You are on page 1of 6

PAHINA 257

QUINTO, ROSELYN Y.
GLOSARI
awiting-bayan (a-wi-ting ba-yan)png. isang
tulang inaawit sa pagpapahayag ng damdamin,
kaugalian, karanasan, pananampalataya at
gawain o hanapbuhay ng mga taong naninirahan
sa isang pook.
balagtasan (ba-lag-ta-san) png: isang uri ng
tulang patnigan na isinasagawa sa pamamagitan
ng talino ng dalawang mambabalagtas ukol sa
isang paksa na lalong kilala sa tawag na
pagtatalong patula.
GLOSARI
balita (ba-li-ta) png: anumang ulat na
napapanahon tungkol sa mga pangyayari sa loob
at labas ng ating bansa at tumatalakay sa
iba't ibang paksa sa pamahalaan, lipunan,
paaralan, pananampalataya, kalakal, agham,
sakuna, kalusugan, atbp. (news)
banghay (bang-hay)png: isang sangkap ng
maikling kuwento na nagpapakita ng maayos na
pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa
kuwento. (outline)
batayan (ba-ta-yan) png: sandigan o
sanggunian (basis)
GLOSARI
bugtong (bug-tong) png: matalinhagang mga
pariralang may sukat at tugma na
nangangailangan ng madaling kasagutan. Kaya
dito nasusukat ang talino, bilis ng isip at
uri ng katauhan ng ating mga ninuno.
(riddle)
bulong (bu-long) png: binubuo ng ilang
taludtod na ginagamit upang magbigay-galang,
mangkulam, manumpa, mang-engkanto,
magpasintabi, manghingi ng paumanhin sa mga
anito at mga di nakikitang espiritu.
(incantation)
GLOSARI
climax (klay-max) png: kasukdulan;
karurukan (climax)
cybernetics (say-ber-ne-tics) png:
agham ng komunikasyon at ng
automatikong sistema ng pagkontrol sa
makina at buhay na nilalang.
dalit (da-lit) png tulang
pagpaparangal sa Maykapal.
GLOSARI
Dula (du-la) png: naglalahad ng isa o
higit pang pangyayari na
kinasasangkutan ng isa o dalawang
pangunahing tauhan at iba pang
katulong na tauhan at itinatanghal sa
dulaan o tanghalan (play)
duplo (dup-lo) png paligsahan sa
pagtula sa pamamagitan ng pagbibigay
ng pagmamatuwid tungkol sa isang
paksa.

You might also like