You are on page 1of 2

BALITA

ALYSSA CAVADA
10-RIGHTEOUSNESS
EL NIDO, PALAWAN

• EL NIDO, Palawan – Wala nang buhay nang matagpuan ang isang pawikan na napadpad sa
pampang dito sa bayan nitong Lunes.Ayon sa lokal na pamahalaan, walang nakitang sugat o
anumang senyales na sinaktan ang pawikan kaya hinala nilang nakalunok ito ng basurang
inakalang pagkain, Isinusulong na rin ng munisipyo ang pagbabawal sa paggamit ng plastic
bottles at plastic na supot sa pamimili

• Sa bayan naman ng Coron, malaking hamon pa rin ang basura sa karagatan, Tinutuligsa ng
ilang netizen ang umano'y kapabayaan ng lokal na pamahalaan ng Coron sa problema sa
coastal areas, Kuwestiyonable rin umano ang pangakong pabahay para sa mga naninirahan
malapit sa dagat na sinalanta ng bagyong Yolanda, Ayon kay Coron Mayor Ajerico Barracoso,
inihahanda na ang national housing project na pinondohan ng national government para sa
relocation site ng mga naninirahan sa coastal areas, Aminado naman ang mga
environmentalist na hindi basta-basta mawawala na lang ang problema sa basura at paggamit
ng plastic, Pero sana umano ay makitang kumikilos ang mga lokal na opisyal para matugunan
ang problema.

You might also like