You are on page 1of 14

Mga Uri ng Morpema

Morpemang may kahulugang leksikal


 Ito ang mga morpemang tinatawag ding pangnilalaman pagkat
may kahulugan sa ganang sarili. Ito ay nangangahulugan na ang
morpema ay nakakatayo ng mag-isa sapagkat may angkin siyang
kahulugan na hindi na nangangailangan ng iba pang salita.
Mga Morpemang may kahulugang pangkayarian
 Ito ang mga morpemang walang kahulugan sa ganang sarili
at kailangang makita sa isang kayarian o konteksto upang
maging makahulugan. Ito ang mga salitang nangangailangan
ng iba pang mga salita upang mabuo ang kanilang gamit sa
pangungusap.
Morpemang may Kahulugang Lesikal Morpemang may Kahulugang Pangkayarian
 Pangalan  Pang-angkop
 Pang-uri  Pangatnig
 Pang-abay  Pang-ukol
 Pandiwa  Pananda
Pangalan Pandiwa Pang-uri Pang-abay

 Henry • Kumain • Kalahi • Kagabi


 Abogado • Bumili • Maputi • Malaya
 Lapis • Kumukulo • Kapit-tuko • Lubhang
 Kapayapaan • Tumatapon • Makatao nagulat
 Guro • Kaalis • bukas
 Bohol • Pinagtatanim
 Kasalan • Dumalawa
 Cellphone • Nag-iisip
Pang-angkop Pangatnig Pang-ukol Pananda

• Na • at • Tungkol • Ang/ang mga


• Ng • Pati sa/kay • Ng / ng mga
• Ni • Hinggil • Si /sina
• Sapagkat sa/kay • Ni /nina
• Kapag • Alinsunod sa
• kaya • Para sa/ka
Pagbabagong Morpoponemiko
Madalas mangyari ang pag babago ng anyo at pagbigkas sa iilang
salita sa wikang filipino kapag nilalapatan o di kaya ay kapag ang
dalawang magkaibang morpema ay pinagsama. Tulad nalamng
ng pagbabagong nagaganap sa panlaping (pang) kapag ikinakabit
o iniuunpali sa salitang bansa.
Mga Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko
ASIMILASYON
 pagbabagong naganap sa /n/ sa posisyong pinal dahil sa impluwensiya ng
ponemang kasunod nito.

d.l.r,s,t b, o p k,g,h, m, n, ng,w, y


PAN PAM PANG
MAN MAM MANG
SIN SIM SING
SAN SAM SANG
Hal.
Pan+ dikdik pam + bayan pang + gabi
=Pandikdik =pambayan =panggabi
PAGPAPALIT NG PONEMA
 kung ang isa o dalawang titik ng salita ay napapalitan ng iba bukod sa kung
nagkakaltas o nagsusudlong.Ang ponemang /d/ sa posisyong inisyal ng
salitang nilalapian ay karaniwang napapalitan ng ponemang /r/ kapag patinig
ang huling ponema ng unlapi.

Hal.

D R
Ma + dapat = madapat marapat
Ma + dunong = madunong marunong
METATESIS
 kapag ang salitang ugat ay nagsisilula sa /l/ o / y/ ay ginitlapian ng
(-in) ang /l/ o /y/ ng salitang ugat at ang /n/ ng gitlapi aynagkakapalit ng
posisyon.

Hal.
-In + lipad = linipad = nilipad
– in + yaya = yinaya = niyaya
PAGKAKALTAS NG PONEMA
 Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig ng
salitang ugat ay nawawala sa paghuhulapi nito.

Hal.
Takip + -an = takipan = takpan
Sara + -han= sarahan = sarhan
PAGLILIPAT- DIIN
 may mga salitang nababago ng diin kapag nilapian.Saklaw nito ang
pagbabagong nagaganap sa diinng salitang ugat kapag nilapian

Hal.
Basa + -hin = basahin
-ka + sama+ han = kasamahan
Reduksyon o Pag-aangkop
 sa dalawang salitang magkasunod ang una’y nababawasan ng papungo o
pakutad at kung minsa pay napapalitan ng isa o ilang titik sa loob bago
napipisan sa dalawang salita sa isa na lamang.

Hal.
Wikain mo kamo
Hayaan mo hamo
Winika ko ikako

You might also like