You are on page 1of 14

bagyo

Ang
Panalangin
ni
Fatima
Isang araw,
nagkaroon ng
bagyo sa bayan
nina Fatima.
Takot na
takot si Fatima.
Yumakap siya sa
kanyang inang si
Felising.
“Huwag kang
matakot anak,
hindi kita iiwan”,
sabi niya kay
Fatima.
Nag-aalala
rin si Aling
Felising dahil
hindi pa umuuwi
si Mang Felipe,
ang kanyang
asawa.
Sa halip na
mag-alala ay
nanalangin silang
mag-ina.
Maya-maya
ay dumating si
Mang Felipe
kasama ang
kanilang alagang
aso na si Filong.
Tuwang-
tuwang yumakap si
Fatima sa kanyang
ama.
Ikinuwento ni
Mang Felipe ang
ginawang
pagliligtas sa kanya
sa baha ni Filong.
“Salamat sa
Diyos dahil ligtas
ang iyong tatay”,
wika ni Aling
Felising.
“At salamat po
kay Filong dahil
iniligtas niya
Si Tatay at higit sa
lahat, iniligtas siya
ng ating
panalangin.” wika ni
Fatima.
Nanalangin ang
mag-anak bilang
pasasalamat.
Simula noon ay
hindi nila kinalimutan
ang manalangin
araw-araw kahit
lumaki na ang
kanilang pamilya.

You might also like