You are on page 1of 18

KASAYSAYAN

KASAYSAYAN
AT
AT
PAG-UNLAD
PAG-UNLAD
NG
NG
MAIKLING KUWENTO
MAIKLING KUWENTO
A. Bago Dumating
Ang Mga Kastila
Kuwentong bitbit – dito nag-ugat
ang maikling kwento, maiikling
salaysay na pumapaksa sa mga anito,
lamanlupa, malikmata, multo at iba
pang mga bunga ng guniguning di
kapanipaniwala..
B. Panahon ng Kastila
• Kakana – sumulpot pagdating ng
Espanyol,naglalaman ng mga alamat
at engkanto, panlibang sa mga bata

• kuwento ay tungkol sa buhay ng


mga santo at santa -layunin nila ay
mapalaganap ang Kristiyanismo.

• Parabula- naglalaman ng mga


talinghaga at nagtuturo ng aral.
C. Panahon ng Amerikano
• Ang maikling kuwentong Tagalog ay
naisulat noong mga unang sampung
taon ng mga Amerikano. Mga unang
anyo nito ay ang dagli at pasingaw.
dagli -maikling- maikling salaysay
na gayong nangangaral nang lantaran
ay namumuna, nagpapasaring at
nanunuligsa.
D. Panahon ng Hapon
 Pansamantalang napinid ang mga
palimbagan sa panahon ng mga
Hapones ngunit pagkaraan ng ilang
buwan ay muli itong nabuksan.
Pinahintulutang makapaglathala ang
Liwayway kaya’t biglang nakapasok
ditto ang mga akda na dati ay hindi
tinatanggap ng naturang babasahin.
E. Panahon ng Kalayaan
• Ang GantimpalangCarlos Palanca,
isang timpalak pantikan ay nagdulot
ng bagong hamon sa mga manunulat
sa Ingles at Pilipino. Nagsimula ang
patimpalak sa maikling katha noong
1950
F. Panahon ng Bagong
• Sa kadahilanang halos lahat ng
kuwentista sa Pilipinas sa panahong
Batas Militar ay kasangkot sa kilusang
makabayan, tampok sa kanilang mga
akda ang mga suliraning tulad ng
paghihikahos ng marami sa pagpapasasa
ng iilan, kabulukan sa pagpapatakbo ng
pamahalaan, kawalan ng katarungan sa
mga limot na mamamamayan at pang-
aalipin ng negosyanteng dayuhan at ng
sabwatan ng mga burgis. Lantad ang
poot sa mga akdang ito.
• Sagisag- isang magasing inilathala ng
Kagawaran ng Pabatirang Madla
upang magkaroon ng
mapaglalathalaan ng mga akdang
hindi tinatangkilik ng mga popular
na babasahin.Nagtaguyod din ito ng
Gawad Sagisag at nakatuklas ng
mga bagong manunulat.
G. Kasalukuyang Panahon
• Nagpatuloy ang Liwayway sa
pagbubukas ng kanilang pinto para
sa mga manunulat ng kuwentong
ngayon pa lang sumisibol.Maraming
kuwentong nailathala ng mga
pagbabagong naganap sa bansa
pagkaraan ng EDSA Revolution. Ito
ang mga kuwentong nagtataglay ng
diwa, saloobin, at paniniwala ng
mga manunulat sa bagong panahon.
• Nagkaroon ng iba‘t ibang
pamamaraan ng pagkukwento. Ang
mga paksang dati ay hindi
naisusulat ay napapansin. Naging
matimpi ang pagtalakay ng paksa.
Madula ngunit maligoy. Ang mga
katangiang iyan ay namalagi
hanggang sa kasalukuyan at ito‘y
tinawag na kontemporaryong
maikling kwento.
Source: https://prezi.com/yfjtkymokynq/kasaysayan-ng-
maikling-kwento/
http://www.slideshare.net/edrianne/presentation1-
report-mam-fuentez
https://prezi.com/gkcxvl48ad-8/kasaysayan-ng-maikling-
kuwento/

You might also like