Katulad ito ng roma at italya sa mahigpit na agawan sa pamumuno sa bayan. Hindi kabilang dito sina Don Rafael,kapitan Tiago, at ilang namumuno sa pamahalaan. Bagamat si Don Rafael ang pinakamayang sa bayan, ang ginagalang ng lahat at pinagkakautangan ng marami, hindi pa rin siya ang nagmamay-ari ng kapangyarihan sa bayang iyon. Si Kapitan Tiago na may mga ari-arian din at kabilang sa mataas na antas ng lipunan, sinasalubong ng banda at musiko, at pinagsisilbihan ng masasarap na pagkain ay walang walang posisyon sa lipon ng mga makapangyarihan. Ang posisyon naman sa pamahalaan tulad ng gobernadorcillo o kapitan sa bayan ay mabibili sa halagang P5,000 at madalas pa na kagalitan ng alkalde mayor. Sino ba talga ang makapangyarihan sa San Diego? Walang iba kundi ang kura paroko sa simbahan at ang alpares na siyang puno ng mga gwardiya sibil. Ang kura paroko na si Padre Bernardo Salvi, ang batang pransiskanong na mukhang masasakitin at siyang pumalit kay Padre Damaso. Higit na may kabaitan ito kumpara kay Padre Damaso, kung meron mang naging kabaitan ang huli. Ang alpares naman ay lasinggero, mapambugbog sa asawa at malupit kanyang mga tauhan. Nakapag-asawa ito ng pilipina, si Donya Consolacion, na mahilig magkolorete sa mukha. Dahil sa agawang ito sa kapangyarihan ng dalawang kastila, natural lamang na na may palihim na hidwaang nagaganap, ngunit sa publikong lugar ay ipinapakita ng dalawa ang kanilang pagkunwaring pagkasunduan.