You are on page 1of 22

Commentator: Manatili po tayong

nakaupo.

Ngayon po ay ating masasaksihan


ang pagtatalaga sa mga
kabataang nagnanais maging
lingkod sa altar. Inaanyayahan po
ang lahat na panatilihin ang
katahimikan habang isinasagawa
ang pagtatalaga.
Koordineytor ng Ministri:
Minamahal na Kura Paroko, Rev. Fr.
Nestor P. Fajardo, at bayan ng Diyos,
malugod ko pong ipinapakilala sa
ngalan ng aming samahan, ang mga
batang lalaki na nagnanais
maglingkod kay kristo bilang mga
lingkod sa altar. Nakita po namin na
ang mga kabataang ito ay aktibong
kasapi ng simbahan, at karapat-dapat
upang italaga bilang lingkod sa hapag
ng ating panginoon.
MARK JOSEPH
CABANGON
JOHN WARREN
RED CARASIG
JOHN GABRIEL
SUPANGAN
DRANDREB
PINGOL
JOHN LLOYD
PEREZ
CHRISTIAN DAVE
ESPINOZA
ADRIAN CARL
BARBIN
Kura Paroko:

Mga kapatid, halina at tayo ay


magsamasamang manalangin para sa
mga kabataang ito upang hindi sila
magsawa sa paglilingkod sa ating
panginoon bilang mga lingkod sa altar.

Kura Paroko: Manalangin tayo


O Diyos naming makapangyarihan….

Bayan: Amen.
Kura Paroko:Mga kabataan, kayo
ngayon ay naririto sa harapan ng Diyos
at kanyang sambayanan upang
pagtibayin ang inyong pagnanais na
magsilbi sa ating Panginoon.
Nalalaman ba ninyo ang ibig sabihin
nito?

Itinalaga: Opo, nalalaman namin ang ibig


sabihin nito.
Kura Nakahanda ba kayong
Paroko:
magsilbi sa Misa sa takdang panahon,
dumalo at tumulong sa iba pang mga
gawain ng Inang Simbahan na
kailangan ng magsisipaglingkod?

Itinalaga: Opo, nakahanda kami.


Kura Paroko: Nangangakoba kayo na
tutupad sa mga alituntunin ng inyong
Ministri at magiging mabuting
halimbawa sa buong sambayanan ng
Diyos?

Itinalaga: Opo, nangangako kami.


Kura Paroko: Nawa
ang Diyos na
nagsimula ng lahat ng mga
mabubuting gawaing ito ay
maisakatuparan sa pamamagitan
ninyo, at matugunan ninyo ng buong
puso at kaluluwa.

Itinalaga: Amen.
PAGBABASBAS NG MGA
KASUOTANG PANG-LITURHIYA
Commentator:Isasagawa po sa puntong
ito ang pagbabasbas ng mga sutana o
kasuotang pangliturhiya na gagamitin
ng mga itinatalagang kabataan.

Kura Paroko: Manalangin tayo.


Ama naming makapangyarihan....

Bayan: Amen.
PANALANGIN SA PAGIGING
MATAPAT NA LINGKOD
Mga Batang Lingkod sa Altar:
Panginoong Hesu-Kristo, narito po
ako (sambitin ang pangalan)
tumutugon sa iyong tawag at handang
maglingkod sa iyo at sa iyong
sambayanan. Bigyan mo po ako ng
tunay na malasakit sa iyong tahanan,
tulungan mo po akong maglingkod sa
banal na eukaristiya sa takdang
panahon at makaganap sa iba pang
mga tungkulin nakaatang sa akin.
Pagkalooban ninyo ako ng mga biyaya
na kinakailangan upang ako ay
maging mabuting halimbawa sa aking
kapwa. Nawa tulad ng Mahal na
Birheng Maria na iyong ina, at ina rin
naming lahat. Matutunan ko nawa na
maging tapat mong lingkod at
tumugon sa iyo ng walang pag-
aatubili.

Amen.
Iyuko ninyo ang inyong mga
Kura Paroko:
ulo at tanggapin ang pagbabasbas.

Sa kapangyarihang ipinagkaloob
sa aking ng Iglesia Katolika, pinagtitibay
ko ang inyong pangakong katapatan
at para sa inyo mga kabataang
bagong talaga upang maging lingkod,
kayo ay malugod na tinatanggap
bilang ganap na kasapi ng ministri ng
lingkod sa altar dito sa ating parokya.
Kura Paroko:Bayan ng Diyos, naririto na
ang mga kabataang naitalaga at
muling nagsariwa ng kanilang pangako
sa altar. Palagi nawa natin silang isama
sa ating mga panalangin, na
manatiling tapat sa pangako nilang
sinumpaan at manatiling nagmamahal
sa ating Panginoon na kanilang
pinaglilingkuran.
Papurihan natin ang
Kura Paroko:
Diyos na tumawag sa kanila at
palakapakan natin sila na
tumugon sa tawag ng Diyos
bilang maging lingkod sa altar.

You might also like