You are on page 1of 32

MAGANDANG UMAGA!

Genesis 11:1-9
1At ang buong lupa ay iisa ang wika at iisa ang salita. 2At nangyari,
na, sa kanilang paglalakbay sa silanganan, ay nakasumpong sila ng
isang kapatagan sa lupain ng Sinar; at sila'y nanahan doon. 3At
nagsangusapang, Halikayo! tayo'y gumawa ng mga laryo, at ating
lutuing mabuti. At inari nilang bato ang laryo at ang betun ay inaring
argamasa. 4At nagsipagsabi, Halikayo! Magtayo tayo ng isang bayan
natin at ng isang moog, na ang taluktok niyaon ay aabot hanggang sa
langit, at magtaglay tayo ng isang ngalan; baka tayo'y mangalat sa
ibabaw ng buong lupa. 5At bumaba ang Panginoon upang tingnan
ang bayan at ang moog, na itinayo ng mga anak ng mga tao. 6At
sinabi ng Panginoon, Narito, sila'y iisang bayan at silang lahat ay may
isang wika; at ito ang kanilang pinasimulang gawin: at, ngayon nga'y
walang makasasawata sa anomang kanilang balaking gawin.
7Halikayo! tayo'y bumaba at diyan din ay ating guluhin ang kanilang
wika, na anopa't sila'y huwag magkatalastasan sa kanilang salita.
8Ganito pinanabog sila ng Panginoon mula riyan, sa ibabaw ng
buong lupa; at kanilang iniwan ang pagtatayo ng bayan.
AYn sA SourCe na nKitA Q, ang MgA
jEjEMon dAw AY UNG mGa tAo NA
MhILig mGphiraP SA KNilng SriLI kPg
siLA AY NgtATYpe P0Wh.. GmIT Na
gmiT nILa aNG celLPhONez aT lGiNg
Ng gM SA KnIlng fRIENDSHIpz at Ang
ForMT nA giNGmiT nIla Ay k2Ld
NIToNG gInWa q ngYuN P0wh.. HINdE
q Alm kunG AnU FoRmt Na GinGwA
Nila d2, Dahil NpKrAndom nG Pg-
CApItAl nuNG iBng lEtterS P0wh.. At
Ang TAwA nIla aY jejEJe P0wh…
Anik / Anetch — ano (what) / which
Balaj — balahura (shameless)
Bitter Ocampo — malungkot (sad) /
nagngingitngit (fuming mad) / bitter
Baklah / Baklush — used instead of one’s
name, may refer to any gender
Givency / Janno Gibbs / Debbie Gibson —
bigay (to give) That’s Entertainment / Anda /
Andalucia / Anju / Anjo Yllaña — datung
(money)
Fatale — sobra (excessive) / to the max Feel
/ Fillet o’ Fish — type / gusto / natipuhan (like)
Barayti ng
Wika
 Ang pagkakaroon ng
barayti ng wika ay
ipinapaliwanag ng
teoryang sosyolinggwistik
na pinagbatayan ng ideya
ng pagiging
heterogeneous ng wika.
 Sa kasalukuyang panahon ay
pinag-aaralan ang isang wika sa
loob ng kapaligiran at karanasan
ng mga nagsasalita nito.
 Ito ang nagbubunga ng sitwasyon
at mga pangyayaring nagreresulta
sa tinatawag na DIVERGENCE,
ang dahilan kung bakit
nagkakaroon ng iba’t ibang uri o
barayti ng wika (Paz, el. al. 2003)
Dayalek
 Ang barayti ng wikang
nalilikha ng dimensyong
heograpiko.
 Tinatawag din itong wikang
ginagamit sa isang
partikular na rehiyon,
lalawigan o pook, malaki
Luzon

 Pampango – Pampanga
 Bikolano – Bicol
 Ilocano – Ilocos
 Ibanag – Isabela at Cagayan
 Panggalatok – Pangasinan
Visayas

 Aklanon – Aklan
 Kiniray-a – Iloilo
 Antique – Kanluraang Panay
 Capiznon – Hilaga-Silangang panay
 Cebuano – Cebu, Bohol, Negros, at
iba pa
Mindanao

 Surigaonon – Surigao
 Tausug – Jolo at Sulu
 Chavacano – Zamboanga
 Davaoeno – Davao
 T’boli – Cotabato
 Makikilalaang dayalekto
hindi lamang sa
pagkakaroon nito ng set ng
mga ‘distinct’ na
bokabularyo, kundi maging
sa punto o tono sa
istraktura ng pangungusap.
Maynila
Aba, ang ganda!
Batangas
Aba, ang ganda eh!
Bataan
Ka ganda ah!
Rizal
Ka ganda, hane!
Sosyolek

 Ito
ang barayting nabubuo sa
demensyong sosyal o
panlipunan.
 Nababatay ito sa mga
pangkat na kinabibilangan.
Hal.

 Oh my Gosh! Nakatabi ko kanina sa


labas ang crush ko! Tapos nakasabay
ko pa s’yang mag-library! (Estudyante)
 Ano ika mo, wala pa ang tatay n’yo
diyan? Aba, at san na naman
nagpunta ang damuhong ‘yon?
Malilintikan yun sa akin! (Matanda)
Hal.
 Wiz ko feel ang mga hombre ditech,
teh!
 Gora na tayis frend! Keri lang ke wa
anda.
 Wow pare, ang tindi ng tama ko!
Heaven!
 Kosa, pupuga tayo mamaya.
 Girl, bukas na tayo maglayb. Mag
malling muna tayo.
 Pare, punta tayo mamaya sa Mega.
 Maaari ring may okupasyunal na
rehistro ang sosyolek

 Hearing, fiscal, trial, guilty –


Abogado/judge/Politiko
 Antibiotic, diagnosis, check-up –
colon, emergency – Doctor
 Mahusay, intelehente, tumpak,
takdang-aralin - Guro
 May pagkakaiba ang barayti ng
nakapag-aral sa hindi nakapag-aral;
ng matanda sa mga kabataan; ng mga
maykaya sa mahihirap; ng babae sa
lalaki o sa beks; gayundin ang wika ng
preso; wika ng tindera sa palengke; at
iba pang pangkat.
 Ayon kay Rubrico (2009), ang
sosyolek ay isang mahusay na
palatandaan ng intratipikasyon ng
isang lipunan, na siyang
nagsasaad ng pagkakaiba ng
paggamit ng wika ng mga tao na
nakapaloob dito batay sa kanilang
katayuan sa lipunan at sa mga
grupo na kanilang kinabibilangan.
 Para matanggap ang isang tao sa
isang grupong sosyal, kailangan
niyang matutuhana ng sosyolek
Jargon
 Ito ang tawag sa mga natatanging
bokabularyo ng isang particular na
pangkat na gawain o propesyon.

Pansinin naman na ang mga


sumusunod na salitang ginagamit
sa isports na tennis at kung paano
naiiba ang REGISTER nito sa
ibang larangan:
Ace (puntos)
Fault (pagtapak sa linya sa pagservice)
Love (pagkakaroon ng score na 0)
Rally (sequence nung pabalik-balik nung
bola)
Slice (kung paano pinapatamaan ng
raketa ang bola)
Idyolek

 Itoang nakagawiang
pamamaraan sa pagsasalita
ng isang indibidwal o ng isang
pangkat ng tao. (Uri ng
wikang ginagamit at iba pa)
 Indibidwal na estilo ng
paggamit ng isang tao sa
 Ang bawat indibidwal ay may kani-
kaniyang paraan ng paggamit ng wika.

Halimbawa: Broadcasters

Mike Enriquez
Noli de Castro
Mon Tulfo
Rey Langit
Gus Abelgas
Halimbawa: Iba pang kilalang
personalidad

 Kris Aquino
 Ruffa Mae Quinto
 Doña Ina (Michael V)

 at marami pang iba


Pidgin
 Ito ay tinatawag sa Ingles na
“nobody’s native language.” o
katutubong wikang di pag-aari
ninuman
 Ang leksyon ng usapan ay hango sa
isang wika, at ang istruktura naman ay
mula sa isa pang wika

Halimbawa:
“Suki, ikaw bili tikoy. Sarap, mura.”
“Ikaw wag upo d’yan. Para di luge
Creole
 Ito ay isang wika na unang naging
pidgin ngunit kalaunan ay naging likas
na wika (nativized.)

Halimbawa:
Chavacano (Zamboanga) – Hindi
masasabing purong Kastila dahil sa
impluwensya ng ating katutubong wika
sa istruktura nito.
Pagsasanay
Paano mo kakausapin o babatiin ang
masasalubong mong….

Guro Beks
Sosyal

Jejemo Lolo mong


n galing probinsya

Presidente
Prinsip
al
1. Ano-anong barayti ng wika ang kapansin-
pansin sa paraan ng pagsasalita ng host
sa programang panradyong napakinggan
mo? (Batman) Bakit ito ang sinagot mo?
2. Bakit kaya dayalek ng mga Batanggenyo
ang napiling gamitin para sa Batman joke
time?
3. Bakit sina Boy Abunda, Kris Aquino, Gloria
at Duterte ang napiling gayahin o i-spoof
sa mga pinanood mo? Ano ang masasabi
mo sa kanilang idyolek?
4. May mga nagamit bang jargon ang host o
ang mga bisita? Kung mayroon, anu-ano
ang mga ito?
 Paggawa ng comic strip na may
temang “Ang Teknolohiya Kaagapay
sa Pag-unlad ng Bansa” pumili
lamang ng isang barayti.
 Idyolek
 Diyalek
 Sosyolek
Pagsulat ng sanaysay
 Sa ano-anong pagkakataon sa buhay
mo maaaring makatulong ang mga
kaalaman ukol sa mga barayti ng wika?
Sa ano- anong mga paraan ito?
Pangatwiranan
Paraan ng Pagmamarka
KOMICS STRIP SANAYSAY

Comic Strip Sanaysay


5 – orihinalidad 5 – orihinalidad
5 – kaisahan ng wikang ginamit 5 – organisasyon ng nilalaman
5 – linis ng pagkakaguhit 5 – kaalaman at lalim ng paksa
5 – pagiging malikhain 5 – mensaheng taglay

20 Puntos – Kabuoan 20 Puntos – Kabuoan


Halimbawa: Komics
Takdang-Aralin
 Magsaliksik ng mga wikang
ginagamit sa inyong lugar at
itala/isulat ang pagkakakilanlan
nito sa iyong papel (one whole
yellow paper) na ipapasa sa
susunod na pagkikita sa klase.

You might also like