You are on page 1of 23

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng

asignaturang Filipino, Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t-ibang


Teksto Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong papel na ito
ay pinamagatang Epekto ng Social Media sa Kumpiyansa sa
Sarili ng mga Tinedyer ay iniharap ng pangkat ng mga
mananaliksik mula sa Grade 11 HUMSS – Bonifacio na
binubuo nina:
Jhohannie B. Años,
Felmyr Marianne Queen S. Picazo,
Sheila Mae Bulado, Imie Ruiz at
April Harvey Lardezabal
KABANATA I

SULIRANIN AT
KALIGIRAN
NITO
1. Introduksyon
Ang social media ay kiniilala bilang isang
libangan na kung saan ay nakakapaghanap at
nakakapagbigay tayo ng impormasyon tungkol
sa ating sarili at sa mga bagay-bagay. Ang
kinilalang gawain ng ilang mga taong
gumagamit ng kompyuter ay nagging patok at
nagsilbi ng bahagi ng buhay para sa lahat ng tao
sa mundo (Nyagah, et. al., 2015).
2. Layunin sa Pag-aaral
Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay
impormasyon hinggil sa epekto ng social media sa
kompiyansa sa sarili ng mga mag-aaral sa Kuya National
High School at naglalayong matugunan ang mga sumusunod
na katanungan:
a. Ano ang saloobin ng mga tinedyer sa paggamit ng
social media?
b. Ano ang epekto ng social media sa kompiyansa sa
sarili ng mga tinedyer?
3. Kahalagahan sa Pag-aaral
Ang mga mananaliksik ay naniniwalang
ang sulating pananaliksik na ito ay may
malaking positibong maidudulot sa nga tinedyer
lalo na sa panahong ito na kung saan ay talamak
na at nagiging parte na ng buhay ang social
media lalong-lalo na ang Facebook na kung saan
ay makikita at maipapakita ang buhay ng bawat
isang gumagamit nito.
4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa epekto ng
social media sa kompiyansa sa sarili ng mga tinedyer.
Saklaw nito ang mga estudyanteng nag-aaral sa Kuya
National High School sa lugar ng Kuya, Maramag,
Bukidnon.
Nililimitahan ang pag-aaral na ito sa mga
estudyanteng nasa edad 15-19 na taong gulang na
kasalakuyang gumagamit ng Facebook sapagkat sila ang
mas may nababatid sa social media at nasa yugto na ng
pagiging isang ganap na tinedyer. Pumili ang mga
mananaliksik ng 15 na babae at 15 na lalaki upang maging
respondente.
5. Depinisyon ng Terminolohiya
Upang mas mapadali ang pag-intindi ng mga magbabasa, minarapat ng mga mananaliksik na
bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa mga salitang ginamit sa
papel na ito.
Ang social media ay tumutukoy sa makabagong linya ng komunikasyon at
pagpapadala ng mga impormasyon.
Ang tinedyer ay tumutukoy sa mga kabataang nasa punto ng pagbibinata at
pagdadalaga.
Ang Facebook ay tumutukoy sa isang site sa social media na karaniwang
tinatangkilik ngayon ng mga tinedyer.
Ang self-esteem ay tumutukoy sa sariling kumpiyansa na meron ang bawat tao.
Ang virtual na mundo ay tumutukoy sa mundong nilikha sa pamamagitan ng
social media o di kaya’y makabagong teknolohiya.
Ang Messenger ay tumutukoy sa makabagong site na ginagamit upang magpalitan
ng mensahe sa social media.
Ang online audience ay tumutukoy sa mga taong nakakakita sa mga larawan o ano
pa mang mga impormasyon na ibinabahagi mo sa social media.
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA
PAG-AARAL AT
LITERATURA
Isinaad ni Nyagah et. al (2015) na ang social media
ay nakakaapekto sa mga tinedyer sa kanilang
pakikipagkapwa-tao. Dahil sa kanilang sariling batayan
ng “perfection” ay nagiging okupado ang kanilang pag-
iisip na maaaring maging simula upang masukat ang
kanilang kumpyansa sa sarili. Sa panahon ngayon ay
nagiging sukatan ang pangangatawan at kagandahan ng
panlabas na anyo para sabihing “perpekto” ang isang tao
(German, 2015).
Ayon naman sa pahayag ni Livsey (2013), ang
paglago ng social media ay naging dahilan rin upang
umusbong ang pagkilala sa mga bagong batayan upang
masabing katanggap-tanggap o kamahal-mahal ang
isang tao. Ang mga tinedyer na gumagamit ng social
media ay nakita rin bilang mas may makakayahang
makibagay sa panibagong henerasyon at makamit ang
inaasam na kaligayahan (German, 2015).
KABANATA III
DISENYO NG
PARAAN NG
PANANALIKSIK
1. Disenyo ng Pananaliksik
Ang pamanahong pananaliksik na ito
ang ginamit upang matagumpay na
malaman at masuri ang epekto ng paggamit
ng social media sa kumpiyansa sa sarili ng
mga tinedyer na kasalukuyang nag-aaral sa
Kuya National High School.
2. Mga Respondente
Pumili ang mga mananaliksik ng
15 na babae at 15 na lalaki na may
edad 15-19 taong gulang sa mga
estudyanteng nag-aaral sa Kuya
National High School at kilalang
aktibo sa paggamit ng social media.
3. Instrumentong Pampananaliksik
Ang papel na ito ay gumamit ng sarbey
kwestyuner upang maayos na makakalap ng mga
datos mula sa mga napiling respondente sa
paaralan ng Kuya National High School.
Para naman mas mapabuti ang pananaliksik
na ito ay nangalap ang mga mananaliksik ng ma
impormasyong galling sa mga journal na
makakasuporta sa mga makukuhang datos.
4. Tritment ng mga Datos
Dahil sa ang pamanahong pananaliksik na
ito ay panimulang pag-aaral lamang at hindi
pangangailangan upang matugunan ang isang
seryosong kaso, ay walang ginawang
pagtatangka upang masuri ang mga datos sa
pamamagitan ng mataas at kumpleks na
estatistika. Tanging pagtatally at pagkuha ng
porsyento lamang ang kinailangang gawin ng
mga mananaliksik.
KABANATA IV
PRESENTASYON AT
INTERPRETASYON NG
MGA DATOS
Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos
at impormasyon.
Ipinapakita sa grap 1 ang distribusyon ng mga
respondente sa kanilang kasarian. Sa tatlumpung (30)
respondent, labing-lima (15) ay babae at labing-lima (15) rin
ang lalaki.
Grap 1
Distribusyon ng mga Respondente ayon sa Kasarian.

50% 50%
Babaeng Respondente Lalaking Respondente
Ang grap 2 ay nagpapakita sa porsyento ng mga
respondenteng naapektuhan sa mga nakikita nila sa social
media.
Grap 2
Distribusyon ng mga Respondenteng Apektado sa Social Media.

100

80

60

40

20

0
Apektado Hindi Apektado

Lumalabas na sa mga napiling respondent ay 98% sa


kanila ang apektado sa mga nakikita nila sa social media, at
tanging 2% ang nagsasabing hindi sila apektado sa kahit anong
meron sa social media
KABANATA V
LAGOM,
KONGKLUSYON AT
REKOMENDASYON
1. Lagom
Lumalabas sa aming nakalap na datos, malaking
porsyento ng mga respondente ang apektado ng social
media. Ibig sabihin, ang social media ay nagiging salik
din upang mabawasan ang kanilang kompyansa sa
sarili. Bilang buod, karamihan sa mga nagiging
apektado ng social media ay ang mga babaeng tinedyer.
Ipinapakita sa resulta na ang pangunahing
pinagtutuonan ng pansin ng mga babaeng tinedyer ay
ang mga tugon at opinyon na kanilang nababasa at
nakikita sa social media partikular na sa site na
Facebook.
2. Kongklusyon
Batay sa mga inilahad na datos, ang mga
mananaliksik ay humantong sa mga kongklusyon:
a. 96% sa mga respondenteng tinedyer ay gumagamit
ng social media kada-araw.
b. 98% sa mga nakuhang respondente ay apektado sa
mga nakikita at nababasa nila sa social media.
c. Mas lamang ang porsyento ng mga babaeng apektado
sa social media.
d. Ang social media ay nagiging salik na nakakaapekto
sa kompyansa sa sarili ng mga tinedyer.
3. Rekomendasyon
Kaugnay ng mga konklusyong nabanggit, buong
pagpapakumbabang inirerekomenda ng mga mananaliksik ang
mga sumusunod:
a. Para sa mga tinedyer na gumagamit ng social media,
nararapat na pangasiwaan ng maayos ang oras na inilalaan sa
social media. Nang sa ganoon ay hindi ito maging hadlang sa
kanilang pang araw-araw na gawain.
b. Para sa mga babaeng kadalasang gumagamit ng social
media, inirerekomenda ng mga mananaliksik na huwag
masyadong isipin ang mga opinion at tugon na natatanggap sa
social media. Bagkus ay gawin itong inspirasyon para
mapabuti ang sarili.
c. Para sa mga magulang, patnubayan at bigyan ng
wastong gabay ang mga anak na nakadawit sa social media
upang sila’y hindi malagay sa maling landas.
LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN
Gallagher, S.M. (2017). The influence of social media on teen’s self-esteem. Unpublished
Thesis. College of Science and Mathematics. Rowan University.
German, S. (2015). The effects of media on body-image and self-esteem. DDS School of Arts,
Dublin, Ireland.
Jan, M., Soomro, S.A., Ahmad, N. (2017). Impacts of social media on self-esteem. European
Scientific Journal, 13. (23).
Livsey, B.K. (2013). Self-concept and online social networking sites in young adolescents;
implications for school counselor. Unpublished Thesis. University of Texas. Austin
Meshioye, A. (2016). Influence social media has on body-image, anxiety and self-esteem in
young adults.Unpublished Thesis. Dublin Business School. Dublin.
Nyagah, V.W., Stephen, A., Mwania, J.M. (2015). Social networking sites and their influence
on the self-esteem of adolescents. Unpublished Thesis. South Eastern Kenya
University. Kenya, Eastern Africa.
Raymer, K. (2015). The effects of social media sites on self-esteem. Unpublished Thesis.
Rowan University.
Schwartz, S.G. (2012). Does Facebook influence well-being and self-esteem among early
adolescents? Unpublished Thesis. School of Social Works. St. Paul, Minnesota.
Valkenburg, P.M., Peter, J., Schouten, A. (2014). Friend networking sites and their relationship
to adolescents’ well-being and social self-esteem. Cyber Psychology and Behavior.

You might also like