You are on page 1of 8

Katangian ng Populasyon

Mabilis na paglaki ng populasyon sa


iyong pamayanan, sa ating
bansa, at sa buong mundo? Lumalaki ng
211, 839 sa isang araw ang populasyon ng
mundo. Sa loob ng isang oras, may 8,827
sanggol ang ipinanganganak.
Katangian ng Populasyon

 Ang tao, bilang yaman ng bansa ay


malaki ang maitutulong sa bansa.
Magiging yaman ng bansa ang
mga Pilipino kung ang bawat isa ay
mabibigyan ng sapat na
karunungan, maayos na kalusugan,
at mabubuting pagpapahalaga
tungo sa pag-unlad ng ating bansa.
Katangian ng Populasyon

Katangian ng Populasyon na makakatulong sa


pag-unlad ng bansa:
1. Malusog at malalakas na mamamayan
2. Pagkakaroon ng kalidad na edukasyon
3. Pagkakaroon ng maayos na tahanan at
kapaligiran
4. Pagtatamasa ng mga karapatang pantao
5. Pagkakaroon ng maagap na serbisyong
pampubliko
Katangian ng Populasyon

Matalino Malusog

1. Mapagkalinga sa pamilya 1. Malusog ang panganga-


2. May pag-ibig sa kapwa tawan.
3. May pinag-aralan 2. Kumakain ng mura at
4. May kasanayan masustansyang pagkain
5. Malikhain 3. Walang bisyo.
6. Matulungin 4. Natutulog sa tamang oras
7. Tapat sa tungkulin
8. May pananalig sa Diyos
9. Makabayan
10.Magalang
Katangian ng Populasyon

Ang mga tao ang pinakamahalagang


pundasyon ng pag-unlad ng isang
bansa. Nakasalalay ang pag-unlad na ito
sa lakas at talino ng mga mamamayan.
Ang malusog na tao ay lubos na
maasahan sa paggawa at
pagpapaunlad ng kabuhayan. Kung
mahina at sakitin ang mga tao, hindi
sila lubos na makapag-aambag sa
lipunan bagkus ay magiging pasanin pa
ng pamahalaan.
Katangian ng Populasyon

 Ang katalinuhan ng tao ay mahalaga sa


bansa. Kadalasan, ang matalinong
mamamayan ay mapamaraan. Ang
pagiging mapamaraan ay makatutulong
upang mapabilis ang pag-unlad ng
isang bansa. Inaasahang malawak
ang pang-unawa at may disiplina ang
mga taong matatalino. Madali nilang
nauunawaan ang mga dapat gawin at
may kakayahan silang malutas ang
mga suliranin sa paggawa.
Katangian ng Populasyon

Pangunahing pangangailangan ng tao na


magtaglay ng malusog na pangangatawan at
katalinuhan upang maging produktibo at
magkaroon ng kakayahang mabuhay tungo sa
kaunlaran at kapayapaan.
Ang malusog at matalinong manggagawa ang
tunay na yaman ng bansa.
Makikita sa kalagayan ng mga mamamayan sa
bansa ang katayuan ng pamumuhay. Kapag
naghihirap ang mga tao, gayundin ang
bansa.

You might also like