LIPUNAN MGA KATANGIAN NI TARZAN PARAAN NG PAKIKIPAG-USAP NI TARZAN
. Anim na tungkulin ng wika ayon kay M.A.K Halliday
1. Instrumental- ito ang tungkulin ng wikang
tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba. Ang paggawa ng liham pangangalakal, liham sa patnugot, at pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto ay mga halimbawa ng tungkuling ito. 2. Regulatoryo- ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pasgkontrol sa ugali o asal ng ibang tao. Ang pagbibigay ng direksiyon gaya ng pagtuturo ng lokasyon ng isang partikular na lugar; direksiyon sa pagluluto ng isang ulam; direksiyon sa pagsagot sa pagsusulit; at direksiyon sa paggawa ng anumang bagay ay mga halimbawa ng tungkuling regulatoryo. 3. Interaksiyonal- ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa; pakikipagbiruan; pakikipagpalitan ng kuro-kuro tungkol sa particular na isyu; pagkukuwento ng malulungkot o masasayang pangyayari sa isang kaibigan o kapalagayang-loob; paggawa ng liham-pangkaibigan; at iba pa. 4. Personal- saklaw ng tungkuling ito ang pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro- kuro sa paksang pinag-uusapan. Kasama rin dito ang pagsulat ng talaarawan at journal, at ang pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan. 5. Heuristiko- ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aaralan. Kasama rito ang pag-iinterbyu sa mga taong makasasagot sa mga tanong tungkol sa paksang pinag-aaralan; pakikinig sa radio; panonood sa telebisyon at pagbabasa ng pahayagan, magasin, blog, at mga aklat kung saan nakukuha tayo ng mga impormasyon. 6. Impormatibo- ito ang kabaligtaran ng heuristiko. Kung ang heuristiko ay pagkuha o paghanap ng impormasyon, ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita. Ang ilang halimbawa nito ay pagbibigay-ulat, paggawa ng pamanahong-pape4l, tesis, panayam, at pagtuturo. Anim na paraan ng pagbabahagi ng wika ayon kay Jakobson 1. Pagpapahayag ng damdamin (emotive)- saklaw nito ang pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin, at emosyon. 2. Panghihikayat (conative)- ito ay ang gamit ng wika upang makahimok at makaimpluewensiya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap. 3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (phatic)- ginagamit ang wika upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan. 4. Paggamit bilang sanggunian (Referential)- ipinakikita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon. 5. Paggamit ng kuro-kuro (metalingual)- ito ang gamit na lumilinaw sa mga suliranin sa pamamgitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas. 6. Patalinghaga (poetic)- saklaw nito ang