You are on page 1of 2

• TREN

• Im forgiven, because you were forsaken

• Im accepted, you were condemned

• Matagal na akong nagtatrabaho sa isang kompanya ng isang tren. BIlang inhenyero, buong buhay ko ay ginugol ko sa kompanyang ito. Sa edad na animnapu’t tatlo ay nasaksihan ko
na ang madaming mukha na paroot parito sa istasyon ng tren, pati ang samu’t saring kwento ng buhay ay aking natunghayan. Mula sa simpleng pagmamasid sa mga pasahero
hanggang sa pakikipag usap sa kanila, nalalaman ko ang mga pinagdadaanan nila.

• Ang tren na to ay nagdadala ng ibat-ibang uri ng tao. May mga lulong sa bisyo, manloloko, mga gumagamit ng bawal na gamot, mga kabataang rebelde, mamatay tao, magnanakaw
, at marami pang iba. Sila ang mga taong kadalasan ay may gustong takasan, gustong takasan ang buhay, lugar, alaala, at mga taong kanilang sinira.

• Ang huling proyektong nahawakan ko ay isang tulay na daraanan ng tren. Ang tulay na ito ay nagdurugtong sa dalawang bahagi ng lupa na pinaghihiwalay ng malawak na ilog na
dinaanan din ng barko. Kaya hindi permanente ang tulay na ito, itoy dinudugtong lamang kapag paparating na ang tren. Dito ko nakilala si Dave, sya ang nagsilbing Bridgemaster o
tagadugtong ng tulay. Natapos ang proyekto nung akoy apatnapung taon pa lamang at pagkatapos nun ay dito na ko namalagi pra mangalaga at mangasiwa ng tulay. Si Dave ang
lagi kong kasama at naging magkaibigan kami.

• Si Dave ay may siyam na taong gulang na lalaking anak na lagi nyang dinadala doon. Masayahin ang bata, at tuwang tuwa ito sa tren. Malapit si Dave sa anak nya at makikitang
mahal na mahal nya talaga ito. Sabi nga ni Dave Makita nya lang ang ngiti ng anak nya nawawala lahat ng pagod at problema nya.

• Mahilig maglaro ang anak ni Dave sa may riles, at sa twing paparating ang tren ay kakaripas eto ng takbo sa may operating dock upang pagmasdan eto. Tuwang tuwa sya at
pinagmamasdan nya ito hanggang sa pinakadulo. At masaya naman akong pinagmamasdan sya sa bintana ng aking opisina.

• Ngunit isang araw noon, paparating na ang tren at nakapwesto na si Dave sa Bridge Operating Room para idugtong ang tulay. Ngunit sa bintana ng Silid nya habang inaabangan ang
tren ay narinig nya ang iyak ng anak nya. Sinilip nya ito at ito pala ay nahulog sa isang hydraulic box na bahagi ng mekanismo ng tulay. Kapag dinugtong ni Dave ang tulay ay maiipit
ang bata at mamamatay. At kung di naman nya dinugtong ay mamamatay ang libo-libong taong sakay ng tren.

• Halos natulala si Dave, ng masaksihan ko ay tumakbo ako paalis sa opisina ko, ngunit napakalayo nito. Nakita ko hawak ni Dave ang knob habang tumutulo ang luha sa mga mata
nya.

• Paparating na ang tren, nasa baba na ko ng gusali ng aking opisina at nakita ko lamang na nakababa na ang tulay at nakadaan ng ligtas ang tren. Nakita ko si Dave na tumakbo
pababa ng tower nya papunta sa anak nya. Lumuhod sya at walang tigil na tumangis.

• Pinagmasdan ko ang dumadaan na tren. Mula sa bintana nito ay nakikita ko ang mga tao. May natutulog, nag-uusap, nagkukuwentuhan, nagtatawanan, nagkakainan at nag-
iinuman.

• Im alive and well

• Your spirit lives within me

• Because You died ang rose again

• Amazing love, how could it be

• That you my King would die for me…

• Amazing love...

You might also like