You are on page 1of 23

PANGANGALAP

NG DATOS
PANGANGALAP NG DATOS
WALANG SAYSAY ANG ISANG PANANALIKSIK
KUNG WALA ITONG SUSTANSIYA- NILALAMAN,
DIWA, BIGAT AT KATATAGAN.
ANG ISANG MAHUSAY NA PANANALIKSIK AY
NAKABATAY SA ILALATAG NA MGA DATOS.
KAPAG NAKAKUHA NG DATOS AT NAIHANAY
ITO SA MAAYOS NA PARAAN, HINDI NA
MAAARING PAGDUDAHAN ANG NILALAMAN
AT PAMAMARAAN NG PROSESO SA PAGBUO
NG PANANALIKSIK.
DATOS: BATAYAN AT SANGGUNIAN SA
PANANALIKSIK
MAHALAGANG BAHAGI NG
PANANALIKSIK ANG DATOS.
KUNG WALANG DATOS,
WALANG SUSURIIN O
SASALIKSIKIN.
PINAGKUKUNAN NG DATOS
PRIMARYA O PANGUNAHING
SANGGUNIAN – ANG MGA ORIHINAL
NA DOKUMENTO NA NAGLALAMAN
NG MAHAHALAGANG IMPORMASYON
UKOL SA PAKSA NG PAG-AARALAN.
NAGSIMULA SA SINABI NG
NAKASAKSI.
PINAGKUKUNAN NG DATOS
SEKONDARYANG SANGGUNIAN –
MAKIKITA ANG SARILING
INTERPRETASYON BATAY SA
PANGUNAHING IMPORMASYON.
GINAWANG PAGSASAMA-SAMA NG
MGA NAKALAP NA EBIDENSIYA.
MGA PANGUNAHING SANGGUNIAN
LIHAM
TALAARAWAN
PAKIKIPANAYAM
SALOOBIN MULA SA SURVEY
ORIHINAL NA GAWANG SINING
ORIHINAL NA LARAWAN
ORIHINAL NA PANANALIKSIK
MGA ISINULAT NA PANITIKAN
TESTIMONYA SA LUMANG MANUSKRITO,
PAHAYAGAN, DULA, AWIT, PELIKULA AT IBA PA.
MGA SEKUNDARYANG SANGGUNIAN
ARCHIVE (ARTSIBO) NA MATERYAL
MULA SA:
- AKLAT
- PALABAS
- MANUSKRITO
- PAHAYAG NG ISANG TAO
- BUOD NG ANUMANG AKDA
MAS ANGKOP NA GAMITIN ANG
PRIMARYANG DATOS SAPAGKAT ANG
MANANALIKSIK AY NAKAKUKUHA NG
MGA IMPORMASYON MULA MISMO SA
MAPAGKAKATIWALAANG KINAUUKULAN.
MAKATUTULONG DIN ITO UPANG
MAGKAROON NG ORIHINAL NA
IMPORMASYON UPANG MASABI NA ANG
PANANALIKSIK AY
MAPAGKAKATIWALAAN (SIMBULAN, 2008)
MALAKI ANG KAUGNAYAN NG DATOS
UPANG PALAKASIN ANG PAKSA,
LAYUNIN, AT KABUUAN NG
PANANALIKSIK.
MAKATUTULONG ANG DATOS SA
PAGPUNO NG MGA KAKULANGAN NG
IBA PANG PAG-AARAL, PAGPAPATATAG
NG PANGANGATUWIRAN INILALATAG NG
PANANALIKSIK NA TINAPATAN NG DATOS
BILANG PATUNAY, AT
PAGSASAKONTEKSTO NG TEORYA UPANG
ITO AY MAISAGAWA.
HAKBANG SA PANGANGALAP NG DATOS
MAGHANDA SA PANGONGOLEKTA NG NG DATOS.
DAPAT IHANDA ANG MGA INSTRUMENTONG
GAGAMITIN TULAD NG SURVEY, MGA KATANUNGAN AT
IBA PANG KAGAMITAN.
TIYAKIN ANG HANGGANAN NG KINAKAILANGANG
DATOS NA ANGKOP SA DISENYO NG PANANALIKSIK.
TIYAKING NASA TAMANG TIMING O TIYEMPO ANG
PANGANGALAP NG DATOS.
MAGTAKDA SA SARILI AT SA PINAGKUKUNAN NG
DATOS KUNG ANO LAMANG ANG MAKATUTULONG O
KAILANGAN SA PANANALIKSIK.
MAGING MAAYOS SA PAKIKIPAG-UGNAYAN SA MGA
TAONG PAGKUKUNAN NG DATOS
DAPAT IHANDA SA PANGANGALAP NG
DATOS
 PERSONAL NA GAMIT
 KASANGKAPAN AT KAGAMITAN
- TAPE RECORDER
- KAMERA
- LAPTOP
- KAGAMITANG PANG-VIDEO
- KUWADERNO (DIARY/TALAARAWAN,
TALAAN,LISTAHAN NG KALAHOK AT KAUGNAY
NA IMPORMASYON UKOL SA KANILA)
SURVEY: DATOS KAUGNAY NG SALOOBIN
AT OPINYON
ANG SURVEY AY ISANG PAMAMARAAN
O METODOLOHIYA NA MAGAGAMIT SA
PAG-UNAWA NG KATOTOHANAN
BILANG KATIBAYAN TUNGKOL SA TIYAK
NA SITWASYON.
INILALARWAN NG SURVEY ANG ISANG
KONDISYON NG PAKSANG PINAG-
AARALAN.
SURVEY: DATOS KAUGNAY NG SALOOBIN
AT OPINYON
LAYUNIN NG SURVEY NA
MAGLARAWAN, MAGLAHAD,
MAGSALAYSAY, MANGATUWIRAN
NG TIYAK NA BILANG NG
KASAGUTAN NA NASASAKOP NA
POPULASYON NG PAG-AARAL.
HAKBANG SA PAGSASAKATUPARAN NG
SURVEY
PAGTATAKDA NG LAYUNIN SA PAGSASAGAWA NG
SURVEY
PAGGAWA NG DISENYO NG PANANALIKSIK
PAGHAHANDA NG MAAASAHAN AT BALIDONG
INSTRUMENTO SA PAGSASAGAWA NG SURVEY
PAGSASAGAWA NG AKTUWAL NA SURVEY
PAGTATALA
PAG-AANALISA
PAGBABALITA O PAGPAPAHAYAG NG DATOS MULA SA
SURVEY
HALIMBAWA NG TALATANUNGAN SA
SURVEY
Pangalan (Opsiyonal): ______________________________
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang angkop na impormasyon.
Kasarian:
____ Babae _____ Lalaki
Katayuan sa buhay:
____ mag-aaral
____ may trabaho
Edad:
____ 15-20 taong gulang
____ 21-25 taong gulang
PANAYAM: DATOS DULOT NG UGNAYANG
PANLIPUNAN
ANG PANAYAM O INTERVIEW AY
ISANG PARAAN NG PAGTATANONG
UPANG MAKAKUHA NG DATOS MULA
SA PAKIKIPAG-USAP.
ITO AY AGAD-AGARANG PAGKUHA
NG IMPORMASYON SA TAONG
KINAKAUSAP.
PANAYAM: DATOS DULOT NG UGNAYANG
PANLIPUNAN
ANG TAGAPANAYAM O
INTERVIEWER ANG
NAGTATANONG
KINAKAPANAYAM O INTERVIEWEE
ANG TAGASAGOT.
PANAYAM: DATOS DULOT NG UGNAYANG
PANLIPUNAN
LAYUNIN NG PANAYAM NA MAKAKUHA
NG MAKABULUHANG IMPORMASYON SA
KINAKAPANAYAM. SAMAKATUWID,
MALAKI ANG GAMPANIN NG
EPEKTIBONG PAKIKIPAGTALASTASAN AT
PAKIKIPAG-UGNAYAN UPANG
MAPAGTAGUMPAYAN ANG
PAMAMARAANG PAKIKIPANAYAM.
URI NG PAKIKIPANAYAM

PORMAL – MAY GINAGAWANG PAKIKIPAGTIPAN SA


KAKAPANAYAMIN SA ISANG TAKDANG ARAW, ORAS
AT LUGAR. ISANG HARAPANG PAG-UUSAP NG
REPORTER AT NG KANYANG KINAKAPANAYAM
HINDI PORMAL – ISANG PAKIKIPANAYAM NA WALANG
GINAWANG PAKIKIPAGTIPAN O ISANG TAONG
KAKAPANAYAMIN. TINATAWAG DIN ITONG AMBUSH
INTERVIEW. ITO’Y BIGLANG PAGTATANONG SA MGA
TAONG KAKAGALING SA ISANG MAHAHALAGANG
PANGYAYARI NA NANGANGAILANGAN NG
PANGMADLANG KABATIRAN.
URI NG PAKIKIPANAYAM

PAKIKIPANAYAM NA NAGBIBIGAY NG
KABATIRAN (INFORMATIVE) – ISINASAGAWA
UPANG MAKAKUHA NG IMPORMASYON MULA
SA ISANG TAONG MAY KINALAMAN SA
BAGONG IDEYA, SA ISANG TAONG NAKASAKSI
SA ISANG PANGYAYARI O ISANG TAONG
MAAARING MAPAGKUNAN NG BALITA.
OPINYON ( OPINION INTERVIEW) –
ISINASAGAWA UPANG MAKAKUHA NG
KOMENTARYO O OPINYON MULA SA TAONG
BANTOG O KILALANG AWTORIDAD.
URI NG PAKIKIPANAYAM

LATHALAIN (FEATURE INTERVIEW) –


PAKIKIPANAYAM SA ISANG SIKAT NA
TAO O ISANG TAONG MAY MAKULAY
NA KARANASAN UPANG MAKAKUHA
NG KAALAMAN SA KANYANG
KATAUHAN NA MAGIGING KAWILI-WILI
SA MADLA.
URI NG PAKIKIPANAYAM
PANGKAT (GROUP INTERVIEW)
A. NATATANONG NA REPORTER (INQUIRING REPORTER TYPE) –
IISA ANG TANONG NA SINASAGOT NG MGA KINAPANAYAM AT
SA PASUMALANG NA PAGTAWAG.
B. SIMPOSYUM (SYMPOSIUM) – NAGTATANONG ANG REPORTER
NG MGA MAGKAKAUGNAY NA TANONG SA BAWAT
KAPANAYAM NA NAAKALANG DALUBHASA SA NAPILING
LARANGANG PINAGHANGUAN NG KATANUNGAN. ANG BAWAT
KAPANAYAM AY DALUBHASA SA KANI-KANILANG LINYA.
C. PANDIYARYO (PRESS INTERVIEW) – PAKIKIPANAYAM NG
MARAMING REPORTERS SA ISANG TAONG KILALA GAYA NG
PANGULO NG BANSA O ISANG TANYAG NA DAYUHAN AT IBA
PANG MAY KINALAMAN SA PAMBANSANG AKTIBIDAD.
IMERSIYON: Pakikihalubilo at
Pakikisangkot sa Pagkuha ng Datos
 MADALAS ITONG GAWING PARAAN NG PANGANGALAP SA DISENYONG
QUALITATIVE. KARANIWANG GINAGAMIT SA DOKUMENTASYON UPANG
MAS MAGING BUO AT KOMPREHENSIBO ANG DATOS.
 NAIS MAKUHA NG IMERSIYON ANG LAYUNING MAIPABATID ANG
PANLABAS, PANLOOB, IBABAW AT ILALIM NA KUWENTO SA LIKOD NG
DATOS.
 NAGLALAAN NG MATAGAL NA PANAHON ANG MANANALIKSIK SA
PAMAMAGITAN NG PAKIKIPAMUHAY SA KOMUNIDAD NA PAGKUKUNAN
NG DATOS
 ISINASABUHAY NG MANANALIKSIK ANG KARANASANG GINAGAWA NG
MGA PAGKUKUNAN NG DATOS
 SA GANITONG PARAAN MAS NARARAMDAMAN NG MANANALIKSIK ANG
MISMONG PAKIRAMDAM NG KINUNAN NIYA NG DATOS KAYA’T
NAIPAPAHAYAG NIYA ANG MAS MALALIM NA INTERPRETASYON SA
PAKSANG PINAG-AARALAN.

You might also like