You are on page 1of 40

ADVENT

ADVENTUS
Coming
Pagdating
I. CHRISTMAS PARTY
II. B-DAY PARTY
III. MAY DARATING NA BISITA
IV. CHRISTMAS PARTY
christmas
LUKE 3: 1-6
Sino ang
nangangaral?
Ano ang
ihahanda?
Para Liturgy
Panimula / Intorduction

Sa ikalawang linggong ito ng


Adbiyento , naghihintay at
naghahanda pa rin tayo para sa
pagdating ni Jesus. Umaasa tayo na
magiging bahagi si Jesus ng ating
buhay, hindi lang sa Pasko ngunit sa
buong taon.
Panimula / Intorduction

Maihahanda natin ang ating mga sarili


para kay Jesus sa pamamagitan ng
panalangin at pagbibigay ng ating sarili
sa pag-ibig, pag-asa ,
pananampalataya, katarungan at
kabutihan. Sa linggong ito nawa’y ,
magpatuloy tayo sa pag-asa at
pananalangin.
Halina , Hesus, Halina
Pangindapatin nating maging
marapat tayong dumulog sa
ating Panginoong Hesu-Kristo,
tayo ay tumahimik at
pagnilayan ang ating mga
nagawang pagkukulang.
O Panginoong kong Jesus ako
ay nagkasala laban sa Iyong
kabutihang walang hanggan.
Ako ay nagsisisi at
nangangakong hindi na muling
magkakasala sa tulong ng
Iyong mahal na Grasya.
Antipona :
Darating na may dakilang
kapangyarihan ang ating Diyos
upang liwanagan ang mata ng
kanyang mga lingkod.
Awit ni Daniel 3: 53 -57
Pinupuri ka namin, Panginoon , Diyos ng
aming ninuno;
Karapat-dapat kang ipagdangal at
dakilain magpakailnaman
Purihin ang iyong banal at maluwalhating
pangalan,
Nararapat purihin at ipagdangal
magpakailanman.
Purihin ka sa iyong banal
at maringal na tahanan;
Lubhang karapat-dapat awitan at dakilain
magpakailanman.

Mula sa iyong luklukan


sa ibabaw ng mga kerubin
Nakikita ko ang kalaliman,
ang daigdig ng mga patay
Karapat-dapat dakilain magpakailanman
Purihin ka, na nakaluklok
sa maringal na trono
Karapat-dapat kang awitan
at dakilain magpakailanman

Purihin ka ng buong sangkalangitan


Karapat - dapat kang awitan at dakilain
magpakailanman
Purihin ninyo ang Panginoon,
kayong lahat ng mga nilikha
Awitan siya ng papuri at dakilain
magpakailanman.

Antipona :
Darating na may dakilang kapangyarihan
ang ating Diyos upang liwanagan ang
mata ng kanyang mga lingkod.
PAGBASA : Isaias 2: 3 – 4
At maraming bayan ay magsisiyaon at
mangagsasabi, Halina kayo, at tayo'y
magsiahon sa bundok ng Panginoon, sa
bahay ng Dios ni Jacob; at tuturuan niya tayo
ng kaniyang mga daan, at tayo'y magsisilakad
sa kaniyang mga landas: sapagka't mula sa
Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng
Panginoon ay mula sa Jerusalem.
4At siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa,
at sasaway sa maraming tao: at kanilang
pupukpukin ang kanilang mga tabak
upang maging mga sudsod, at ang
kanilang mga sibat ay maging mga karit:
ang bansa ay hindi magtataas ng tabak
laban sa bansa, o mangagaaral pa man
sila ng pakikipagdigma.
PAGBASA : Isaias 2: 3 – 4

<Katahimikan>
Tugunan

Namumuno : Darating,
Jerusalem, ang iyong
liwanag; mananahan sa iyo nang may
gandang nagniningning ang
Panginoon.

Darating, Jerusalem, ang iyong


Lahat :
liwanag; mananahan sa iyo nang may
gandang nagniningning ang
Panginoon.
Namumuno :Mamamalas mo ang kanyang
kaluwalhatiang sumasaiyo
Lahat : mananahan sa iyo nang may
gandang nagniningning ang Panginoon.

Namumuno : Papuri sa Ama, at sa Anak at sa


Espiritu Santo
Lahat : Darating, Jerusalem, ang iyong
liwanag; mananahan sa iyo nang may
gandang nagniningning ang Panginoon.
Mga Pamamagitan

Namumuno : Sa ating Kristo , ang Tagapagligtas, na


Siyang darating upang iligtas tayo mula sa ating
mga kasalanan, sabihin natin ng buong galak :
HALINA , PANGINOONG JESUS
Lahat :Halina, Panginoong Jesus
Namumuno : Ipinangako ng mga propeta noong
unang panahon ang Iyong kapanganakan sa
aming piling. Buhayin Mo ngayon ang kabanalan
sa aming kalooban.
Lahat : Halina, Panginoong Jesus
Namumuno : Darating ka upang pagalingin ang
mga nagsisisi. Pagalingin Mo ang mga kahinaan
ng Iyong bayan.
Lahat : Halina, Panginoong Jesus
Namumuno : Nang pumarito Ka, minarapat
pagkasunduin ang daigdig. Sa muli Mong
pagdating , palayain Mo kami mula sa hirap ng
kaparusahan.
Lahat : Halina, Panginoong Jesus
Namumuno : Sa tulong ng Iyong awa, gawin Mong
mamuhay kami nang banal at malinis sa mundong ito,
buong sabik na naghihintay para sa banal na pag-asa at
pagdating ni Kristo ng kaluwalhatian.
Lahat : Halina, Panginoong Jesus
Namumuno : Marapat Kang purihin dahil Ikaw ang
nagbibigay-buhay at namamahala sa lahat ng bagay.
Tulungan Mo kaming maghintay nang may masayang
pag-asa sa pagdating ng Iyong kaluwalhatian.
Lahat : Halina, Panginoong Jesus

(ilahad ang mga pansariling kahilingan )


Kung titigil tayo ng ilang sandali at makikinig, at lilingon
sa ating kapaligiran, mapapansin nating may
kakaibang simoy ng hangin. May kagalakan. May
kasayahan. May umuusbong na damdamin ng
pananabik. Maraming kulay ang mga tanawin sa ating
kapaligiran. Mas maraming musika sa mga
masasayang tunog na ating naririnig. Ito ang
panahon kung kailan tila mas mabait at higit na
mapagmahal ang mga tao. Walang kaduda-duda,
malapit na ang Pasko.
Luke 2:
9-12

You might also like