You are on page 1of 34

Pagpapanuod ng Video

https://www.youtube.com/watch?v=vZlhsBe
6CLE
Mga Layunin:
*Nakapagpapahayag ng dating kaalaman sa paglalagom

*Nasusuri ang kahulugan, katangian, layunin at gamit ng iba’t


ibang uri ng paglalagom

*Nakapagpapahayag ng pananaw sa mga bagay na dapat


tandaan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng lagom at kung
paano ito maiuugnay sa mahahalagang bagay sa buhay

*Nakasusulat ng isang uri ng lagom batay sa sariling interes


Pagsulat ng Iba’t Ibang
Sulating Akademiko

Abstrak, Buod at Bionote


Abstrak
Kahulugan at Kabuluhan ng Abstrak

ABSTRAK
 maikling buod ng artikulong nakabatay sa
pananaliksik, tesis, rebyu o katitikan ng
komperensya

 buod ng ano mang malalimang pagsusuri ng


iba't ibang paksa
Kahulugan at Kabuluhan ng Abstrak

ABSTRAK
 tinatawag ding sinopsis o presi ng ibang
publikasyon

 inilalagay sa unahang bahagi ng manuskrito


Section 1
ABSTRAK

Sinasalamin ng abstrak ang kabuuan ng

Section 2
iyong papel.

Maaring nakasaad dito ang kahalagahan ng

Section 3
iyong pag-aaral, ano ang iyong ginamit na
kaparaan para sa iyong pag-aaral, ano ang
mga maghahalagang resulta na iyong

Section 4
natuklasan at ano ang iyong natuklasan sa
pag-aaral.

Section 5
Section 1
[ABSTRAK] Kaloka, Keri, Bongga:

Section 2
Pakahulugan at Pahiwatig ng Gay
Language sa mga Piling Pelikula ni Vice
Ganda Generoso Pamittan, Jr., Chari

Section 3
Amado, Victoria Amante, and Feorillo
P.A. Demeterio III

Section 4
Section 5
Gamit ang balangkas ng pragmatics at ng

Section 1
cooperative principle at conversational
maxims ni Grice (2012), hinimay ng papel

Section 2
ang kontekstuwal na kahulugan at epekto sa
naratibo at karakterisasyon ng gay language
na ginamit sa mga piling pelikula ni Vice

Section 3
Ganda. Siniyasat din ng papel ang sosyo-
kultural-politikal na implikasyon ng gay
language na nahayag sa gampanin at imahen

Section 4
ng baklang nagsasalita ng gay language, at
kung paano nito nasasalamin ang tunay na

Section 5
katayuan at kalalagyan ng bakla sa
heteronormatibong lipunan.
Lumitaw sa pagsusuri na hindi man

Section 1
naipapahiwatig ang uri o estado sa lipunan
ng mga bakla sa paggamit ng gay language,

Section 2
nasasalamin nito ang karanasan, kultura, at
larangang kinabibilangan ng bakla. Bukod
dito, litaw man ang tatak ng humor at

Section 3
personalidad ni Vice Ganda at kadalasan
mang nasa modo ng pagpapatawa ang
paggamit ng gay language, hindi maitatanggi

Section 4
na may higit na malalim na kahulugan at
kabuluhan ang lengguwahe sa gitna ng
pagsasantabi sa mga bakla ng lipunan.

Section 5
Uri ng Abstrak

Impormatibo Deskriptibo Kritikal


Impormatibong Abstrak

 pinakakaraniwan
 hindi ito kasinghaba ng kritikal na abstrak ngunit hindi
rin naman kasing-ikli ng deskriptibong abstrak
 (200 salita)
 naglalaman ng lahat ng mahahalagang impormasyong
matatagpuan sa loob ng pananaliksik
Bakit karaniwang gumagamit ng abstrak ang
akademikong papel?

 upang madaling maipaunawa ang isang


malalim at kompleks na pananaliksik
 maaaring tumindig bilang isang hiwalay na
teksto o kapalit ng isang buong papel
 batayan ng pagpili ng proposal para sa
presentasyon ng papel, workshop o panel
discussion
Suliranin
Pagdulog at
Motibasyon Pamamaraan

Impormatibong
Abstrak

Konklusyon Resulta
Deskriptibong Abstrak

 mas maikli (100 salita)


 suliranin at layunin ng pananaliksik, metodolohiyang
ginamit at saklaw ng pananaliksik
 hindi tinatalakay ang resulta, konklusyon at mga
naging rekomendasyon ng pag-aaral
Kritikal na Abstrak

 pinakamahabang uri ng abstrak


 bukod sa impormatibong abstrak, binibigyang
ebalwasyon din nito ang kabuluhan, kasapatan at
katumpakan ng isang pananaliksik
BUOD
kahulugan at Kahingian ng Buod

BUOD
 tala ng isang indibidwal, sa sarili niyang
pananalita, ukol sa kanyang mga narinig o
nabasang artikulo, balita, aklat, panayam,
isyu, usap-usapan at iba pa
Bakit karaniwang ginagawa ang
pagbubuod,

 sa paaralan
 ng mga propesyonal
Pangangailangan sa pagsulat ng buod
(Swales at Feat, 1994)
1. tumatalakay sa kabuuan ng orihinal na
teksto

2. nailahad ng sulatin sa pamamaraang


nyutral o walang kinikilingan

3. pinaiksing bersyon ng orihinal at naisulat


ito sa sariling pananalita
Katangian ng Mahusay na Buod
1. nagtataglay ng obhetibong balangkas ng
orihinal na teksto

2. hindi nagbibigay ng sariling ideya at


kritisismo

3. hindi nagsasama ng mga halimbawa, detlaye


o impormasyong wala sa orihinal na teksto
Katangian ng Mahusay na Buod

4. gumagamit ng mga susing salita

5. gumagamit ng sariling pananalita ngunit


napananatili ang orihinal na mensahe
Mga Hakbangin sa Pagbubuod
1. habang binabasa ang akda, salungguhitan ang
mahahalagang punto at detalye

2. ilista o igrupo pangunahing ideya, ang mga


katulong na ideya, at ang pangunahing paliwanag
sa bawat ideya

3. ayusin ang pagkakasunud-sunod ng mga ideya


sa lohikal na paraan
Mga Hakbangin sa Pagbubuod

4. kung gumamit ng unang panauhan ang


awtor, palitan ito ng kanyang apelyido, ng Ang
manunulat, o siya

5. isulat ang buod


Gawain
1. Ibubuod ang video na ipinanuod
kanina ng guro.
2. Ang buod ay isusulat sa diskusyon na
gagawin ng guro sa CANVAS.
3. Isaalang-alang ang rubrik sa pagsulat
Krayterya Napakahusay Mahusay Limitado Nangangailangan pa ng Pag-unlad I
(15) (10) (5) (1) s
k
Rubrik sa Pagsulat ng Buod o
r
Nilalaman Lubhang substansyal ang Substansyal ang mga Hindi gaanong substansyal ang Kulang ang mga impormasyong inilahad
40% mga impormasyong inilahad impormasyong inilahad sa mga impormasyong inilahad ukol sa bidyong napanood.
sa buod ukol sa bidyong buod. sa buod. (0.4)
napanood. (4) (2)
(6)
Organisasyon Napakalinaw organisado, Kakikitaan ng pagiging Kakikitaan ng istruktura subalit Walang tiyak na istruktura na nagresulta ng
35% napakahusay at lohikal ang organisado sa hindi nabalanse o di naayos kalituhan sa ideya. Maraming punto, o ideya
pagkakasunud-sunod pangkalahatan subalit ang pagkakahati-hati ng mga ang inilahad ngunit hindi kinakitaan ng
ng mga ideya at nagkulang sa kalinawan sa ideya. Sapat ang kaisahan at kaugnayan sa bawat isa na
impormasyon daloy ng mga impormasyon pagkakasunud- sunod maaaring magdulot ng kalituhan o
upang madaling Tumpak, mahusay at lohikal ng mga impormasyon upang pagkakaiba-iba ng pag-unawa sa
maunawaan. ang maunawaan ang nilalaman ng nilalaman ng pinanood na bidyo.
Napanatili ang mensaheng pagkakasunud-sunod nabuong buod. Hindi napanatili ang mensahe nito.
nais iparating. ng mga ideya .(3.5) (1.75) (0.35)
(5.25)

Wika at Gramatika Lubhang malinaw at maayos Malinaw at maayos ang Hindi gaanong malinaw at di- Hindi malinaw at di-maayos ang
25% ang pagkakabuo ng mga pagkakabuo ng mga maayos ang pagkakabuo ng pagkakabuo ng mga pangungusap.
pangungusap. Wasto ang pangungusap Wasto ang mga pangungusap. May mga Maraming pagkakamali sa bantas na
bantas na ginamit. bantas na ginamit. pagkakamali sa bantas na ginamit.
(3.75) (2.5) ginamit. (0.25)
Bionote
BIONOTE
*Talatang naglalaman ng maikling deskripsyon tungkol sa may-
akda sa loob ng klaraniwa’y dalawa hanggang tatlong
pangungusap sa isang talata lamang na madalas ay kalakip ng
artikulo o akdang isinulat ng taong pinatutungkulan. (word mart
2009)
*Ayon kay Duenas at Sanz (2012), ang bionote at tala sa buhay ng
isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career na
madalas ay makikita o mababasa mga journal, aklat, abstrak, ng
mga sulating papel, web sites, at iba pa.

Layunin
*Isinusulat ang bionote upang madaling matandaan ang tala ng
buhay ng isang tao sa sandaling panahon ng pagbasa
ATHENA JANSSEN M. DELA TORRE Isinilang noong ika-anim ng Nobyembre noong taong 1999
sa bayan ng Baler, probinsiya ng Aurora. Siya ay nakapagtapos ng ika-labindalawang baitang sa
sekondarya ng Aurora National Science High School. At nakapag-aral ng primaryang edukasyon sa
Paaralang Sentral ng Dipaculao na kung saan siya ay nakatanggap ng Ikalawang Karangalan bilang
isang estudyante ng ikaanim na baitang. Isa rin siya sa mga napasali ng patimpalak sa Sipnayan
(MTAP) at lumahok bilang represebtatibo sa rehiyonal na lebel ng nasabing Math Contest noong
siya ay nasa ikaanim na baitang. Kasapi rin siya sa mga lumahok ng Aurora Historical Quiz Bee
noong siya’y nasa ikaapat na baitang at nakakuha ng ikatlong karangalan sa patimpalak. Siya ay isa
ring contestant ng Science Quiz Bee noong siya ay nasa ikaapat hanggang ikaanim na baitang na
kung saan nakamit ang unang karangalan ng siya ay nasa ikaapat at ikalimang baitang, at ikatlong
karangalan naman nang siya ay nasa ikaanim na baitang na lahat ay Division Level. Kasalukuyang
nag-aaral ng ika-labindalawang baitang sa Aurora National Science High School at naghahandang
kumuha ng entrance exam sa Unibersidad ng Pilipinas at Polytechnic University of the Philippines.

Halimbawa: https://filipinosapilinglarangblog.wordpress.com/2017/10/12/isang-bionote/
Isulat ang mga sumusunod sa diskusyon sa CANVAS.

*Pangalan: *Kapanganakan:
*Edad *Tirahan:
*Magulang: Ina at Ama
Antas ng Edukasyon (Pangalan ng mga paaralan):
Elementarya:
Sekondarya:
Mga asignaturang kinawiwilihan :
Mga kinahihiligang gawain:
Mga natatanging kasanayan:
Pangarap na propesyon:
Mga nakamit na karangalan:

You might also like