaga sa kanila bilang isang mag-
aaral. Ipasulat ito ng sunod-sunod ayon sa kahalagahan. Ipatala ang sagot sa kahong
katulad ng nasa ibaba.

Sampung bagay na mahalaga sa akin bilang isang mag-aaral.

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

25
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
Pamprosesong Tanong:

1. Anong bagay ang pinakamahalaga para sa iyo? Bakit?

2. Ano ang mga naging batayan mo sa ginawang listahan?
3. Pareho ba ang pagkakasunod-sunod ng iyong listahan sa listahan
ng iyong kamag-aral? Kung hindi, ano sa palagay mo ang dahilan ng
pagkakaiba ng mga ito?

Gawain 2: WHY OH WHY

Ipasuri ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum sa ibaba. Pagpapasyahan
ng mga mag-aaral kung ano ang pipiliin nila sa option A at B. Ipasulat sa ikatlong
kolum ang kanilang desisyon.

Option A Option B Dahilan

1. Magte-text Tatawag sa telepono
2. Maglalakad sa pagpa- Sasakay sa pagpasok sa
sok sa paaralan paaralan
3. Kakain ng kanin Kakain ng tinapay
4. Supot na plastic Supot na papel

DEPED COPY
5. Gagamit ng lapis

Pamprosesong Tanong:
Gagamit ng ballpen

1. Ano-ano ang naging batayan mo sa ginawang pagpili?

2. Maaari bang magbago ang iyong desisyon sa hinaharap? Bakit?
3. Magkapareho ba ang iyong sagot sa iyong mga kamag-aral? Ano sa
palagay mo ang dahilan ng pagkakaiba o pagkakatulad nito?

Sa susunod na bahagi ay sasagutan ng mga mag-aaral ang isang tsart

upang inisyal na masukat ang kanilang nalalaman tungkol sa pangangailangan
at kagustuhan.

Gawain 3: CROSSROADS
Pasagutan ang tanong na nasa loob ng kahon. Ipasulat ang sagot ng mga
mag-aaral sa kahon ng INITIAL na kaalaman.

Paano makatutulong ang kaalaman sa konsepto ng pangangailangan at

kagustuhan sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon?

26
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
INITIAL NA KAALAMAN
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________

Matapos maorganisa ang mga paunang kaalaman ng mga mag-aaral

tungkol sa pangangailangan at kagustuhan, ihanda sila para sa susunod na
bahagi ng aralin upang higit nilang maunawaan na ng mas malalim ang konsepto
ng pangangailangan at kagustuhan.

PAUNLARIN

DEPED COPY
Matapos malaman ng mga mag-aaral ang mga paunang impormasyon
tungkol sa paksang-aralin, ngayon naman ay lilinangin ang mga kaalamang
ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na inihanda upang maging
batayan nila ng impormasyon. Ang layunin ng bahaging ito ay matutuhan
ng mga mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa
pangangailangan at kagustuhan. Mula sa mga inihandang gawain at teksto,
inaasahang magagabayan sila upang masagot kung ano ang pagkakaiba
ng pangangailangan at kagustuhan, at kung ano ang kaugnayan nito sa
suliranin ng kakapusan.

Gawain 4: KAILANGAN O KAGUSTUHAN

Ipasulat ang salitang GUSTO ko/kong/ng o KAILANGAN ko/kong/ng sa bawat
aytem.
1. _________ pumunta sa party.
2. _________ kumain ng prutas at gulay upang manatiling malakas ang
aking katawan.
3. _________ magbukas ng savings account sa isang matatag na bangko
para sa aking kinabukasan .
4. _________ lumipat sa magandang bahay na may aircon.
5. _________ uminom ng tubig pagkatapos kumain.

27
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
6. _________ mamahaling relo.
7. _________ telebisyon.
8. _________ kumain ng pizza pie.
9. _________ maglaro ng video game.
10. _________ magsuot ng maayos na damit.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan?
2. Kailan nagiging pangangailangan ang isang kagustuhan? Bakit?
3. Ano ang pagkakaiba ng iyong sagot at ng iyong kamag-aral?
4. Maaari bang maging kagustuhan ang isang pangangailangan? Patunayan.

Gawain 5: BAITANG-BAITANG
Ipasulat sa bawat baitang ng pyramid sa ibaba ang mga batayan ng
pangangailangan ng tao batay sa teorya ni Abraham Harold Maslow. Palagyan din
ang mga ito ng mga halimbawa. Sa ikalimang baitang ay ipalagay ang pangalan ng
kilalang tao sa komunidad na sa palagay ng mga mag-aaral ay nakaabot sa antas na
ito.

DEPED COPY

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang mga pangangailangan ng tao ayon kay Abraham Maslow?

2. Puwede bang makarating ang tao sa ikalawa, ikatlo hanggang sa
ikalimang baitang na hindi dumadaan sa una? Bakit?
3. Paano mo mararating ang pinakamataas na baitang? Ano ang dapat
mong gawin upang marating ito?

28
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
Gawain 6: PASS MUNA
Sitwasyon: Ipagpalagay na miyembro ka ng isang pamilyang binubuo ng li-
mang miyembro. Nasa ibaba ang listahan ng mga dapat pagkagastusan at maaari
ninyong ikonsumo sa buwang ito. Ang iyong tatay lang ang may trabaho at may ka-
buuang kita na Php10,000 sa isang buwan.

Palagyan ng tsek (/) ang dapat pagkagastusan, at (x) kung hindi. Ipasulat ang
dahilan kung bakit (x) ang sagot ng mga mag-aaral.

HALAGA BAWAT
MAAARING PAGKAGASTUSAN BUWAN
______1. koryente Php1,000
______2. tubig Php500
______3. pagbili ng paboritong junk food Php150
______4. video game Php100
______5. upa sa bahay Php2,500
_____ 6. pamamasyal at pagbisita sa mga kaibigan Php500
______7. pagkain ng pamilya Php5,000
______8. panonood ng paborito mong palabas sa sinehan Php180
______9. pamasahe at baon mo, ni tatay, kuya, at ate Php2,200

DEPED COPY
_____10. cable/internet Php900
Mga dahilan kung bakit (x) ang sagot.

___________________________________________________________________

1. Sa iyong ginawang pagdedesisyon, magkano ang kabuuang halaga na

maaari mong magastos o matipid?
2. Ano-ano ang naging batayan mo sa pagdedesisyon? Bakit?
3. Bilang mag-aaral, paano mo maiuugnay ang personal mong kagustuhan
at pangangailangan sa suliranin ng kakapusan.

Gawain 7: ANG AKING PAMANTAYAN SA PAGPILI NG PANGANGAILANGAN

Magpabuo ng sariling pamantayan sa pagpili ng mga pangangailangan batay
sa mga herarkiya ng pangangailangan. Ipalahad ang personal na pamantayan sa
pamamagitan ng isang sanaysay. Ipasulat din kung paano nila makakamit ang kaga-
napan ng kanilang pagkatao.

Pamprosesong Tanong:
1. Paano mo maisasakatuparan ang iyong pamantayan?
2. Sa iyong palagay, nasaan ka sa mga baitang na ito? Bakit?

29
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
Gawain 8: CROSSROADS
Matapos ang lahat ng mga gawain sa LINANGIN, ipaayos ang paunang
kaalaman sa kahulugan ng pangangailangan at kagustuhan at ang kaugnayan nito
sa kanilang buhay bilang mag-aaral. Pasagutan muli ang tanong sa box sa ibaba.
Ipasulat ang kanilang sagot sa kahon ng REVISED.

Paano makatutulong ang kaalaman sa konsepto ng pangangailangan at

kagustuhan sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon?

REVISED NA KAALAMAN
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________

DEPED COPY PAGNILAYAN

Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin ang mga nabuong kaalaman

ng mga mag-aaral ukol sa pangangailangan at kagustuhan. Kinakailangan ang
mas malalim na pagtalakay sa pangangailangan at kagustuhan upang maihanda
ang mga mag-aaral sa paglalapat o pagsasabuhay ng kanilang mga natutuhan.

Gawain 9: ANG BAYAN KO

Magpagawa ng obserbasyon sa kanilang lokal na komunidad ang mga mag-
aaral at patingnan kung ano-ano ang magagandang katangian nito. Magpagawa ng
editoryal na nagpapakita ng katangian ng komunidad, kasalukuyang kondisyon at
kung ano-ano ang pangangailangan nito batay sa komposisyon ng populasyon.

30
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
RUBRIK PARA SA ANG BAYAN KO

KRITERYA 4 3 2 1
Ang nabuong Ang nabuong
Ang nabuong
editoryal ay Ang nabuong editoryal ay
editoryal ay
nakapagbigay editoryal ay hindi organisado
kulang sa
ng wasto at nakapagbigay ng at kulang sa
kailangang
napakahalagang wastong impor- kailangang
impormasyon
IMPORMATIBO impormasyon masyon tungkol impormasyon
tungkol sa
tungkol sa sa katangian at tungkol sa
katangian at
katangian at kasalukuyang kasalukuyang katangian at
kasalukuyang kondisyon ng kondisyon ng kasalukuyang
kondisyon ng komunidad. kondisyon ng
komunidad.
komunidad. komunidad.
May kaku-
Napakagaling ng Magaling ang Hindi maayos
pagkakagawa ng langan ang
MALIKHAIN pagkakagawa ng ang pagkakaga-
editoryal. editoryal. pagkakagawa
wa ng editoryal.
ng editoryal.
Ang ilang bahagi Marami sa
ng nabuong mga bahagi ng
Ang nabuong editoryal ay
Ang nabuong nabuong editoryal
editoryal ay nagpakita ay nagpakita
editoryal ay nag-
nagpakita ng pakita ng pang- ng hindi ng hindi
makatotohanang makatotohanang makatotohanang
yayari tungkol

DEPED COPY
pangyayari tung-
KATOTOHANAN kol sa katangian sa katangian at pangyayari pangyayari
kasalukuyang tungkol sa tungkol sa
at kasalukuyang
kondisyon ng katangian at katangian at
kondisyon ng
komunidad na kasalukuyang kasalukuyang
komunidad na
sinuri. kondisyon ng kondisyon ng
sinuri.
komunidad na komunidad na
sinuri. sinuri

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang mga katangian ng iyong lokal na komunidad? Bakit?

2. Sa iyong palagay, ano ang maaari pang gawin upang lubos na
mapakinabangan ang magagandang katangian ng iyong lokal na
komunidad?

Gawain 10: PARA SA KINABUKASAN

Magpagawa ng isang open letter tungkol sa mga pangangailangan at kagustu-
han ng iyong lokal na komunidad. Isulat ang “Para sa kinabukasan at sa aking bayan
_________________” bilang panimula ng iyong open letter. Isulat sa pamuhatang
bahagi ng liham kung para kanino ang open letter na iyong ginawa.

31
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
Gawain 11: CROSSROADS
Matapos ang mga pagwawasto, pasagutan ang ikatlong bahagi ng CROSS-
ROADS sa ibaba. Sa gawaing ito ay dapat na maipahayag na ng mga mag-aaral ang
kanilang pagkakaunawa sa kanilang mga pinag-aralan. Inaasahan sa bahaging ito na
alam na ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng pangangailagan at kagustuhan bilang
batayan ng matalino at maunlad na pamumuhay. Ipasulat ang kanilang sagot sa box
ng FINAL.

Paano makatutulong ang kaalaman sa konsepto ng pangangailangan at

kagustuhan sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon?
Paano makatutulong ang kaalaman sa konsepto ng pangangailangan at
kagustuhan sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon?

DEPED COPY FINAL NA KAALAMAN

______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________

32
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
PANIMULA
Isang katotohanan na dapat nating tanggapin na walang hanggan ang kagustuhan
at pangangailangan ng tao sa harap ng kakapusan ng mga pinagkukunang-yaman. Isa
ito sa mga pangunahing dahilan kung bakit pinag-aaralan natin ngayon ang Ekonomiks.
Ang mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman, produkto, at serbisyo ay
tinatawag na alokasyon.

Kailangang isaalang-alang natin ang paggamit at paglinang ng lahat ng

pinagkukunang-yaman ng bansa upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas
ng kasiyahan at kapakinabangan mula rito. Nararapat na ito ay bigyang-pansin dahil sa
katotohanang may kakapusan ang mga pinagkukunang-yaman.

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan ang mga mag-aaral na makapagsusuri sa

kaugnayan ng alokasyon sa kakapusan, pangangailangan, at kagustuhan, mapahahalagahan
ang paggawa ng tamang desisyon upang matugunan ang pangangailangan, at
makapagsusuri ng mekanismo ng alokasyon sa iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya
bilang sagot sa kakapusan.

ARALIN 4:
ALOKASYON

DEPED COPY
ALAMIN

Ang mga gawain sa bahaging ito ay lilinang sa kaalaman ng mga mag-aaral

tungkol sa alokasyon at kung bakit kailangan ng mekanismo sa alokasyon ng
pinagkukunang-yaman sa ilalim ng iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya.

Gawain 1: FOUR PICS ONE WORD

Ipasuri ang apat na larawan upang mabuo ang hinahanap na salita.

S Q A L K O

O N Y I A B

33
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
Pamprosesong Tanong:
1. Alin sa mga larawan ang nagturo sa iyo sa tamang sagot?
2. Sa iyong palagay, ano ang ibig sabihin ng salitang nabuo?

Gawain 2: SISTEMA IKAMO?

Papiliin ang mga mag-aaral sa mga hanay ng salita sa ibaba na angkop sa
bawat larawan. Ipasulat ito sa kahon sa ilalim ng bawat larawan.
Tradisyonal na ekonomiya Mixed economy

DEPED COPY
Command economy Market economy

Sa susunod na bahagi ay sasagutan ng mga mag-aaral ang entrance at exit

slip upang inisyal na masukat ang kanilang nalalaman tungkol sa alokasyon.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong naging batayan sa pagpili ng sagot?
2. Sa iyong palagay, ano ang ibig sabihin ng sistemang pang-ekonomiya?

34
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
Gawain 3: ENTRANCE AT EXIT SLIP

Papunan ng matapat na sagot ang dalawang kahon sa ilalim ng entrance slip.

Ang exit slip ay sasagutan lamang pagkatapos ng aralin.

ENTRANCE SLIP EXIT SLIP

Ang alam ko tungkol sa alokasyon Ang natutuhan ko tungkol sa

ay ... alokasyon ay ...

Ang palagay ko tungkol sa

alokasyon ay ...

Matapos maorganisa ang mga paunang kaalaman ng mga mag-aaral

DEPED COPY
tungkol sa alokasyon, ihanda sila sa susunod na bahagi ng aralin upang higit
nilang maunawaan na ng mas malalim ang konsepto nito.

PAUNLARIN

Matapos malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa aralin, ngayon

naman ay lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga
gawain na inihanda upang maging batayan ng impormasyon ng mga mag-
aaral. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan ng mga mag-
aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa alokasyon. Inaasahan
na magagabayan ang mga mag-aaral ng mga inihandang gawain at teksto
upang masagot ang katanungan kung bakit kailangan ng mekanismo ng
alokasyon ng pinagkukunang-yaman sa ilalim ng iba’t ibang sistemang
pang-ekonomiya?

35
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
Gawain 4: TANONG AT SAGOT
Papunan ang kahon sa kaliwa ng apat na pangunahing katanungang
pang-ekonomiko batay sa mga ibinigay na halimbawa sa kanang bahagi nito.

• Palay, mais, kotse, o computer

• Tradisyonal na paraan o paggamit ng

teknolohiya

• Mamamayan sa loob o labas ng bansa

• 500 kilo ng bigas o 200 metrong tela

Gawain 5: DATA RETRIEVAL CHART

Magpasaliksik ukol sa mga bansang sumailalim sa mga sistemang pang-eko-
nomiya na nasa kaliwang bahagi ng tsart. Magpabigay ng tatlo hanggang limang
bansa at isulat ito sa kanang bahagi ng tsart.

DEPED COPY
SISTEMANG PANG-EKONOMIYA
Tradisyunal na ekonomiya

Market economy

Command economy
MGA BANSA

Mixed economy

Matapos mapalalim ang kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa alokasyon,

maaari na silang magpatuloy sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda sila para sa
mas malalim na pag-unawa sa konseptong ito.

PAGNILAYAN

Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin ang mga nabuong

kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa alokasyon. Kinakailangan ang mas malalim
na pagtalakay sa konsepto ng alokasyon upang maihanda sila sa pagsasabuhay
ng kanilang mga natutuhan.

36
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
Gawain 6: REPLEKSIYON
Ngayon ay maaari nang itala ng mga mag-aaral ang lahat ng impormasyon
na kanilang natutuhan sa aralin. Ipalagay o ipasulat sa isang buong papel at ipaipon
sa kanilang portfolio ang naging kasagutan para mabasa ng guro at mabigyan ng
grado.

ANG AKING NATUTUHAN SA ARALIN

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Gawain 7: DIALOGUE BOX

DEPED COPYPapunan ng tamang sagot ang usapan ng dalawang tauhan sa bawat kahon.

Ano ba ang katangian Paano mo ilalarawan

ng tradisyonal na ang market
ekonomiya? economy?

37
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
Sa command
economy, sino ang Bakit kaya ito tinawag
nagpaplano ng na mixed economy?
ekonomiya?

Pamprosesong Tanong:
1. Batay sa usapan ng mga tauhan sa itaas, anong sistemang pang-ekonomiya

DEPED COPY ang umiiral sa Pilipinas?

2. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong pumili ng sistemang pang-
ekonomiya na paiiralin sa ating bansa, anong sistema ang iyong pipiliin?
Bakit?

Gawain 8: ENTRANCE AT EXIT SLIP

Papunan ng matapat na sagot ang exit slip. Sa pagkakataong ito ay inaasahang
masasagot na nang wasto ng mga mag-aaral ang gawain.

ENTRANCE SLIP EXIT SLIP

Ang alam ko tungkol sa alokasyon Ang aking natutuhan tungkol sa

ay... alokasyon ay...

Ang palagay ko tungkol sa

alokasyon ay...

38
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
PANIMULA
Sa araling ito ay mauunawaan ng mga mag-aaral ang konsepto ng pagkonsumo.
Inaasahang masusuri at matataya nila ang kanilang mga pamantayan sa pagbuo ng
matalinong desisyon tungo sa pagiging matalinong konsyumer.

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan ang mga mag-aaral na

makapagpaliliwanag ng konsepto ng pagkonsumo, makapagsusuri ng mga salik
na nakaaapekto sa pagkonsumo, makapagpapamalas ng talino sa pagkonsumo sa
pamamagitan ng paggamit ng pamantayan sa pamimili, makapagtatanggol ng mga
karapatan, at magagampanan ang mga tungkulin bilang isang mamimili.

ARALIN 5:
PAGKONSUMO

ALAMIN

Ang mga gawain sa bahaging ito ay lilinang sa kaalaman ng mga mag-

aaral tungkol sa alokasyon at kung bakit mahalagang maitaguyod ang mga
karapatan at magampanan ang katungkulan ng bawat konsyumer tungo sa

DEPED COPY
isang matatag na ekonomiya.

Gawain 1: PAGBILHAN PO!

Ipasuri sa mga mag-aaral ang sitwasyon at pasagutan ang pamprosesong
tanong. Ipagpalagay na mayroon kang Php500.00 at may pagkakataon kang bumili
ng iba’t ibang pagkain. Alin sa mga pagkain sa ibaba ang iyong bibilhin?

39
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
Pamprosesong mga Tanong:
1. Ano-anong mga pagkain ang iyong bibilhin?
2. Ano ang iyong naging batayan sa pinili mong pagkain?

Sa susunod na bahagi ay sasagutan mo ang isang dayagram upang

inisyal na masukat ang iyong nalalaman tungkol sa pagkonsumo.

Gawain 2: WQF DIAGRAM

Pabigyang-pansin ang paksa sa pagbuo ng WQF Diagram. Ipatala sa kahon
ng W (words) ang mga salitang may kaugnayan sa pagkonsumo. Sa kahon ng Q
(questions), bumuo ng tatlo hanggang limang tanong na nais masagot ng mga mag-
aaral tungkol sa pagkonsumo. Sa bilog na F (facts), ipasulat ang kanilang mga bagong
natutuhan tungkol sa paksa. Sasagutan lamang ang bahaging F (facts) pagkatapos ng
aralin. Lahat ng kasagutan ay tatanggapin at hayaang magbigay ng sariling kaalaman
ang mga mag-aaral tungkol sa paksa. Iwawasto ang mga kasagutan ng mga mag-
aaral sa huling bahagi ng aralin, ang PAGNILAYAN.

PAGKONSUMO

DEPED COPY W

__________________
__________________
Q

________________
________________
F

______________
__________________ ________________
__________________ ______________
________________ ______________
__________________ ________________
__________________ ______________
________________ ______________
__________________ ________________
__________________ ______________
________________ ______________
__________________ ________________
__________________ ______________
________________
__________________ ________________
__________________

Matapos maisaayos ang mga paunang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol

sa pagkonsumo, ihanda sila sa susunod na bahagi ng aralin upang higit nilang
maunawaan ang konsepto ng pagkonsumo.

40
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
PAUNLARIN

Matapos malaman ng mga mag-aaral ang mga paunang impormasyon

tungkol sa aralin, ngayon naman ay lilinangin ang mga kaalamang ito sa
tulong ng mga teksto at mga gawain na inihanda upang maging batayan ng
mga mag-aaral ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging
ito ay matutuhan ng mga mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto
tungkol sa pagkonsumo. Inaasahang magagabayan sila ng mga inihandang
gawain at teksto sa pagsagot kung bakit mahalagang maitaguyod ang mga
karapatan at magampanan ang katungkulan ng bawat konsyumer tungo sa
isang matatag na ekonomiya.

Gawain 3: WQF DIAGRAM

Ngayon ay muling pasasagutan ang WQF Diagram. Ipatala sa kahong W
(words) ang mga salitang may kaugnayan sa pagkonsumo. Sa kahong Q (questions)

DEPED COPY
ay muling pabuuin ng tatlo hanggang limang tanong ang mga mag-aaral na nais nilang
masagot tungkol sa pagkonsumo. Sa bilog na F (facts) ipasulat ang kanilang mga
bagong natutuhan tungkol sa paksa.

PAGKONSUMO

W Q F

__________________ ________________
__________________ ________________
__________________ ______________
________________ ______________
__________________ ________________
__________________ ______________
________________ ______________
__________________ ________________
__________________ ______________
________________ ______________
__________________ ________________
__________________ ______________
________________ ______________
__________________ ________________
__________________ ________________
__________________

41
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
Matapos mapalalim ang kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa pagkonsumo,
maaari na silang pumunta sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda ang mga
mag-aaral para sa mas malalim na pag-unawa ng konseptong ito.

PAGNILAYAN

Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin ng mga mag-aaral

ang nabuo nilang kaalaman ukol sa pagkonsumo. Kinakailangan ang mas
malalim na pagtalakay sa pagkonsumo upang maihanda ang mga mag-aaral sa
pagsasabuhay ng kanilang mga natutuhan.

Gawain 4: MATALINO AKONG KONSYUMER

Ngayong alam na ng mga mag-aaral ang mga katangian ng isang matalinong
konsyumer, ipasuri naman ang kanilang sarili bilang isang konsyumer. Mahalagang
pasagutan ang tsart ng buong katapatan upang magsilbi itong gabay sa pagpapaun-
lad ng kanilang katangian bilang konsyumer. Pamarkahan ang kanilang sarili bilang

DEPED COPY
mamimili. Palagyan ng tsek ( / ) ang bawat pamilang:
1 – napakatalino 3 – di-gaanong matalino
2 – matalino 4 – mahina

4 3 2 1
1. Madaling maniwala sa anunsiyo
2. Mapagmasid
3. Alam kung ano ang gagawin sa oras na makabili ng
depektibong produkto
4. Mahilig tumawad
5. Matipid
6. Alam ang karapatan at pananagutan
7. May listahan ng bibilhin
8. Mabilis magdesisyon
9. Sumusunod sa badyet
10. Mahilig sa mura ngunit de kalidad na bilihin
Halaw mula sa Department of Education, Culture and Sports (DECS). (n.d.) Project EASE: araling panlipunan. DECS. Pasig City

42
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
Pamprosesong Tanong:
1. Kung may mga sagot kang 3 at 4 sa tsart sa bawat isang katangian, ano-
ano ang mga dapat mong gawin upang mabago ang mga katangiang ito?
2. Kung may mga sagot kang 1 at 2 sa tsart, ano ang epekto sa iyo ng mga
katangian mong iyon? Bakit?

Gawain 5: LIGHTS, CAMERA, ACTION!

Magpagawa ng dula-dulaan na magpapakita ng sumusunod na tema:
(Maaaring ang gawaing ito ay pauna nang ibinigay ng guro upang mapaghandaan
ang dula-dulaan).
Unang Pangkat – Katangian ng Matalinong Mamimili
Ikalawang Pangkat – Mga Karapatan ng Mamimili
Ikatlong Pangkat – Mga Tungkulin ng Mamimili

Gagamitin ang rubrik sa ibaba sa pagbibigay ng marka sa dula-dulaan:

Maayos at malinaw ang pagkakasunod- 5 puntos

Iskrip sunod ng mga ideya (pinakamataas)
Presentation 5 puntos
Nagpapakita ng pagkamalikhain
(pinakamataas)

DEPED COPY
(Pagpapalabas)
Characters 5 puntos
Makatotohanang pagganap
(Tauhan) (pinakamataas)

Theme 5 puntos
May kaisahan at organisado ang diwa
(Paksa) (pinakamataas)
Relevance Maaaring gamitin ang sitwasyon sa pang- 5 puntos
(Kaangkupan) araw-araw na pamumuhay. (pinakamataas)

Pamprosesong Tanong:
Para sa unang pangkat:
1. Ano-anong katangian ng matalinong konsyumer ang ipinakita ng unang
pangkat?
2. Bakit kailangang magtanong-tanong muna ng presyo at lugar kung saan
dapat mamili ng mga produkto o serbisyo?

Para sa ikalawang pangkat:

1. Ano-anong karapatan ng mga konsyumer ang ipinakita ng ikalawang
pangkat?
2. Bakit kailangang malaman natin ang ating mga karapatan bilang mga
konsyumer?
3. Ano sa tingin mo ang karapatan ng konsyumer ang madalas na hindi
napapahalagahan? Magbigay ng mga sitwasyon.

43
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
Para sa ikatlong pangkat:

• Ano-ano ang tungkulin ng konsyumer na ipinakita ng pangatlong pangkat?

• Ano-ano ang kahalagahan ng paghingi ng resibo sa mga produkto at
serbisyong binili?
• Bakit kailangang umiwas sa pagbili ng mga produktong kulang ang etiketa na
nakasulat sa pakete, halimbawa manufacturer, expiry date, at ingredients?

Gawain 6: KARAPATAN MO, IPAGLABAN MO!

Sitwasyon: Ipagpalagay na ikaw ay nakabili o nakagamit ng produkto o serbisyo
na binabanggit sa ibaba.
Magpagawa sa mga mag-aaral ng kaukulang letter of complaint na ipararating
sa kinauukulang ahensiya ng pamahalaan. Papiliin lang ang mga mag-aaral ng isang
sitwasyon.
1. Depektibong cellphone
2. Lipstick na naging sanhi ng pamamaga ng iyong labi
3. Double dead na karne ng baboy
4. Maling timbang ng asukal
5. Serbisyong hair rebonding na naging sanhi ng pagkasunog ng iyong buhok

DEPED COPY
Gawain 7: BABALIK KA RIN
Ngayon ay maaari nang balikan ang unang gawain sa aralin upang maitala
ang lahat ng bagay at impormasyon na kanilang natutuhan. Ipalagay o ipasulat ito sa
isang buong papel at ipaipon sa kanilang portfolio ang naging kasagutan para mabig-
yan ng grado.

Mga paksang Mga paksang

malinaw na kailangan pa ng
natutuhan karagdagang
paliwanag

44
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.

You might also like