•Ang TEKSTO ay ang mga nakasatitik na mensahe na ginagawa ng mga manunulat. Ano ang argumentatib? •Isang anyo ng diskurso na nakatuon sa pagbibigay ng isang sapat at matibay na pagpapaliwanag ng isang isyu o panig upang makahikayat o makaengganyo ng mambabasa o tagapakinig. Nagalalayon rin ito na makahikayat ng tao sa isyu o panig. Tekstong Argumentatibo •Isang uri ng akdang naglalayong mapatunayan ang katotohanan ng ipinahahayag at ipatanggap sa bumabasa ang katotohanang iyon. •Ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga posisyong umiiral na kaugnayan ng mga proposisyon na nangangailangan ng pagtalunan o pagpapaliwanagan. Ang ganitong uri ng teksto ay tumutugon satanong na bakit. Dalawang Elemento Ng Pangangatuwiran •Proposisyon – ay ang pahayag na inilalahad ng upang pagtalunan o pag- usapan. •Argumento – ito ay paglalatag ng dahilan at ebidensya upang maging makatuwiran ang isang panig. Katangian at nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo • Mahalaga at napapanahong paksa. • Maikli ngunit malaman ba pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto. • Malinaw ar lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto. • Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidensiya ng argumento. • Matibay na ebidensya para sa argumento.