You are on page 1of 7

LEPTOSPIROSIS

Ang leptospirosis bacteria ay


posibleng mamuhay sa mga hayop
tulad ng daga, aso, baboy at baka.
Kahit ang tao na may leptospirosis
ay puwedeng makahawa ng iba sa
pamamagitan ng kanyang dugo at
ihi sa loob ng isang buwan.
Saan nakukuha ang leptospirosis?
Kapag may sugat ang iyong paa at
lumusong ka sa baha, posibleng
pumasok ang leptospirosis bacteria
sa iyong katawan. Makukuha rin ito
sa maruming putik, sa taniman at
sa kontaminadong swimming pool.
 Ang sintomas nito ay ang matinding sakit ng
ulo at katawan. Nakararanas din ng lagnat
at paninilaw ng mata. Lumalabas ang
sintomas ng leptospirosis pagkaraan ng 5
hanggang 14 araw pagkalusong sa baha.
 Matindiang komplikasyon nito. Puwedeng
masira ang bato, atay, puso, baga at utak.
Kadalasan ay ang bato ang tinatamaan at
umaabot sa kidney failure at dialysis. May
20% ang namamatay kapag tinamaan na ng
kidney failure.
Paano iiwas sa leptospirosis:
 1. Huwag lumusong o maligo sa baha. Umiwas sa
maruruming putikan at swimming pool.
 2. Magsuot ng bota at gloves bago lumusong sa baha.
 3. Kung hindi makaiwas sa baha, maglinis agad ng
paa at katawan. Maglagay ng alcohol sa lahat ng
nabasang parte ng katawan.
 4. I-kontrol ang daga sa bahay at kapaligiran.
Gumamit ng mousetrap.
 5. Linisin ang bahay maigi para hindi bahayan ng
daga at insekto.
 6. Gamutin ang sugat sa paa at kamay. Marami
ang nagkakaroon ng alipunga sa paa dahil sa baha.
Lagyan ito ng alcohol at pahiran ng anti-fungal
cream tulad ng Ketoconazole cream na mabibili sa
mga botika.
 7. Ingatan ang mga alagang hayop. Puwede rin
maging carrier ng leptospirosis ang alagang baboy,
baka at aso.
Gamot sa leptospirosis:
 Huwag painumin ng doxycyline ang mga
batang edad 8 pababa, mga buntis at mga
nanay na nagpapasuso. Tandaan din na
kailangan ninyong kumunsulta sa doktor
bago uminom nitong gamot. Kapag
mayroong kaso ng leptospirosis, ipaalam
agad ito sa ospital ng gobyerno. Hahanapin
ng DOH ang source ng leptospirosis para
hindi na makahawa sa iba. Magtulung-
tulong tayo sa pagsugpo ng leptospirosis.

You might also like