You are on page 1of 38

ni: John Emil Estera

BSED – III (Filipino)


SLMCS
KAHULUGAN:
 Ayon kay Edgar Allan Poe, ang
tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento
ay isang akdang pampanitikang likha
ng guniguni at bungang –isip na
hango sa isang tunay na pangyayari
sa buhay.

 Ito ay nababasa sa isang tagpuan,


nakapupukaw ng damdamin, at mabisang
nakapagkikintal ng diwa o damdaming
may kaisahan.
Mitolohiya

Ito’y salaysay tungkol sa iba’t


ibang diyos na pinaniniwalaang mga
sinaunang katutubo.
Ang salaysay na ito ay tungkol sa
mga kababalaghan at tungkol sa
kanilang mga pananalig at
paniniwala sa mga anito.
Alamat

Isinasalaysay ng kuwentong
ito ang pinagmulan ng
isang bagay, pook,
pangyayari at iba pa.
Pinalulutang din dito ang
mahahalagang mensahe at
mga aral sa buhay.
Pabula

Ito’y isang uri ng kuwentong


gumagamit ng mga hayop bilang
mga tauhan. Bagama’t kathang-
isip lamang ang kuwentong ito
walang tiyak na batayan. Ang
pabula ay naghahatid pa rin ng
mahahalagang mensahe at aral ng
buhay.
Parabula

Ito’y salaysay na hango


sa Bibliya. Lumulutang
dito ang moral at
ispiritwal na pamumuhay
ng mga tao at ang
paglalahad ay
patalinghaga.
Kuwentong Bayan

Ipinapakita sa salaysay na
ito ang pag-uugali,
tradisyon, paniniwala,
pamahiin at kultura ng isang
lipi. Inilalahad din dito ang
mga suliraning hinarap ng
tribu na siyang mag-iiwan ng
aral at tiyak na mensahe sa
mga mambabasa.
Anekdota

Ito’y nagsasalaysay ng
mga pangyayaring katawa-
tawa at ang mga
pangyayari’y kapupulutan
ng mga aral sa buhay.
Lubhang mahalaga ang bahaging
ito sapagkat dito
nakasalalay ang kawilihan ng
mambabasa. Kinapapalooban
ito ng mga sumusunod:
a. pagpapakilala sa tauhan

b. pagpapahiwatig ng suliraning
kakaharapin ng mga tauhan.

c. pagkakintal sa isipan ng mga


mambabasa ng damdaming
palilitawin sa kuwento.

d. paglalarawan ng tagpuan
Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo
ng mga tauhang masasangkot sa
suliranin.

Problemang haharapin ng
tauhan.
ang pinagbabatayan ng buhay
ng maikling katha dahil ito
ang nagbibigay daan sa
madudulang tagpo upang
lalong maging kawili-wili at
kapana-panabik ang mga
pangyayari
sa bahaging ito unti-
unting naaalis ang
sagabal, nalulutas ang
suliranin, dito natutukoy
ang katayuan ng
pangunahing tauhan kung
siya ay mabibigo o
magtatagumpay
Tulay sa wakas.

Naihahatid ng may-akda ang


mensahe sa bahaging ito.
sa wakas ng kuwento.
Pinaka kaluluwa ng maikling
kwento.

Mensahe ng kwento.
Tumutukoy ito sa pook o lugar
na pinangyarihan ng kuwento.
Naglalarawan ito ng
ginagalawan o kapaligiran ng
mga tauhan.
Ang nagbibigay buhay sa
kuwento, makikilala sila sa
kanilang panlabas na kaanyuan-
pisikal at pananamit, kilos na
magpapahiwatig ng kanilang
ugali at diyalogo.
Ito ang pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari sa kuwento.
Bahagi ng Banghay
 simula
 suliranin
saglit na kasiglahan
kasukdulan
kakalasan
wakas
ito ang sentral na ideya
sa loob ng kuwento o ang
mahalagang pangkaisipan
ng akda.
Paksang Diwa
Ito ang pinakadiwa ng katha.
Ito ang pang- isipang iniikiran ng maliliit
na himaymay ng katha at nabubuo ng
manunulat ang kasiyahang pandamdamin at
pangkaasalan sa mambabasa.

Himig
Ito ang maglalantad sa kulay ng kalikasang
pandamdamin ng kuwento. Maaring masaya ang
kuwento o kaya’y malungkot, mapanudyo,
mapagpatawa at maromansa.
Paningin
Ito ang pananaw na pinagdaraanan
ng mga pangyayari. Matutukoy ng
isang mambabasa ang iba’t ibang
sangkap ng akda sa pamamagitan ng
paningin.
Sa pamamagitan ng paningin,
makikilala ng mambabasa ang
inilalahad na lugar, panahon at
ang relasyon ngn mga tauhan.
Kapaunahan – ang mga
panagunahing tauhan ay ang
siyang pinakaugat ng maselang
pangyayaring inilahad.

Kaganyakan- Tinatawag ding


isang saglit na kasiglahan
sapagkat ito ang nagpasidhi sa
damdamin at pagnanasa ng
manbabasa upang ipagpatuloy ang
pagtunghay.
Kabanghayan- Ang
pagkakasunod-sunod ng
mga naaayong pangyayari
na mabilis ang kaganapan
at pagkaklahad ay ayon sa
istilo ng manunulat.

Tunggalian- Ito ay
tinatawag na gusot o
buhol.
Kasukdulan- Isang bahagi
ngunit salik ding
matatawag. Ito ang
pinakamasidhing bahagi
dahil dito nakasalaylay
ang kaalaman ng
mambabasa sa sasapitin
ng mga tauhan sa bandang
huli.
Kakanyahan- Ito ang
istilo ng awtor.

Kahimigan- Ang
damdaming ginagamit
upang mapukaw at
makintal sa isipan ng
mambabasa.
Kuwento ng Katutubong Kulay-
binibigyang diin ang kapaligiran,
pananamit ng mga tauhan, uri ng
pamumuhay at hanapbuhay ng mga
tao sa nasabing pook.

Kuwento ng Pakikipagsapalaran-
nasa balangkas ng pangyayari
ang kawilihan o interes sa
kuwentong ito.
Kuwento ng Kababalaghan-
mga di- kapani-paniwalang
bukod pa sa mga katatakutan
ang siyang daan ng kuwentong
ito.

Kuwento ng Tauhan- ang


interes ng diin ay nasa
pangunahing tauhan.
Kuwento ng Katatawanan-
ang diin ng kuwentong ito ay
magpatawa at bigyang aliw ang
mga mambabasa.

Kuwento ng Pag-ibig- tungkol


sa pag-iibigan ng pangunahing
tauhan at ang katambal niyang
tauhan
Kuwento ng Kapaligiran- ang
paksa ay mga pangyayaring
mahalaga sa lipunan,
kadalasan patungkol sa
kalikasan.
Kwento ng Madulang Pangyayari-
binibigyang diin ang
kapanapanabik at mahahalagang
pangyayari na nakapagpapaiba o
nakapagbago sa tauhan.
Kwento ng sikolohiko -
ipinadarama sa mga
mambabasa ang damdamin ng
isang tao sa harap ng isang
pangyayari at kalagayan.
Ito ang uri ng maikling
kwentong bihirang isulat
sapagkat may kahirapan ang
paglalarawan ng kaisipan.
Kuwento ng Talino -
Mahusay ang pagkakabuo ng
balangkas nito, kailangang
lumikha ang may-akda ng
makauliraning kalagayan
upang mamahay sa pag-
aalinlangan hanggang sa ang
takdang oras ay sumapit ang
paglalahad ng kalutasan.
Kuwentong
Pakikipagsapalarang
Maromansa -
Nasa balangkas ang
kawilihan sa halip na sa
mga tauhan ang kawilihan,
sa mga kawil ng mga
pangyayari ang siyang
bumabalot sa pangunahing
tauhan.

You might also like