You are on page 1of 9

PILIPINAS SA LOOB

NG SANDAANG TAON
Dahilan ng Pagkakasulat
Layunin nitong buhayin ang sentimyento ng kalagayan
ng“Pilipinas sa loob ng sandaang taon” - panahon na kung
saan napasailalim sa kamay ng mga Kastila ang inang bayan;
kung saan itinuring na kanser ng lipunan ang pamahalaan;
kung saan nabigla ang lahat sa malaking pagbabagong anyo
at pagpapalit- hubog nito at iba pang mga usaping may
kinalaman sa kinahinatnan nito.
Paksang Diwa
Maraming talakayan ang siyang umusbong nang maganap ang
panlulupig sa atin ng mga Espanyol, isang napakalaking argumento para
sa mga mamamayang Pilipino upang tanggapin ang sentinaryong ito. Ano
kayang motibo ang siyang namukod tangi sa likod ng pagtutol? ng
pagtanggi? ng pagsuway? at ng pagbasura sa naturang pamamalakad sa
atin? Ang kasagutan ay upang mabigyan ng tamang pansin ang
kalagayan at kasaysayan sa pakikibaka para sa disenteng pamumuhay
at kabuhayan ng maralita na itinuturing na pangunahing sentro ng
urbanisasyon sa Pilipinas.
Bisang Damdamin
Ipinapakita ng bahaging ito kung papaano mas pinahihirapan ang
mga salat sa buhay na siyang pinakamarami sa Pilipinas at ito ay sa
kadahilang mali ang naging pagpapatakbo sa mga patakaran ng
pamahalaan.
Bisang Pang kaisipan
Malaki ang naging impluwensya ng mga kaganapang ito sa ating
buhay. Ito ang nagsilbing ating daan upang mabigyang kilos ang bawat
hinaing ng mga sinaunang Pilipino na humihingi ng karampatang pansin
sa ugnayan at sa usaping karapatang pantao.
Bisang Pangkaasalan
Napakabigat na hamon para sa mga mamamayan ang pagkitil at
pagsugpo sa malawakang kahirapan nadulot ng pananakop sa atin ng
mga dayuhan sa loob ngsandaang taon partikular na ng mga Kastila.
Balakid ito sa layunin ng bawat isa na umunlad at guminhawa ang buhay.
Upang ito ay maisakatuparan, maraming mga programa at proyektong
inilunsad ang pamahalaang lokal at nasyunal, mga pangrehiyon at
pandaigdigang samahan ang binuo ng upang solusyunan ang
problemang ito. Subalit hindi magiging matagumpay ang anumang
hakbang kung hindi magagawang tukuyin ang sanhi o ugat ng kahirapan
sa konteksto ng lipunang binibigyang-pansin.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga itinuturing na sanhi ng kahirapan ng
mga mamamayan sa tulong ng mapanirang pagpapalago sa sistema ng
ating pamahalaan ng mga dayuhan:

■ Hindi Makatwirang Sistema ng Pagmamay-ari ng Lupa


■ Kawalan ng Pagpapahalaga sa Kasaysayan
■ Atrasado at Dekadenteng Kultura
■ Kawalan ng Katatagang Pampulitika
■ Panggamit ng Hindi Angkop na Modelong Pangka-unlaran
Implikasyon sa Lipunan
Higit natin mauunawaan ang kasalukuyan kung hindi rin natin
alam ang nakaraan. Mabibigyan lamang natin ng konkretong balangkas
ang hinaharap kung mayroon tayong analitikal na pagtatasa sa
kasalukuyan na malaya sa panatisismo at anumang sariling paghuhusga
o pagkiling.
MARAMING SALAMAT 

You might also like