You are on page 1of 14

FILIPINO 5

UNANG MARKAHAN
Nagagamit ang iba’t ibang uri ng
panghalip sa usapan at pagsasabi
tungkol sa sariling karanasan
F5WG-If-j-3
Nagagamit ang magagalang na
pananalita sa pagsasabi ng hinaing o
reklamo
F5PS-Ig-12.18
ANO-ANO ANG MGA HALIMBAWA NG
PANGHALIP?
MGA TANONG:
1. Ano-ano ang ginagawa
ng mga tao rito?

2. Ano ang nararamdaman


mo kapag ikaw ay narito?
BASAHIN:
Nais na mamili ng damit ni Irish kaya pumunta siya sa KCC
Mall. May nakita siyang mga damit na kanyang nagustuhan.
Maraming klase ng damit ang ipinakita sa kanya. “Ate,
mayroon bang mas maliit sa ganitong klase ng damit? Ang
magkakasya sa akin.” tanong ni Irish sa saleslady. “Titingnan
ko kung mayroon pa”, ani ng saleslady.

Pagbalik ng saleslady, ibinigay kay Irish ang damit “Ito na


ang pinakamaliit sa klase ng damit namin na iyong napili.”
May nakitang butas si Irish sa damit kaya agad niyang sinabi
ito sa saleslady. “Ate, baka naman po pwede itong palitan,
may butas kasi sa tagiliran.” Pinalitan ito ng saleslady,
“Maraming salamat po!” Agad na binayaran ni Irish ang mga
napili at saka umuwi.
MGA TANONG:

1. Saan nagpunta si Irish?


2. Ano-ano ang kanyang pinamili?
3. Nagustuhan ba niya ang lahat ng damit na
ipinakita ng saleslady?
4. Paano niya sinabi sa saleslady ang kanyang
hinaing?
TALAKAYAN

1. Ano-ano ang mga panghalip na nabasa sa


usapan?
(Isusulat ng guro ang mga sagot ng bata)
2. Ano-ano sa mga panghalip na ito ang
nagpapakita ng pagmamay-ari?
3. Ano ang tawag sa panghalip na nagpapahayag
ng pagmamay-ari?
4. Kailan ginagamit ang panghalip na paari?
BUMUO NG APAT NA PANGKAT
Pangkat I- Sumulat ng isang maikling tula gamit ang magagalang na
salita na ginagamit kung may hinaing o reklamo.
Pangkat II- Lumikha ng isang maikling dula-dulaan na nagpapakita
paggamit ng magagalang na pananalita sa pagsasabi ng reklamo o
hinaing.
Pangkat III- Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na
panghalip paari.
1. akin 2. natin 3. kanila 4. namin 5.amin
Pangkat IV- Isulat ang talata sa papel at punan ang bawat
patlang ng angkop na panghalip na paari.
GAMITIN ANG PANGHALIP NA PAARI SA
PANGUNGUSAP.ISULAT ANG
TAMANG PANGHALIP SA PATLANG.
1. Ang _________paaralan ay malinis.
2. Ang __________ kapatid ay matalino at
mabait.
3. Ang kotseng ito ay_________.
4. Ang _______ aklat ay hihiramin ni Mira.
5. Ang _______bahay ay napakalinis
1. Ano ang panghalip
paari? Kailan ito ginagamit?

2. Paano mo masasabi ang


iyong hinaing o reklamo?
PAGTATAYA: SALUNGGUHITAN ANG TAMANG
PANGHALIP SA LOOB NG PANAKLONG.
1. Si Marilyn Del Rosario ay kamag-aaral (akin,ko).
2. Halina kayo at panoorin (atin,natin) ang
palatuntunan sa paaralan.
3. Iwan na (ninyo,inyo) ang mga gawain dito.
4. Minamahal (namin,amin) ang Tatay at Nanay.
5. Bing, paliguan (mo,ninyo)ang ating aso.
Tandaan at palaging
gamitin ang
magagalang na
pananalita kung may
reklamo o hinaing.
TAKDANG ARALIN

Magsaliksik tungkol sa
“talata”.

You might also like