You are on page 1of 9

HOW TO SHARE

TESTIMONY
WHAT IS TESTIMONY
• Story ng buhay natin kung paano tayo
binago ni Lord

• Ito ay isang patunay o proof ng buhay


natin kay Lord

• Ito ay isang napakagandang experience


natin
BAKIT KELANGAN MAG
SHARE NG TESTIMONY?

• Para makaakay pa ng ibang tao

• Para maging ilaw at asin


PAANO MAG SHARE NG
TESTIMONY?
1. DATING BUHAY
Ito yung sarili mo nung hindi pa nakakakilala kay Lord:

• Masasamang ugali
• Mga nakasanayan
• Mga bisyo
• Mga tradisyon at kultura
EXAMPLE:

Ako po si Daryl, dati nung hindi pa po ako


nakakilala kay Lord, ako po ay isang pasaway na
anak. Palagi ko pong inaaway ang aking kapatid
at hindi kami nag kakasundo.

Napaka tamad ko din noon dati. Tamad din


po akong mag aral at mas gusto na lang umabsent
palagi. Ako din ay adik sa mga computer games.
Tuwing pag uwi ko sa school noon ay diretso na
ako sa computer shop para maglaro.
PAANO MAG SHARE NG
TESTIMONY?
2. PAANO NAKAKILALA KAY LORD
Ito yung kwento kung paano ka tumanggap at nakakilala
kay Lord

• Sino ang nagshare sayo?


• Saan ito nangyari?
• Kelan ka tumanggap kay Lord?
EXAMPLE:

Noong ako po ay grade 6 noon, merong pumasok sa


aming classroom para magshare tungkol kay Lord. Sinabi
nya na kapag tinanggap namin si Lord ng seryoso sa puso
namin ay sya na ang manguna sa buhay namin.

At tinanggap ko nga si Lord. Nag pray kami ng


pagtanggap kay Lord at inari ko iyon na seryoso sa aking
sarili kahit na ang mga classmate ko ay palaro-laro lamang.
At simula noon ay nagsimula na ang pagbabago ni Lord sa
buhay ko.
PAANO MAG SHARE NG
TESTIMONY?
2. BAGONG BUHAY
Ito na yung kung ano na ang nabago sayo simula nung
tinanggap mo si Lord

• Mga nabagong pananaw


• Mga nabagong ugali at gawain
EXAMPLE
Simula po nung tumanggap ako kay Lord ay
nagkaroon na ng patutunguhan ang buhay ko, akala ko
dati ay nandito ako sa mundo para mag aral, magkatrabaho
hanggang sa ako ay tumanda. Meron palang ibang plano sa
atin si Lord na higit sa plano natin.
Simula din noon ay nagkaroon ng direksyon ang
buhay ko. Hindi na ako nakikipag away sa kapatid ako at
naging masipag na din ako. Iniwasan ko na ang pag
cocomputer at nagfocus sa pag aaral hanggang sa naging
scholar ako ng SM.
At ngayon ay nakapag tapos na ako ng pag aaral at
nagtatrabaho na, at patuloy na naglilingkod kay Lord at
patuloy na namumuhay sa plano nya!

You might also like